"Danica, gising ka na daw sabi ni Ma'am Daniella, kain ka na daw," sabi ni manang.

"Sige po, susunod na ako, maliligo lang ako,"

Agad akong pumunta sa banyo para maligo, at pagkatapos naman ay nagpalit lang ako ng komportableng damit na pambahay.

Bumaba na ako at nakita ko si mommy na nanonood sa may sala. Magsimba kaya sila?

"Good afternoon mom, nagsimba ba kayo?" lumapit ako sa kanya at umupo.

"Good afternoon, yes, ginigising ka ni kuya mo but it seems that you were really drunk last night" ngumisi si mommy.

"Sorry po, si ate Sarah naman kasi, dinamay ako" untag ko.

"Tonight will be the birthday dinner, okay? Pick a decent dress, maraming tao dun mamaya" paalala ni mommy.

Tumango nalang ko at tumayo para pumunta na sa dining table at kumain. Pagkatapos ay umakyat ako sa kwarto para makapili na ng susotin mamaya.

Mabilis ang oras kung kaya't alas sais palang ay pinagbihis na ako kaya yun ang aking ginawa. Nagdrive si daddy ngayon kaya hindi na kinailangan ang mga drivers.

"Mommy hanggang anong oras ang dinner?" tanong ko nang tumigil na kami sa harapan ng bahay nila kuya Gab.

"Probably mga 10 or 11, siyempre we'll talk with other business minded persons" ani mommy at bumaba na kami.

Nakita kong maraming masakyan kaya siguro marami bisita. Pagkapasok namin ay nakita ko kaagad ang garden nila na puno tables at marami na ang tao, ngunit wala pang pagkain.

"Daniella, Raphael, kayo nga ang makitabo sa mga Montenegros may katable na kasi kami" salubong sa amin ni tita Gina, mommy ni kuya Gab at ate Mikha.

What? The Montenegros are here? Lander is here? What the heck? He's really here. Tumingin ako sa table na iyon at nandoon rin ang lola, mommy, ate and surprisingly ang daddy niya.

Pumunta kami doon, ayaw ko sanang sumunod at pumunta muna sa mga pinsan ko ngunit hinila ako ni kuya.

"Mamaya na after kumain," aniya kaya sumunod nalang ako baka sabihin pa nilang iniiwasan ko si Lander.

Tumayo naman sila para makipagkamustahan sa amin.

Nagbesobeso si mommy kanina tita Reina at ang lola ni Lander. Samantalang si daddy naman ay nakipagshake hands kay Mr. Montenegro. Ngumiti lamang ako sa kanila.

Si Lander naman ay walang ka ekspresyon ang mukha at kung maayos ang kanyang buhok sa mga nakaraang araw ay ngayon naman ay magulo na mas lalong nagpapagwapo sa kanya.

Umupo na kaming lahat. Katabi ko si kuya at si ate Desiree, nginitian niya naman ako kanina.

"Nice to see you again," tumingin sa akin si tita Reina "Mas lalo kang gumanda hija, narinig ko ay blockmate mo si Lander sa UP?"

"Talaga, Danica?" gulat na tanong ni daddy, at tumingin naman sa akin si kuya at mommy na mukhang gulat na gulat.

Tumango ako.

"Why didn't you tell us?" bulong ni kuya.

"Is it something you want to know?" bulong ko rin.

Umiling at ngumisi nalang si kuya sa akin. Nagsalita na si tita Gina na uumpisahan na ang dinner. I wonder where's kuya Gab?

Lumapit sa amin si tita Gina at kinamusta ang Montenegros.

"Okay, enjoy the night," ngumiti si tita sa kanila at nagulat naman ako nang tumingin siya sa akin "Nga pala, Danica, where's Hiro and his family? I invited them"

Give Up and Leave (Montenegro Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon