M&M 35

141 10 10
                                    

Sobrang aga kong nagising kaya madilim pa nung lumabas ako para mag jogging. Pabalik na sana ako kaso pagtingin ko sa wristwatch ko six palang ng umaga kaya pupunta nalang muna ako sa court, mamaya nako papasok sa loob

Nagdribble ako at akmang magshu-shoot ng bola pero biglang humarang si Nani.

"Nani?"

"good morning princess. Marunong ka pala magbasketball?" ngumiti sya tapos inagaw saken yung bola. Sya na ngayon yung nagdidribble.

Inagaw ko yung bola at saka nag-three point shot. "I hope that answers your question haha"

Habang nagbubunyi ako diko namalayan na naagaw na ulit nya yung bola.

"mine"

May kung anong idea ang namuo sa isip ko. Napasmirk ako tapos inilapit ko yung muka ko sakanya, as in ilang inches lang ang difference.

"no, mine" naagaw ko yung bola sakanya kaya nakapag shoot nanaman ako ng walang kahirap hirap. Kumurap kurap sya tapos tumayo ng tuwid.

"oy foul yun! Daya mo eh" pagmamaktol nya haha ang kyot nya





******

Hinihingal kaming sumalampak sa bench.

"himala haha"

"huh?" anong sinasabi nito?

"naka pink ka ata ngayon tas yang suot mong rubber shoes may pangalan ko pa talaga haha" napatingin ako sa adidas sneakers ko and sa fitnesss wear ko. Pink na sports bra tapos pink rin na jogging shorts

"actually favorite ko tong sapatos na to, pina-customize ko pa to haha" sinwing ko yung mga paa ko

"haha! Tara balik na tayo sa loob, gutom na ata mga alaga mo" tumunog kasi yung tyan nya haha




Pagpasok namin sa loob, gising na pala sila. Napatingin ako sa wall clock, 8:30 na pala.




"ganda mo jan sa pink kaso..." nagpause si Donghyuk sa sasabihin nya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa

"very sweaty." Hilig nya manipat no? haha una yung interior ng rest house tas ngayon ako naman lol

"sexy mo babe" dumaan si Yoyo sa tabi ko. Hinabol ko sya ng hampas, tumawa lang sya

"oy bat pareho kayong pawisan ha?" sumulyap samin ni Nani si Dongmin. "wag niyo sabihing kakatapos niyo mag-ano..."

"ANO?!" lakas ng boses ni June ah? Nabingi ata ako

"hala, hindi ah. Naglaro lang kami ng basketball" kinaway kaway pa ni Nani yung kamay nya sa harap ni Dongmin.

"what? At talagang sinabi mo pang nag BASKETBALL kayo?" may pagtakip pa daw ng bibig tong si Dongmin

"ugh! Loko loko ka talaga!" binatukan ko sya.

"hahaha you could've seen your faces. Ang priceless ng mga reaksyon nyo, really pfftt" tumatawang umalis si Dongmin. Kahit kelan talaga yun -_-

MIXed & MATCHedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon