Kabanata 28

1.5K 38 0
                                    


Kabanata 28

Kinalimutan

Nagising ako dahil sa ingay ng aking cellphone, umupo ako sa aking kama para masagot ko kung sino man ang tumatawag.

Ang sakit ng ulo ko, grabe ang aking hangover dahil sa mga ininom ko kagabi. Ni wala nga akong matandaan na nakauwi ako eh.

"Hello," tamad kong sagot kay Hiro sa tawag.

"Danica, ba't ganyan boses mo, nalasing ka ba kagabi?" tanong niya.

Oo nga pala, umalis siya kasi naatake nanaman yung kapatid niya, tapos pagkatapos nun ang rami ko nang ininom kahit pinangako ko sa kanya na kaunti lang.

"Oo, I'm sorry, si ate Sa-" hindi niya ako pinatapos.

"Nevermind, just drink water and humigop ka nang kahit anong soup, okay?" nagmamadali niyang sinabi.

"Okay," tipid kong sagot.

"I'm in the airport right now" bigla akong nabuhayan sa kanyang sinabi.

Airport? What is he doing there?

"Bakit ka nandyan? May susunduin ka ba?" gulat kong tanong.

"No, pupunta kami ng US, biglaan"

"What? Why?" halos isigaw ko na.

"Kailangan ng mga facilities na wala dito sa Pilipinas para ipagamot si Christian," malungkot niyang sabi.

"Hindi ba naagapan ng mommy mo?"

"You know that's not her specialty, Danica. Yung tito kong doctor sa US ang may specialty ng epilepsy. We need to cure him right away"

"But, what about school? Ilang araw ba kayo doon?" tumikhim ako.

"About school, nagpasa na ako ng letter for excuse kanina bago pumunta sa airport,"

Kanina? Umaga palang ah! Tinignan ko naman ang wall clock ko at nakitang alas dos y media na. What? Ganun ako katagal natulog?

"And that's for two weeks," nagulat nanaman ako.

"What? Paano kung hindi pa matatapos?"

Grabe for two weeks wala siya? I think I can't handle that, kasama na siya sa routine ko araw-araw, malulungkot ako kung wala siya.

"Mom said that kung hindi pa matatapos ay mauuna na ako baka daw kasi mahuli ako sa school, maiiwan siya dun, sasama sa akin si dad dahil marami pa siyang kaso," pagpapaliwanag niya.

"Sana dinaanan mo lang naman ako dito kanina para nakita pa kita," malungkot kong sinabi.

"I went there and you were still asleep, I didn't want to wake you up"

"Oh.." yun lamang ang nasabi ko.

"Kung gusto mo magfacetime nalang tayo pag layover namin sa Dubai papuntang Boston?"

"I like that, just text me, okay? I love you and I miss you" utas ko.

"I love you and miss you too, Danica, and can you please pray for my brother?"

"Of course I'll pray for him, see you in two weeks?"

"Sige, and please don't be so close with Lander, parati kang sumama kay Ade, okay?"

"Okay" tipid kong sinabi.

Nagpaalam na siya dahil papasok na daw sila ng eroplano.

Hindi ko akalain na mangyayari yoon ngayon, parang kahapon lang ay nagsasaya ako sa bar tapos ngayon aalis si Hiro.

Give Up and Leave (Montenegro Series)Where stories live. Discover now