AMTR 11

1 0 0
                                    

A MOMENT TO REMEMBER

HZL-YN

--------------------

Kaye's pov

"So ikaw pala yung sinasabi ni marvince?"

"na ano?"

"Na bago nya"

Nilibot nya ang malikot nyang mata sa buong katawan ko.

"Grabe lang, hindi ako makapaniwala"

Nag taas naman ako ng kilay sa sinabi nya

Ano bang gusto nyang ipamuka? Naiinis na ako ah!!! Sasakalin kita kateline.!!!

Mas lalo pa nyang inakupa ang ispasyong natira sa aming dalawa. Mas mag kadikit na kami ngayon.

"Malapad ang noo"

"Manipis ang buhok"

"Flat chested"

"Payat"

"Parang kawayan walang hubog"

"Braso ko lang ang hita mo"

Abat!!!! Nilalait mo ako?

Ang ganda nga ng noo ko eh! At yung buhok ko? Sakto lang! Sa kanya kase sabog na kulot.

Yung dibdib ko? Flat chested pa ba ako nito eh 34 B na to? Nasobrahan kase ata yung kanya! Parang mag kasing laki na ng buko...

Payat ako? Slim ako nuh! Ang sexy ko kaya...

walang hubog! Ang tambok kaya ng pwet ko nakakainis na tong babaeng to ah! Braso daw nya ang hita ko? Mataba kase sya! Grrr!! Slim ako. Sexy!!!

"Ikaw babae ka ha! Tigilan mo na ako! Wala akong mapapala sayo"

"Baliw ka ba? Ikaw nga ang nag ayang makipag kita sakin"

Goshhh!!! Baliw na ako. Oo nga pala ako yung tumawag sa kanya bwisit. Nang dahil sa kanya natataranta ako. Hindi ko na alam kung ako pa ba to!

"Ah basta! Wag mo na kaming guguluhin ni drew masaya na kami"

"Talaga? Masaya? Kelan? Akin...... akin si drew Akin!!!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Anong kanya? Eh na sakin na!

"Anong iyo? Akin si------"

"Hoy! Andrea, anong iniisip mo?"

Napakurap ako ng maraming beses sa nag salita. Grabe may kasama pang tapik.

"w-wala, may naalala lang ako"

Grabe pala. Pasalamat ako dito kay Janine at binulabog ako sa pag de-daydream ko kung sakaling mag kita kami ni kateline. Na kung sakaling mag kita kami lalaitin lang nya ko ng lalaitin.

Hindi naman ako papayag dun.

Kung mag kita kami away na ang mangyayari? Hay! hindi usapang babaeng edukada kundi usapang babaeng tambay sa kanto..

"Anong naalala mo?"

Napangiwi ako, ano bang naalala ko? Na nilait ako? Ayoko nga.

Katrabaho ko si janine sa WECOR sa katunayan kaibigan ko na yan.

"Janine san ka nag gi-gym?"

"Ha? Eh! Sa... sa ano eh bakit ba?"

Si janine kase ang babaeng kapag tapos ng trabaho ay nag papalipas ng oras sa gym.

"Sasama akong mag gym sayo!"

"Anla! Talaga andrea? Matagal na kitang inaaya eh ayaw mo nung naisip mo bakit ka sasama na?"

"Wag ka ng madaming tanong basta sasamahan na kita"

"Osige sige. Kelan ka mag i-start?"

"Mamaya na"

isang matagumpay na ngiti ang nakuha ko sa kanya

Mamaya na? wala pa kong isusuot.
..
..
..
..
..
..
..
..


"Oh san ka ba galing at ayaw mong mag pasundo?"

Hindi pa ako nakakapasok ng bahay eh!

"Sumama ko kay janine mag gym, diba sabi ko sayo matagal na nya kong inaaya. Nakulitan ako eh, trinay ko na"

"San mo nakuha yang suot mo?"

"Binili ko kanina bago kami tumuloy sa gym"

"ikaw namili?"

Sabay usisa nya sa suot ko.

"Si janine bagay daw kase eh. Bagay ba beb?"

"Hindi, masyadong maikli at fit. Tapos nakapony ka pa ng mataas. hindi bagay sayo"

Sabay talikod nya.

"Sige sa susunod mag papanjama na lang ako at pantulog para tago ako"

nag paalam akong mag papalit lang ako ng damit baka kase batukalin na ako ni drew eh.

Napatingin ako sa suot ko. May masama ba dito? Leggings na black na hanggang tuhod at pink na semi bra.

ay nako drew at anong gusto nya habang puro pawis ako nakalugay ako? Ano namang gagawin nya sakin.

Bumalik na lang ako sa sala at tinabihan si drew. Galit to for sure eh!

Lalambingin ko muna.

............................

A Moment To RememberDonde viven las historias. Descúbrelo ahora