Pagsuko

6 0 0
                                        


A/N : Inspired by my boy bestfriend and dedicated to his ex love. 


Sabi mo nasaktan ka

Dahil kayo ay wala na

Di mo man ipakita

Pero maga ang iyong mata


Umiiyak ka ba

Tuwing gabi

Iniisip mo ba siya

At nagsisisisi?


Iba na ang tawa mo

Parang pilit

Na kahit nakangiti ang labi mo

Makikita sa mata mo ang sakit


Sumuko na siya

Sabi nila

Kasi may iba ka na

Pero alam nating wala


Gusto mong balikan

Hindi lang dahil sayang

Kundi dahil mahal mo pa siya

At kung wala siya, paano ka nga ba hihinga


Masakit ang puso mo

Iyan ang alam ko

At kahit anong gawin mo

Siya lang ang makakagamot nito


Dahil minahal mo siya ng sobra

Kahit di mo man ipakita

Nasaktan ka ng bongga

Puso mo ngayo'y wasak na


Araw araw hinihiling

Sa mga bituin sa langit

Na sana ika'y dinggin

At 'Bumalik ka na sakin'


Ngunit sa tagal niyong nawala

Meron na pala siyang iba

At ngayon mas nasaktan ka pa

Dahil mahal mo pa siya.

WORDSOù les histoires vivent. Découvrez maintenant