"Hay nako Lucy! Kelan mo ba aayusin yang pananamit mo hah? Napaka oldie ng vibes!" reklamo ni Eli habang nag aayos sa salamin

"Kanya kanya tayo ng trip Eli." tanging sagot ko nalang sakanya. Inismiran niya nalang ako at tuloy sya sa kanyang pag aayos sa salamin

Nang matapos na kami sa pag aayos. Kahit si Eli lang naman talaga yung nag patagal.

Nag paalam na kami kay Mama at umalis na. Nag commute lang kami ni Eli dahil wala kaming kanya kanyang sasakyan.

Nang makarating kami sa mall. Agad na pumunta sa department store para bumili na ng gamit na gagamitin namin sa school.

Bumili na ko ng binder ko, ballpen na Dong A, Yellow pad, Bond papers, folder, pati pencil in case na mag papa drawing samin.

Yun lang yung binili ko dahil yun lang naman yung kaya ng budget ko. Dahil bibili pa ko ng bag at sapatos pati uniform. Ayoko ng mag abono pa si Eli dahil ang dami ko ng utang sakanya na di ko pa nababayaran.

"Ano tapos ka na?" biglang sulpot ni Eli sa tabi ko

"Oo eh. Eto lang muna bibilhin ko" sabi ko sabay pinakita sa kanya yung mga binili ko.

Nanlaki ang mata nya at umarko ang isa nyang kilay

"Seriously Lucy? Yan lang bibilhin mo??"

"Oo. Yan lang kasya sa budget ko"

Agad naman akong na napatingin sa pinamili nya. Agad na nanlaki ang mata ko dahil puno ang dalawa nyang basket na nakalagay sa cart.

Para na nyang binili yung buong department store sa sobrang dami ng binili nya.

"Ang dami naman nyang pinamili mo? Ano? Hanggang next school year stock mo na yan?" nagugulat kong sabi habang nakatingin parin sa mga pinamili niya

"Duh?? Kakaylanganin natin yan no!" pag dedepensa nya

"Ahh" tangong sagot ko nalang sakanya

"Asan yung sapatos at bag mo?" tanong nya

"Wala na kong budget. Meron pa naman akong gagamitin. Pwede namang bumili next time" tanging sagot ko nalang sakanya

"Hinde pwede! Kaylangan mo ng bagong sapatos at bag ano ka ba!"

"Hindi na Eli. Okay lang"

"First time nating papasok sa school na yon kaya dapat bago lahat ng gamit natin no!" pag tataray nya

"Ikaw nalang muna. Saka na ko" pag pipilit ko sakanya

"Ehhh!! Hinde pwede! Ako na bibili ng sapatos at bag mo!" pag pililit nya rin sakin.

Pero dahil di nga sya nag papatalo. Napilit nya rin ako. Binilan niya ko ng bagong sapatos at bag. Pero sabi ko sakanya ay babayaran ko din naman agad yon pag nakapera na ko.

Nang matapos na kami bumili sa dept store ay nag lakad lakad muna kami sa mall.

"Tara kain tayo gutom na akez" pag aaya nya sakin

"Sige"

"Tara Bon Chon tayo! My treat!" masiglang sabi ni Eli.

"Eli. Kanina mo pa ko nililibre. Nakakahiya na"

"Ano ka ba. Wala yon! Para san pa na naging magkaibigan tayo kung di rin naman kita ililibre? Diba?"

"Basta babayaran kita pag nakakuha na ko ng pera"

Chasing That NerdWhere stories live. Discover now