CHAPTER 10

1.3K 46 0
                                    

Ella's POV

Grabe talaga yung pinapanood naming movie ang ganda, kaya nga kami napaiyak eh pero may mga part din naman na comedy.

Actually, kami lang nina Kief at Kim yung umiiyak, si Aly naman tumatawa lang, tinatawanan kami. Manhid ang unggoy na yan eh 😭

"Hahaha, para kayong sira, iyak kayo ng iyak di naman na kakaiyak" pang aasar niya sa'min

"Tse! Palibhasa wala kang feelings!" pagtataray ko sa kanya

"MANHID!" sigaw naman ni Kim at Kiefer kaya naman napatawa na rin ako

"Mga BALIW! Baba nga muna ako, tingnan ko lang kung kakain na tayo ng dinner" sagot na lang ni Ly at umalis na sa room

Kiefer's POV

Nakaka bakla naman, ke lalake kong tao umiiyak ng dahil lang sa movie. Bwisit na matang ito.

"Kimtot!" agaw pansin ko sa kanya na nag pupunas ng luha

"Problema mo?!" asar na sagot niya, hahaha si Aly kasi eh inaasar kami

"Nakakabakla! Umiiyak tayo ng dahil lang sa movie"

"Matagal ka ng BAKLA!" pinagtawanan tuloy nila akong lahat except kay Den dahil tulog

Matagal na palang bakla ha! Eto sayo!

"What the!? Ba't mo ko binato?!" asar na tanong sa'kin ni Kim habang hinihimaa ang ulo niya

Sasagot na sana ako kaso biglang dumating na si Aly

"Guys, dinner's ready! Baba na tayo"

Pagkasabi niya non ay nag unahan na kami papuntang baba

Aly's POV

Hahaha, mga patay gutom talaga mga yun. Baba na rin sana ako ng maalala kong hindi pa gising si Den.

Ganda talaga ng best friend ko, kaya daming nag kakandarapa dito eh. Hayyy, I better wake her up baka maubusan pa kami ng pagkain dun.

"Hey, sleepyhead! Wake up, kakain na tayo"

"Hmmm. Yes yes yes." sagot niya sakin pero nakapikit pa rin at hindi bumabangon

"Hey! Wake up!" pero ungol lang yung sinagot niya sa akin

Hahaha, ayaw mo talagang gumising ha. Takpan ko nga ilong mo.

"Heudbekwkwhw" hahaha hindi ko maintindihan yung sinasabi niya, pilit niyang tinatanggal ang kamay ko sa ilong niya.

Syempre tinanggal ko na kawawa naman ang best friend kong hilaw eh hahaha

"Ly naman eh! Papatayin mo ba ako?!" asar niyang sabi sa'kin

"Oo! Papatayin kita! Papatayin kita ng pag mamahal ko" hahahaha, bigla siyang tahimik eh

"Kamatis ka na niyan? Hahaha, tara na nga sa baba. Baka wala na tayong maabutan na pagkain dun" pagkasabi ko nun ay hinila ko na siya pababa

Pagkababa namin ni Den, kumakain na sila. Ipinag hila ko naman ng upuan si Den para makakain na rin kami.

"Besh! Ang sarap ng mga ito ha" basag ni Ella sa katahimikan

"Kaya hindi ka pumapayat eh. At tyaka lahat naman para sayo masarap" pang aalaska ni Ara kay Ella

"Hindi naman ikaw yung tumataba. So, shut up ka na lang!" sabi ni Ella na ikinatawa naman naming lahat

"Ly, btw ano yung sasabihin mo sa amin?" tanong ni Ate Aerieal

"Ahm...Guys... I hope you don't get mad at the same time malungkot pag sinabi ko ito sa inyo" kinakabahang sabi ko sa kanila

"Bakit? What is it about ba?" tanong ni Den

"Well..."

She Belongs To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon