Bye Dianne, Hello Wife.

Start from the beginning
                                    

Ok speachless talaga kaming dalawa.

"I'm going to fetch you tomorrow after your office hour?"

"Ok." napapatangong sabi ko as if nasa harap ko lang sya. Nang ibaba nya na yung phone ay binaon ko ang mukha ko sa unan, grabe intense yung feeling. Ang lakas magpakilig ng Baby A ko.

"Good morning Miss Dianneara."

"Good morning!" masiglang bati ko sa mga employees na bumabati sakin. Ang saya ko lang ngayong araw.

"Miss Dianneara, may deliveries po kayo, yung nasa table nyo po."

Pagbukas ko ng pinto ay ganun na lang ang kaba ko, Isang boquet ng bulaklak at may kasama pang box ng cupcakes. Lumapit ako at nakita ko yung letter.

Baby D,

Good morning, Hope it'll make you smile.

Baby A.

Sobrang buo na ang araw ko sa ginawa nya. Bakit naman kasi kelangan pang magpakikig eh. Tapos bigla pang nag beep yung phone ko at nagregister na naman ang napaka gwapong pangalan ni Baby A.

'Goodmorning to a beautiful lady  like you. See you later.

Diba pwedeng ngayon na? Gusto ko na syang yakapin at halikan, ngayon may acces na ako, officially kami na at mahal nya ako tapos mahal ko din sya kaya kaming dalawa ay lagi ng masaya!

"Miss Dianneara these are all the reports that you need to review." pinatong ng secretary ko yung  patong patong na folders. Kasabay ng pagbagsak ng ulo ko, oh my stress!

So nagsimula na akong mag trabaho at pansamantalang nakalimutan ko ang aking love life.

Hapon na ng mangarag ako sa trabaho, diretso ako agad sa powder room at nag ayos. Naka pencil cut skirt pa ako at blouse, naglagay lang ako ng lipstick at nag ayos ng buhok tapos umalis na rin ako.

Palabas na ko ng front door ng building namin ng binuksan iyon ni Manong Guard at giniya ako palapit sa isang black na audi, itsura  pa lang halatang  bago yun. At parang pelikula na lumabas ang bidang lalaki, isang matangkad at napa ka gwapo na nilalang, naka fitted white shirt sya at maong pants. Nang lumingon sya sakin ay tinanggal nya ang salamin nya at ngumiti sakin. Pwedeng magmura? Huhu bakit ang pogi ni Baby A?! I mean lalo syang pumogi! Eh kamusta naman daw bukas tapos sa isang araw? Baka naman mag pyesta na ang kababaihan nun.

"Baby D .." lumapit sya sakin at hinalikan ako sa pisngi, hinawakan nya ang siko ko para sumakay, Teka bakit ang gentleman nya at ang sweet?! Nakalimutan ko atang umihi kanina dahil parang maiiihi ako ngayon!

Nang makasakay ako sa loob ng amoy bago nyang kotse ay nakita ko pa ang mga employees namin na kinikilig, siguro nagulat sila dahil first time may sumundo sakin na napaka gwapong nilalang.

"Are you ok Baby D?" napatingin ako sa kanya na nasa driver seat at tumango.

"Sa'yo to?" tanong ko sa kanya, dahan dahan syang lumapit sakin at kinabit ang seatbelt ko, mahabaging langit bakit mo naman ako binigyan ng napakagwapong boyfriend, pwede naman na gwapo lang bakit kailangan napakagwapo pa?

"Yes. I will be needing this sa mga darating na araw." humarap na sya sa daan at nag simulang magmaneho.

"Why?" tanong ko.

"Dadating na si Lola next week, as usual she'll needing a driver." tumingin sya sakin at ngumiti. "Wanna have an early dinner?"

"Yes. Kung gusto mo nga pati early breakfast pwede eh." natatawang tiningnan nya ako.

Seducing my Gay Boyfriend (PUBLISHED)Where stories live. Discover now