HDAG 7

27 2 0
                                    

-flashback-

"Hoy! Itigil niyo yan!" sigaw ng batang babae


"Nako!! andito nanaman yung tagapagligtas mo gipong!" -classmate1
"gusto mo ba talaga itong mga katulad ni Gipong?" -classmate2
"Bulag ka pala eh hahahahah!" -classmate3


"Bibitiwan niyo ba siya o magsusumbong ako sa teacher?!" -batang babae


"Woooooo!! swerte mo talaga at may superhero kang anak ng guro Gipong! kundi kanina ka pa namin kinaladkad kasama yang babaeng yan!" -classmate1
"Pasalamat ka, araw mo ngayon! *tsk* oh eto na mister mo Ms.Bayani!" -classmate3

"ug..hh.."


"Okay ka lang ba Pogi?
Hoy kayo! Pag binully niyo pa siya ulit, isusumbong ko na talaga kayo!"


"tsk! makaalis na nga, magsama kayo!" -classmate1,2,3


"asar!!
pasensya na, nahuli ako nang dating Pogi. Sana hindi ganyan karami yung natamo mong pasa, kung dumating lang talaga ako kaagad, asar *tsk*.
Pero okay ka lang ba? gusto mo dalhin kita sa clinic?"


"..o-okay lang ako Tif.. sa-salamat s-sa pagligtas mo sa-sakin..p-pasensya na pala sa abala.."


"ano ka ba, okay lang yun! nasanay na rin akong iligtas ka sa mga yun, kaya okay lang no!

Tara gamutin muna natin yang mga galos mo. Matatapos na rin ang break time eh"


"si-sige.."


-end of flashback-



"IKAW?!?!"


"IKAW?!?!"


sabay naming sabi


"Magkakilala kayo?" patakang tanong ni Julius..


"A-ah..oo par! hmmm, paano ko ba sasabihin, siya yung kababata ko.Kung naaalala mo sa mga istorya ko noon,si Tiffany" pagsabi ko kay Juls at napaisip naman siya. At bigla na lang sumabat 'tong babaeng ito.


"Haaaa?! kababata? Sinong may sabi na may karapatan kang tawagin akong kababata mo? Eh isa ka lang namang traydor!!" sabat niya na ikinabigla ko naman ng kaonte. Dahil hindi ko akalain na hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin.


"Tif...galit ka pa rin ba sakin?" deretso kong sabi sa kanya at nagbago bigla ang emosyon niya.

Yumuko siya..at parang huminga ng malalim


"Hindi na..

.....HINDING HINDI NA mawawala yung galit ko sayo!!" biglang angat ng ulo niya na may magkadikit na kilay sa mukha at pasigaw na sinabi ang mga salitang iyon.


Ilang taon na ang nakalipas, bakit hindi pa rin niya makalimutan ang insidenteng yun. Medyo nakakaasar na ah, nagpaliwanag naman ako noon, bakit hindi pa rin niya maintindihan?!


"Ano pa bang problema mo?! humingi naman ako ng paumanhin sayo noon at ipinaliwanag ko yung side ko. Bakit ang bagal ata ng proseso mo sa pag intindi?" medyo taas ko ng boses na sinabi iyon, na ikinalaki naman ng mata niya sa gulat at inis siguro.


"Anong sabi mo?! mabagal? Sino kaya sa atin ang MAS may mabagal na pagproseso sa pag-intindi?! Hindi ka nga marunong tumupad sa usapan tapos sasabihin mong mabagal ako umintindi? Nawawala na ba yang katalinuhan mo ha?!" paglaban niyang sabi sa akin. Na kina-offend ko dahil dun sa sinabi niyang nawawala yung katalinuhan ko. Wala siyang karapatang sabihin ako ng ganun. Tsk


"Pwede bang wag mo na idamay dito sa usapan na ito ang katalinuhan ko? Kasi una sa lahat ikaw ang pinaka nakakaalam ng katalinuhang taglay ko. At sana mapagtanto mo na habang natanda ka, dapat kinakalimutan mo na ang nangyare sa nakaraan. Hindi yung nagmamaktol ka na parang bata na kinuhanan ng kendi at tinapunan ng wrapper nito. Grow-up Tif. Malaki na tayo para magtalo ng ganito" Pagsabi ko nang nasa isip ko. Sana hindi siya maoffend. Sinasabi ko lang ang totoo.


"HAAAAA?! bata?!! Ang kapal mo naman para sab--" naputol yung pagdadada ni Tif dahil sa pag-awat ni Julius, at nagsalita


"Wait a minute guys, Relax please.

Pero teka bro, Siya ba yung nakwento mong first love mo nung bata ka? Siya yun diba? yung laging nagliligtas sayo sa school maliban sa akin na gusto ka rin?

Yung nag-iisang tumatawag sayo ng Pogi?" patakang mga tanong ni Julius na kinabigla ko naman at halatang kinabigla rin ni Tiffany na biglang sumabat


"FIRST LOVE?! GUSTO?! YAN?! YANG TRAYDOR NA YAN?! Anong pag-iimbento yan Gipo?! Ikaw ata ang hindi nakakalimot sa nakaraan. Tyaka ipapaalala ko lang sayo, marami kang utang na loob sa akin noong bata tayo!"



"Grabe. Wow. Magsusumbatan na ba tayo ngayon?! Parang wala kang napapala sa akin dati ah? At teka ipapaalala ko rin sayo,sino kaya ang unang nagtapat na gusto niya ako? Siguro sa sobrang galit mo sa akin pati yung pag-ibig mo nakalimutan mo na? *sabay ngisi ko sa kanya*"


"ANOOOO?!?! ANG KAPAL NG MUKHAAAA AH"


"Kung makapal ang mukha ko, odi sana hindi mo ako nagustuhan" *ngisi ko ulit* at mukhang inis na inis na siya hahahah natutuwa ako na ewan



"Grabeeeee!! Buti na lang talaga at pinaglayo tayo ng landas kasi kung hindi baka lumubog ako sa sobrang kahanginan mo! Yung tipong matatangay ka palabas ng planetang 'to"


"Hindi ka pa talaga aawat no? Parang dati sobrang mahal mo lang ako na mismong ikaw nagpoprotekta sa isang lalakeng gaya ko pero ngayon kinukumpara mo na ako sa oxygen na nilalanghap mo. Ngayon ko lang narealize na, kung hangin pala ako sa pananaw mo, odi kailangan mo ako para mabuhay. Feeling ko tuloy hindi ka pa rin nagbabago, may pagnanasa ka pa rin sa akin, Tiffany my loves hahahahaha" sabay kindat mo sa kanya, at napansin ko na may parang umuusok sa bumbunan niya hahaha HB na



"UGHHHHH!!! ano bang nangyare sayo at naging ganyan ka kayabang?! Hindi na ikaw yung kilala ko!! Lumayas ka na sa harapan ko pwede?!"


Sasagot na sana ako sa sinabi niya ng marinig ko ang bulungan at reklamo nang mga naka pila sa likod ko.

Lagot, nakalimutan ko pala na nasa fast food kami at nakapila kami para umorder at tyaka ko lang naalala na malapit na pala magshowing at papanuorin naming movie.


"Par, ano bang eskandalo yang ginagawa niyo ngayon? Itigil mo na yan at tara na. Mamaya na lang tayo kumain, kanina pa ako hinihintay ni Peach sa labas. Tara na bilis" biglang sabi at hawak sa akin ni Julius palabas ng kainan na ito.


Napatalikod na ako kay Tif at may umudyok sa akin na lingonin siya, napansin ko na hindi na pala niya hinintay ang sagot ko dahil may kumakausap sa kanyang isang babae na feeling ko manager nila. Hindi ko na masyado makita dahil medyo malayo na kami sa kainan na iyon.


~
"Miss Tiffany, what just happened here? What's the fuss??" -manager

"I-i'm sorry ma'am.. May nakita lang po akong salot-- ay este kakilala ko po noon. Medyo hindi po naging maayos yung pag-uusap namin. Pasensya na po ulit" -Tiffany

"Hmm. If you fix this instant, i'll let you off this once. So next time, better avoid this situations" -manager

"Yes ma'am Brittney" -Tiffany
~


-----
Malapit na magsara ang mall at naglibot lang kami saglit pagkatapos manuod ng movie nila Julius at Peach. At sa palabas na yun, wala akong naintindihan masyado, dahil sa kakaisip kay Tiffany.

Sa kung anong nangyare sa kanya? Bakit galit pa rin siya sa akin? Bakit nagtatrabaho siya doon? Bakit ganun pa rin yung itsura niya? At ang dami ko pang tanong sana kung hindi niya ako sinigawan simula't sapul.


Bigla naman akong nagulat sa pitik ni julius

"Tulala ka bro.Problema?"


"Ah wala wala. Nga pala, mauuna na akong umuwi. Hahatid mo pa si Peach diba? At alam kong gusto niyong solohin ang isa't isa hahahaha" natawa kong sabi, pero hindi dahil sa asar yung tawa ko kundi dahil natawa na lang talaga ako sa reaksyon ni Julius.


"Uy wag ka ngang ganyan bro. Naririnig ni Peach tyaka getting to know each other pa lang kamim Suportahan mo na lang ako ;)" sabay siko niya sa akin at sumang ayon na lang ako. Wala sigurong makakapigil sa pagtingin niya kay mahiwagang Peach.


"Osya, mauuna na ako. Gabi na din masyado, hinihintay na siguro ako ni nanay. Baka nageemote na yun dahil hindi pa nauwi ang napakagwapo niyang anak. Baka ipahanap pa ako sa TV at akalain ng iba celebrity ako. Bye bye"


"Nako ewan sayo par haha sige ingat!"

Pagpapaalam namin sa isa't isa. At naglakad na ako sa sakayan ng mga jeep.


May dumating ng jeep at sumakay na ako, at naupo ako sa may bandang pinakadulo ng jeep.

At halos napuno na ang mga upuan at ang huling sumakay ay mukhang maraming dala at matanda pa ata kaya minabuti kong tulungan ito sa mga gamit niya nang may sumabay na nag-alalay rin sa pagtulong nito, hindi ko nga lang nakita dahil umakyat na yung matanda.


Parang nagkaron ako ng onting interes doon sa tumulong kasi iilan na lang ang ganun sa mundo, ata?

Napansin ko na nasa tapat ko pala siya at babae ito. Kaso nakayuko eh, busy ata sa phone niya. Naghahanap ako ng tsempo para makita ang mukha niya at para maipakita ko rin ang mukha ko. Kasi sayang yung pagkakataon na hindi niya maappreciate ang kagwapuhang taglay ko.


Nang medyo malapit na ako sa kanto namin, bigla siyang nagsalita, at napansin kong inangat na niya ang ulo niya


"Para ho"


Nang nagulat ako sa nakita ko..


"JOLLIBEE GIRL?!" gulat kong sabi kaso nakababa na eto at medyo malayo na kaya tinignan ko na lang siya bigla kahit nakatalikod. Pinagtinginan naman ako ng mga katabi ko kaso hindi ko na inintindi kasi sanay na ako sa atensyon dahil sa pagiging gwapo.


Kaso ang pinagtataka ko, si jollibee girl nga ba talaga yun? Parang sigurado akong siya yun pero teka ang bait niya pala..? Haaaa??? parang imposible..


Dala na ba ng pagod 'to at kung ano ano ang nakikita ko o baka naman naooverdose na ako sa pagiging gwapo ko kaya pati mata ko naaapektuhan.


Hmmmmm..


To be continued

•••••••

A.N. This is only a draft which is published intentionally, so it is posible to be edited for the actual part, maybe.


P.S. I'm trying to continue this, so bear with me.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hindi daw ako Gwapo? (ON HOLD)Where stories live. Discover now