Chapter 6- Field Trip (part 1)

3.2K 188 4
                                    


Arianne's POV

4 na buwan na ang nakakalipas simula noong pumasok kami dito sa Academy. Sa kasalukuyan nandito kami ngayon ni Brian sa bus kasi may field trip kami ngayon. Pupunta kami sa Elemental gem museum, The hunted mansion, Flower field at Crystal palace. Malapit na kami sa Elemental gem museum kaya nag re-ready na kami.

◀▶◀▶◀▶◀

"Students,  please prepare your things.  Nandito na tayo sa Museum. Magdala lang kayo ng mga camera niyo. Bawal ang pagkain at tubig. Thank you. You may now go to the museum with your partners." pagkatapos sabihin yun ng teacher namin, lumabas na kami ni Brian ng naka tali yung kamay naming dalawa kasi para daw hindi kami mawala sa mga partners namin kaya medyo naiilang ako kasi alam niyo naman na may crush ako sa kanya diba, at least crush lang hindi pa naman ako natutuluyang mainlove sa kanya.

So ito na nga nasa loob na kaming Elemental gem museum, maganda siya. Maraming mga gems, mga paintings at mga kung ano anong bagay chu chu nandito. Napansin ko lang na tahimik si Brian kanina pa. Matingnan nga at makausap akala mo kasi wala siyang bibig eh.

"Ahh, Bri--"napatigil ako kasi napakalapit ng mukha namin sa isa't isa. Agad naman namin tinangal ang pagkakatingin namin sa isa't isa. Grabe nakakahiya. Siguradong  namumula yung mukaha ko ngayon

Lalayo muna ako sa kanya ng konti at lumingon na ulit sa kanya.

"Brian may problema ka ba? Kasi napaka tahimik mo kanina pa."sabi ko sa kanya

"Ahh ganun ba? TAhimik naman talaga ako eh. Siguro nasanay ka lang na maingay at makulit ako sayo kaya hindi ka sanay kapag tahimik ako."sabi niya sa akin.

"Ah ganun ba? Okay. Tara picture na tayo dun."sabi ko sa kanya sabay turo doon sa elemental gem.

"Sige tara."sabi niya. Nang makapunta na kami doon bigla na lang umilaw yung elemental gem kaya napalayo kami.

"Brian sa malayo na nga lang natin tingnan. Umiilaw kasi eh"sabi ko kay Brian.

Tumango na lang siya bilang sagot kaya pinicturan na namin yung elemental gem ng malayo. Pagkatapos naming picturan dun naman kami sa sapphire gem hanggang makabalik na kami sa bus.

Ngayon papunta na kami sa haunted mansion kasi may activity kaming gagawin doon kaya matutulog muna ako.

-----------------------------------------------------------
A:N

So guys nagustuhan niyo ba yung chapter na ito?.

Sorry po kasi hindi ako nakapag update ng matagal ha. Sorry talaga.

PLEASE VOTE AND COMMENT TO MY STORY PO

Author: AbigailCuesta151

The Long Lost Princess Of The Elemental KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon