HDAG 6

56 5 15
                                    

Hindi ko talaga ineexpect na magkikita kami ulit sa ganitong sitwasyon, lugar at pagkakataon..

"IKAW?!?!"

"IKAW?!?!"

sabay naming sabi

"Magkakilala kayo???" patakang tanong ni Julius sa aming dalawa

"A-ahh oo par." Habang si Peach naman ay hindi mapakali sa kinatatayuan niya ngayon kasi hindi namin alam kung paano kami magpapansinan.

"Siya yun, yung Peach na kinuwento ko sayo. Tanda mo ba?" pabulong ko kay juls. nagulat naman ito pero palihim na ring natawa. At tinignan mula ulo hanggang paa si Peach kasi mukhang namamangha talaga siya sa pagdadamit babae neto.

"Sya nga pala Peach, Ito si Julius, Julius Benedict. Ang pinsan ko galing America."

"Juls, eto naman si Peach. Isa siyang nurse." pagpapakilala ko sa kanilang dalawa at nagkamayan naman sila

"N-nice me-meeting you ju-julius.." paguutal na sabi ni peach at ilang na ilang sa tingin ni Juls

"nice meeting you din" pangiting sabi ni Julius sa kanya, na ikinaistatwa ni Peach.

Nastuck na silang dalawa sa harap ko at ayaw magbitawan ng kamay. Ewan ko kung sino ang ayaw bumitaw si Julius ba o si Peach? Pero teka alangan si Julius diba? Hindi naman bakla tong insan ko para pumatol sa kapwa niya diba? ata?..

Napaisip ako dun bigla, kasi nakaisang girlfriend palang yan simula nung pinanganak siya. At alam ko matagal na rin siyang single...t-teka.."SERYOSO?!"

nasabi ko na lang sa sarili ko ng tinignan ko ulit sila at magkatitigan pa rin..ang hirap maniwala p-pero paano kaya kung totoo itong haka-haka ko?

Kung isisipin naman ng masinsinan, taga America si Julius at legal naman daw ang pagpapakasal sa kapwa mo lalaki dun. Pero yun ang sabi nila, hindi lang ako sigurado. Kung magustuhan man nila ang isa't isa at naisipang magpakasal, wala silang problema. PERO, KUNG sakali lang naman yan. HAHAHA kasal agad iniisip ko, hindi pa nga sila gaano magkakilala eh hahahaha *sabay tawa kong malakas* at napansin nila ito at binitawan na ang isa't isa na akala mo hindi na alam ang gagawin pagkatapos.

"Siya nga pala par, yung sinasabi ko nga pala, nagtext si nanay sakin. Pinagluto ka daw niya nung paborito mong ulam. Kaya umuwi na din daw tayo kaagad."

"Ahhh ganun ba. sige tara na" pagkasabi niya at dinala na din ang hawak niyang milktea

hinarap ko si peach

"Sige mauuna na kami Peach.. sana wag moko mamiss." sabi ko at parang nabigla naman siya. Siguro hindi niya pa rin makalimutan yung pambabasted ko sa kanya. sorry naman ah

Palabas na kami pero lumingon at bumalik si Julius,nakita kong binalikan niya si Peach sa kinatatayuan nito. Napansin kong may inabot si Julius kay Peach. Card ata o Papel?

At biglang napangiti si Juls na tipong nahihiya at si Peach naman akala mo kamatis na namumula. Kitang kita ko kaya sila dito sa may labas. Ang laking tao kasi nila parehas, akala mo mga wrestler na nangangamatis sa pula. Gets niyo ko? ang weird nila tignan pramis.

Lumabas na din si Julius at nagpaalam na sa isa't isa ang mga wrestler

--

Nakauwi na kami ng bahay at nag-aya na si nanay na kumain dahil nakahanda na rin ang hapag kainan ng makarating kami.

Kinamusta naman ni nanay ang paglalakwatsa namin ni Juls. At kinuwento ko naman lahat ito, kasama na yung pagpapantasya sakin nung mga kababaihan sa mall. Parang nawalan naman ng gana ang itsura ng mukha ni nanay ng masabi ko iyun, pero dinaan niya na lang sa pag-ubos ng isang basong tubig. Alam ko namang nagseselos din si nanay pag nagkukuwento ako ng mga ganung bagay pero gusto ko lang naman ipaalam sa kanya kung gaano kagwapo ang anak niya BWAHAHAH

Hindi daw ako Gwapo? (ON HOLD)Where stories live. Discover now