Chapter 42 (Never Enough)

Start from the beginning
                                    

Yun yung tawag namin sa isa't isa. Yan din ang nagpapakalma sa kanya everytime na stress siya o galit siya. Pag tinatawag ko siyang 'love' bigla siyang magiging okay.

Naging soft yung tingin niya sakin at nawala yung galit sa mga mata niya.

Lumapit ako sa kanya. Iniintay ko yung sagot niya. After ilang minutes pumayag siya sakin at parehas kaming umupo sa 2 rocking chair dun sa garden ni Louis.

Sobrang awkward yung atmosphere. Hindi siya makatingin sakin kaya nakafocus yung tingin niya sa sapatos ko. Weird diba?

"So..." sabi ko at tumingin na rin siya sakin.

"Listen, yung nangyari kagabi." Sabi ko sa kanya

"Worst night of my life" bulong niya pero di ko na pinansin

"Mahal kita." Inamin ko sa kanya. Walang halong biro yun. Yun naman talaga ang nararamdaman ko. Mahal ko si Liam. Di naman kasi siya mahirap mahalin eh.

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.

"Mahal mo ko?" tinuro niya yung sarili niya at tumango ako

"I. Love. You." Sabi ko. Inemphesize ko talaga yung tatlong salita para maintindihan niya.

"Pero... mas mahal ko si Avan, Liam." Sinabi ko to dahil may karapatan din siyang malaman.

"Why?" tanong niya sakin "Bakit mas mahal mo siya kaysa sakin?" tanong niya

Bakit nga ba?

"Kasi nakita ko na kaya niya kong saktan at mahalin at the same time. Nung una akala ko sobrang perfect niya, pero nung nakita ko na di siya perfect, na madami siyang ginawang mali dati... dun ko siya sinimulang mahalin." Tumingin ako sa kanya at nakatingin siya sakin.

"Don't get me wrong Liam, sobrang perfect ng relationship natin. Pero, sa sobrang perfect parang minsan naiisip ko 'what if magbreak kami' o 'what if magsawa kami sa isa't isa' gets? Sa sobrang perfect, baka masira." Umiling siya sakin

"Hindi, hindi ako magsasawa sayo" sabi niya at halatang pinipigilan niya uli umiyak. Ngumiti ako sa kanya na may halong lungkot

"Alam ko, pero pano pag ako yung magsawa sa relationship natin?"

"Edi gagawin ko lahat lahat para lang mainlove ka uli sakin." Tiningnan ko siya at alam kong nasasaktan ko nanaman siya.

Tama si Louis; Sinasaktan ko uli si Liam.

"Liam" tiningnan ko siya diresto sa mata

"Sometimes love is not enough"

"Eh sabihin mo, Mich! Sabihin mo kung ano ang gagawin ko para lang maging enough ako sayo! Kasi sawang sawa na ko sa pag-iisip kung pano ako magiging enough sayo!"

inamin niya sakin at tumulo yung mga luha niya. Gusto ko uli siya i-comfort pero parang ayoko. Kailangan na ba niya masanay na wala ako sa tabi niya pag kailangan niya ng comfort?

"Ayaw mo bang bitawan lahat ng sakit na nararamdaman mo?" tanong ko sa kanya. Hindi siya nakasagot.

"Mahal kita. Hindi ko alam kung bakit hindi pa enough ang pagmamahal." Bigla siyang tumayo at iniwan akong mag isa.

Liam's POV

Pinunasan ko yung mga luha ko at umalis sa garden. Umagang umaga umiiyak ako. Nakita ko sila Louis at El sa sala at nag sympathetic smile si El sakin habang tumayo si Louis at lumapit sakin.

"Ano nangyari?" halatang concern na concern si Louis

"Wala, text kita kung kelan ko feel" sabi ko at umalis kagad sa bahay niya kahit na tinatawag ako ni Louis.

Sumakay ako sa sasakyan at nag drive. Gusto ko magwala, gusto ko umiyak at sumigaw hanggang sa mawala lahat ng sakit na nararamdaman ko. Humigpit yung mga kamao ko steering wheel at nagdrive ng mabilis.

Nasa freeway na ko at sakto walang sasakyan. Gusto ko na mawala.

Tumigil ako sa pagd'drive ng may biglang tumawid. Halos masagasaan ko na siya kung hindi ko lang tinapakan yung break. Lumabas ako sa sasakyan at tiningnan yung babae na tumingin sakin.

"Ms, okay ka lang?" tiningnan niya ko ng masama

"Mukha ba kong okay?! Muntik mo na ko masagasaan, idiot" sabi niya sabay alis at papunta sa isang book store. Huminga muna ko ng malalim bago sumakay uli at magdrive.

Finally nakarating na din ako sa tapat ng bahay niya. Kumatok ako ng dalawang beses at mabilis niya itong binuksan. Mukhang gulat na gulat siya nung nakita niya ko

"Hi Liam" pumasok ako at umupo sa sofa. Habang nakatayo lang siya

"Di ka uupo?" tanong ko at umupo siya sa tabi ko

"Ikaw ang panalo" inamin ko sa kanya at mukhang naguguluhan.

"Huh" tumawa ako ng malakas, yung tipong parang nakakaloko.

"Mahal ka pa niya." Tiningnan ako ni Avan.

"Lahat ginawa ko, pero ikaw pa rin ang mahal niya. Amazing!" sarcastic kong sinabi sa kanya

"Liam" alam ko na yang boses na yan. Sawang sawa na ko pag ganyan yung tono nila Louis. Yung tipong concern sayo, yung tonong gusto ka nila i-comfort.

"Avan wag ka magpretend na may pake ka sakin. Hindi na tayo magkaibigan. Kaya pwede ba, tama na muna." Sinabi ko ng madiin. Hindi ko maiwasang di siya tingnan ng masama dahil sa sakit na nararamdaman ko. All this time, alam ko naman na pipiliin pa rin ni Mich si Avan, kaso may small part sakin na nagsasabi na wag pa rin ako susuko; na baka sakali, magbago isip niya. Na baka mas mahalin niya ko kaysa kay Avan.

"Liam, listen--" tumayo ako at humarap sa kanya

"Hindi Avan, you listen! Ako ang nauna na mahalin siya! Nung mga times na inaasar mo siya, yung pinapaiyak mo siya, andun ako! Naunahan mo lang ako na tanungin siya nun sa prom!" sinigaw ko lahat lahat ng gusto ko sabihin kay Avan simula nung highschool pa lang kami. Nakatingin lang siya sakin at halata na may gusto rin siyang sabihin pero pinipigil lang niya

"You know, di ko alam kung bakit ako pumunta dito pero congrats! Ikaw ang panalo! Take care of her ha?" yun lang ang sinabi ko bago umalis at pumunta kung saan man ako dalhin nung kotse ko.

Mich's POV

"Tas yun, di ko na alam kung ano gagawin ko" umiyak ako sa harapan nila Louis at El nung umalis si Liam. Kwinento ko din kay El lahat lahat na nangyari.

"Guys ano gagawin ko?" tinanong ko sila. Binigyan ako ng isang basong orange juice ni Louis at tinanggap ko yun. Nag sympathetic smile siya sakin at umupo sa tabi ni El.

"Isa sa kanila masasaktan" sinabi sakin ni El

"Si Liam yun" sinabi ni Louis pero binatukan siya ni El

"Di ka nakakatulong" inamin niya at nag sorry sakin si Louis.

"I think its best if kausapin mo din si Avan?" sinabi ni Louis.

"I don't know..."

"Dali na, pano mo malalaman if totoo yung nararamdaman mo kay Avan? Pagkatapos mo siya kausapin, dun ka mag decide." May point si Louis kaya naman ay tumango ako.

"Great so papapuntahin ko siya right now" teka what?

"Right now? As in ngayon na?" tinanong ko siya at tumango siya.

"On the way na daw siya"

Ready ko ba siyang kausapin at aminin lahat lahat?

---

Heyyyy guys! So sino dito ang tingin niyo mas deserve ni Mich? Si Liam o si Avan? At bakit?

Remember to vote and to comment! 15 votes and 12 comments for the next chapter.

Also, gusto niyo ba nagawan ko pa ng epilogue to? malapit na po kasi magtapos yung Better than words so please pakisabi if gusto niyo or hindi thanks!


-F Xxx

Better than words (Tagalog love story Kathniel)Where stories live. Discover now