Chapter 7

85 7 1
                                    

please vote XD

~eto na ang continuation sa side ni prince jian, magkasunod ko lang silang inupdate, kaya lang may ginawa ako hehe~

Prince Jian's POV


Nagsimula na ang pangangampanya, 3 weeks nalang bago ang botohan. nangangampanya ako kasama palagi si jazz at mga barkada namin. 

napadaan ako sa lobby  ng building namin naririnig ko na pinaguusapan nila si hannah, kesyo iboboto daw nila siya, kesyo sexy daw siya, kwela daw siya kapag siya ang nanalo sa s.c at para naman daw mag iba na ang magiging pres. ngayon year na to.idedeadma ko nalng sana sila kaya lang kada madaanan ko ay may hawak na freebies ni hannah..

Hingal na hingal akong nilapitan ni jazz, kanina pa daw niya ako hinahanap.. sinabi niya sa akin na nangunguna daw sa survey si hannah atnabalitaan niya rin na nagvote buying siya. kagaya ko ay napansin niya rin daw halos ng engineering ay gustong gusto siya. That girl! ang dumi niyang lumaban. pera ang pinairal niya, i can't believe this! bakit nila siya iboboto?! eh wala naman siyang experience sa pamamahala bilang pres. hindi ba sila nagiisip na wala naman mangyayari sa pagtakbo niya kung mananalo siya. hindi ako makapayag na matalo ako! kailangan ko ng gumawa ng paraan, masyado akong nakampante na mananalo ako, nakalimutan ko na maraming lalaki sa course namin. nakuha niya lahat ng loob nila, inakit niya ang mga ito, binayaran rin niya ang mga ito. napabuntong hininga nalang ako..

Gumawa ng plano si jazz, hindi ko alam kung papayag ako o hindi. sabi niya bukas na daw namin sisimulan. sinabi niya kasi na dapat ko daw makuha ang loob ni hannah, total tumakbo lang naman siya para gantihan ako at para ipahiya ako. kung kaya plinano niya na dapat mapaamo ko siya bago mag eleksyon habang may oras pa para mag back out siya. Halata naman sa itsura ni hannah na wala siyang hilig sa pagtakbo at wala sa loob niya ang pagtakbo niya. Hindi man ako pumayag pero wala na akong choice, kesa naman maapakan ang ego ko at lalong wala akong balak na magshopping para lang sa mga signature na gamit pag nagkataon na manalo siya. Psh.

inabangan namin nila jazz si hannah kung saan siya pupunta habang vacant. Right timing naman dahil wala siyang kasama at mag isa lang siya. himala yata at hindiu niya kasama ang mga alipores niya. patungo siya sa likod ng building namin, nagtago na ako sa tagong bench para hindi niya ako agad makita. inumpisahan na namin ang pagpapanggap, kunwari babastusin siya ng dalawang lalaki at ililigtas ko siya na mala superman, good thing napaniwala namin siya at bad thing nabugbugan ako ng totoo at ang sakit sa katawan. alalang alala sa akin si hannah ng lapitan niya ako, napayakap pa siya sa akin sa sobrang concern sa akin, effective ang ginawa namin dahil bakas sa mukha niya ang takot at pag aalala. pagkatapos nun ay pinaalis ko na siya at sinabing ako na ang bahala sa admin. wala siya sa sarili niya at umalis na.

pagkaalis ni hannah ay dumating na si jazz. sinigurado muna nyang nakaalis na ang dalawa niyang ex school mates, binayaran niya ang mga ito para mapapayag na magpanggap na masasamang tao. nilapitan kaagad ako ni jazz nabigla siya nang makita ako hindi siguro niya alam na tinotohanan ng mga panget na yon ang pambubugbog sa akin. dumudugo ang ilong ko at pumutok ang labi ko. pasalamat ang mga panget na yon dahil effective ang ginawa namin kung hindi yari sila sa akin. nagmadali kaming pumunta sa admin bago pa man makapagsumbong si hannah, mahirap na baka mabuking kami. kanina habang yakap niya ako ang amo ng mukha niya, ibang iba sa mataray na hannah na lagi kong kaaway. 

meron pa kaming pangalawang plano, yun yung kinuha nila ang kotse ni hannah. oo tama kayo kami ang salarin kung bakit nawawala ang kotse niyang bugatti super veyron. ang totoo niyan hindi naman tlga nawala ang kotse niya dahil inuwi nila jazz sa bahay nila sa bahay nila hannah ang kotse niya. ganun tlaga, mas nauna pang umuwi ang kotse kaysa sa may ari :D lol.

inabangan kong umuwi si hannah, 6pm nakita ko na siyang naglalakad papuntang parking area, naghintay ako ng ilang minuto bago siya lapitan. nung makita ko na siyang galit at nagsasalitang mag isa dahil siguro hindi niya mahanap ang kotse niya nilapitan ko na siya para magawa ang next plan.. tinanong ko kunwari kung bakit hindi pa siya umuuwi ang sabi niya nawawala daw ang kotse niya. ininvite ko siya na ihahatid ko na siya sa kanila, nung una tumanggi siya ang sabi niya magtataxi nalang daw siya pero nung sinabi ko sa kanya na delikado sumama narin siya sa akin.

dumaan muna kami sa coffee shop ng mommy niya, nung makarating kami doon ay niyaya niya muna akong kumain at treat daw niya, pumayag na ako para makuha ang loob niya. habang kumakain kami ay nagthankyou siya at nagsorry, ganun din ako nag sorry din ako sa kanya about sa bad encounter namin sa canteen. friends na din daw kami sabi niya, nagkukwentuhan kami hanggang sa mapansin niyang ring ng ring ang cellphone ko. ang sabi ko si chrysanth yon tapos nag excuse ako na pupunta sa rest room. pagbalik ko sa table namin nakita kong hawak niya ang phone ko at sinagot niya ang tawag ni chrysanth. napakunot ako ng noo at sinabi sa kanya na baka awayin siya ni chrysanth ng dahil sa ginawa niya, instead na matakot nag insist pa siyang magpanggap daw kaming may relasyon para tigilan na ako ni chrysanth. sinabi ko kasi sa kanya na hindi ko siya gusto at nakukulitan na ako kay chrysanth.. 

kaya ayan na nga nag away sila ni chrysanth. ang masama ay pinagtulungan nila si hannah. sa sobrang gali ko tuloy kay chrysanth ay napagtaasan ko siya mg boses at..

Ewan ko ba ilan beses ko na sinabi sa kanya na wala akong gusto sa kanya at wag na siyang umasa sa akin pero hindi siya nakikinig, maganda naman si chrysanth, isang campus princess pero hindi ko talaga siya type. lagi kasi niya akong hinahanap at hinahabol, palagi rin siyang nakabuntot sa akin. nakakairita siya, wala sa tipo ko ang magpakipot pa sakanya, kaya lang hindi ko talaga siya gusto, at hindi rin ako attracted sa kanya. hindi ko alam kung kailan niya marerealize na hindi talaga kami bagay at sana naman tigilan na niya ang pagsunod palagi sa akin..

*kapagod mag update huehue. sana magustuhan niyo ;)) follow and vote thanks!*

mian.❤

The Spoiled Brat and The Man She Loves (SlowUpdate)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن