Hindi pa nila napapansing nandito ako kaya maingat akong naglakad para makaupo sa kanang bahagi ng cottage.

"So, ready ka na?" nakangising sabi ni Alex.

"Ready for what?" naguguluhang tanong ni Vee.

"Oh, you know what I mean."

"I don't know what you mean, Alex."

"You know para ma-complete ang mating process niyo."

"Huh?"

"Kung ready ka na daw bang makipag-sex kay Ivan!" sigaw bigla ni Tristan.

Natahimik ang lahat, walang ni isang nagsalita matapos sabihin iyon ni Tristan. Napangiwi ako dahil sa naging reaction ni Vee. Nanlalaki kasi ang kanyang mga mata at naka-awang pa ang kanyang bibig.

What a face.

"Wait? What?!" she jolted.

"Teka ba't parang gulat ka?"

"Hindi mo ba alam? Kapag nagpacmark ka sa kapareha mo ang susunod na step ay kailangan niyo nang mag-sex. I mean kailangan niyo ng maging isa."

"Minsan pwedeng mas mauna ang sex kaysa sa pagma-mark."

Napailing ako. Mukhang hindi alam ni Vee ang sinasabi nina Alex. Hindi ata siya nakikinig sa lesson ng teacher namin noong itinuro ang part na iyon.

"I don't know that."

"Seriously?"

"Paano kapag in-heat ka? You can't just ignore that? Mahirap pigilan iyon."

"Anong sinasabi mo?" naguguluhang tanong ni Vee.

"Kapag nasa in-heat stage ka hindi mo mapipigilan ang init na nasa loob mo dahilan para mabaliw ka, not literaly. That's why kailangan mo - niyong magsex para maibsan ang init na nararamdaman ng babaeng namarkahan," seryosong pagpapaliwanag ni Alex.

"H-hindi ko alam..." gulat na sabi ni Vee.

"Bakit kasi nagpamarka ka na?" tanong ni Alex.

"Kasi...dahil tanggap ko siya. Dahil mahal ko siya, hindi ko naman alam na ganoon pala ang mangyayari," sagot ni Vee kaya agad siyang niyakap ni Ivan.

"Don't worry I won't force you if you don't want to," mahinang sabi nito kay Vee.

"P-paano kapag in-heat ako?"

"Don't worry. I have a facility that can handle your situation," nabigla ako ng magsalita si Luke.

"T-thanks."

Matapos iyon ay walang nagsalita sa amin. Kahit gusto kong ibigay sa kanila ang mga nabili kong bracelet ay ipinagpaliban ko na muna. Ang bawat paghampas ng alon sa dalampasigan at ang mga ingay na nalilikha ng mga taong nagsa-saya sa beach ang naririnig ko.

"Ehem," a clearing of throat suddenly slashed the tense air.

Napalingon kami sa taong may hawak ng pagkain. May kasama pa itong dalawang babae na may mga dalang tray ng pagkain. Mukhang sa sobrang pag-iisip namin ay nawala kami sa focus. Masama iyon!

"Good afternoon po sa inyong lahat. Nandito na po ang mga order niyo. Salamat po. Enjoy your stay po," nakangiting sabi ng lalaking tumikhim kanina.

"Thanks."

Inilagay na nila ang mga pagkain sa lamesa. Nang makaalis na ang mga crew ay kumuha ng plato si Tristan at halos mapuno ang kanyang plato dahil sa dami ng kanyang kinuha.

"I don't like shrimps," sabi ni Alex pagkabigay sa kanya ni Tristan ng plato na kanyang kinuha. Akala ko siya ang kakain no'n pero si Alex pala.

Napangiti ako. Dati hindi pumapayag si Alex na punong-puno ng pagkain ang pinggan niya pero ngayon, halos tumapon na ang kaning nasa pinggan niya. Isa lang ito sa mga napapansin kong pagbabago sa kanya. Yes, she changed and the person who changed Alex was Tristan, her mate. I respect Tristan for that.

I'm the Broken LunaWhere stories live. Discover now