Tawag. (Call)

5 1 0
                                    

Tagalog version

Ikaw kasi. Bakit ka nangiwan.


Heto naman ako umaasa ng umaasa. Sa wala naman pala.


Sana sinabihan mo ako para may headstart ako e. Pero sanay na ako sa ganyan. Di pa ako karapat dapat mahalin ng tunay? Di ba ako deserving na seryosohin? Bakit ba ganon. Di ko maintidihan.


Ako kasi. Ako kasi akala ko pwede na, ayos lang, sa wakas. Sa bandang huli ako din ang nawasak. Nadurog ako. Nandudugo ang akin puso. Bakit kasi ikaw pa pinili ko.


May girlfriend ka pala. Kailan pa? Nung simula pa? Bakit. Bakit pa.


Hindi.


Hindi na.


Naalala ko. Gabi gabi, pag tulog na ang mga tao at ang buwan nalang ang ilaw natin. Magkausap hanggang tumaas ang araw.


Unang gabi. Nagkakilala tayo ng masinsinan. Akala ko nun nalaman mo lahat sakin iiwasan mo ako dahil di mo ako pinapansin nun. Yun pala akala lang. Dahil malabo yun mata at di moko nakita. Kinilig ako. Pero di mo makikita sa mukha ko dahil magaling ako man tago ng nadadama.


Pero bakit ganon? Malabo din ang mata ko ngunit ikaw lang ang nakikita ko. Maliwanag. Matingkad. Partida mas malala pa yun mata ko sayo.


Nabulag ako. Binayaan ko sarili ko.


Hinintay ko ang pangalawang gabi. Hanggang tumaas ang araw, ako naghihintay parin.


Dumaan ang pangatlong gabi. Matutulog na sana ako. Ngunit tumawag ka. Nagising ang akin diwa, at muling nabuhay sa patay. Nag usap nang nag usap hanggang wala na maisip.


Bumitaw ka ng mga salita na akala ko'y saakin. Isa, dalawa, tatlo ilan beses mo sinabi paulit ulet binitaw.


Tumaas na ang araw tayo'y nagpaalam sa isa't isa.


Pasukan, nakita kita may mga kasama ka. Sino siya? Kaklase mo sana, ngunit bakit ka naka akbay at pabulong tumatawa.


Dinaanan. Nadaanan. Di mo napansin. Iniisip ko dahil di mo ko nakita sa malabo mong mata.


Sinabihan. Nag aalala yun kaklase ko at nag tanong kung ano meron? Sabi ko wala. Binalaan ako. Tinandaan ko yun mga sabi nila.


Nung gabi nun nag isip ako. Nag isip ng nag isip. Mukha ko nagpapalit palit minu-minuto. Masaya. Malungkot. Nagagalit. Nagulat.


Lahat ng pag iisip ko natigil sa isang tawag. Lahat ng nadadama ko nawala. Napalitan lahat sa saya at sabik sa puso. Sobrang sabik ang nadadama ko palagi tayo'y nagusap.


Sinabi mo na takot ka sa mga daga. Natawa ako. Kasi ang cute mo. Takot sa daga. Ayaw mo patayin yun tawag kasi nasa tabi lang yun daga at natatakot ka. Ang saya ko. Nung nalaman ko ayaw mo pa matapos ang usapan. Nakatulog ka sa usapan natin. Ikaw tulog ako'y gising. Gising ma gising. Bawat hinga binibitaw binibilang ko. Yun mga salita na binibitaw mo sa tulog. Puso ko'y sumisikip.


Ngunit naalala ko. Yun mga bawal at hindi dapat mangyari. Dahan dahan di kinaya ang pagdarama. Luha ay gumuhos. Umabot na sa dulo. Sa oras. Ang usapan natin ay naputol.


Di nakatulog. Ayaw matulog. Nangangarap lahat ay isang panaginip lang. Kung panaginip ang lahat, ayaw ko na muli magising.


Lumayo ako. Iniwasan kita. Nalaman ko na mahigit isang taon na pala kayo. Parang namatay ang isang parte sa loob ko. Puso ko. Bakit di ka tumitibok?


Ayaw kita makita. Ayaw ko nito. Ayaw ko madama kung ano to.


Kung pag ibig to tapos na ako.


Lumipas ang araw. Ang araw naging lingo. Lingo naging buwan.


Akala ko tapos na. Akala ko okay na.


Pero isang sulyap mo lang bumalik lahat.


Ayaw. Hindi. Bakit?


Binati ang isa't isa. Nakikita ko kita at siya. Magkasama sa wakas. Kinaya ko pa ngumiti at magbiro. Sa huli ako ang tumawa. Tumawa sa pagka tangahan ginawa ko.


Di ka lamang nag babala. Di ka lamang nag paramdam.


Parang hangin. Dadaanan lang.


Sabi nila una beses lang nila ikaw nakita ngumiti sa larawan. Andon din ako sa larawan. Napaka candid mo don. Di ko ba alam kung ano nakita ko sayo at ganito ka lakas ang tama mo sakin.


Pero aaminin ko masakit siya at mahirap. Natuto ako sa totoo. Marami ako nalaman. Babalaan ko na sarili ko at iingatan.


Di ko maiwasan masaktan, pero maiiwasan ko sarili ko sa mas malala pa.


Salamat sa iniwan mong alala.


Dadalin ko at tatandaan ko to.


Sa sunod na magkita tayo, sana maging dati na ulet tayo.


Kaibigan. Akin minahala. Salamat sa pagturo ng mga bagay bagay.


Di mo napansin o ayaw mo lang mapansin ayos lang. Kung di sayo di ko matutunan ang mga bagay bagay.

Di pa ngayon pero balang araw, lilipas din lahat at tatawanan nalang natin ang nakaraan.


Sa simpleng tawag nagsimula lahat. Natapos na din pag usap.


Sa ngayon, paalam. Akin kaibigan.


Salamat.



End call--

Call.Where stories live. Discover now