Chapter 01

8.9K 195 0
                                    

by: Zephiel

email: zildjianstories@gmail.com

URL: http://zildjianstories.blogspot.com

Ginawa ko ang kwentong ito hindi lang dahil na miss ko ang mga dati kong character kung hindi dahil na din sa demand ng mga readers ko. Sana po magustohan nyo ang storyang ito tulad ng pagkagusto nyo sa TRT, AA, at 9 Mornings ko.

Tungkol naman sa 9 Mornings bukas ko na po ipopost ang  Chapter 19 since na maaga ang naging update ko sa chapter 18 hehehe. Peace sa mga nag hihintay!!

Inihahandog ko po sa inyo ang pang-apat na gawa ko ang storyang Chances ni Renzell Dave Nivera. Samahan natin si Dave sa kanyang pakikibaka sa mundo ng mga alien este sa relasyon na sinasabi nilang masalimuot at kumplikado. Papatunayan ni Dave sa inyo na being a risk taker sometimes has the advantage in life not only to obtain happiness but also to learn the things that our eyes and heart can’t see by being alone and empty.

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works are purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

“I’m sorry sweety! Hindi ako makakarating sa anniversary natin. May show pa kasi kami dito sa manila eh. Kung gusto mo, ikaw nalang magpunta dito.” Ang may himig niyang pagpapaumanhin namay landing wika ng girlfriend kong si Sonja, pronounced as Sonia.

1st anniversary namin at hindi sya makakapunta dahil sa lintik na show niyang yon. Bilang isang modelo, kapirangot lang ang time na naibibigay niya sa akin sa sobrang dami ng kung anu-anong kabalbalan niya sa Manila. Well, girls are girls, mahilig sa fame lalo na ang girlfriend kong misyon na ata sa buhay ang maging isa sa pinaka-sikat na modelo sa bansa.

Syempre proud ako sa katayuan niya, sino ba ang hindi? Halos lahat ata ng katangian na hinahanap ng isang lalaki sa isang babae ay nakay Sonja na. Sexy, malaki ang umbok ng dibdib, maganda, galing sa may kayang pamilya, at higit sa lahat magaling sa kama kaya siguro tumagal ako sa kanya kahit once in a blue moon lang kaming magkita.

Taga-Manila si Sonja at doon ko sya nakilala nung nagtratrabaho pa ako sa aming pribadong kumpanya na nagdidisenyo ng mga condo. Ang lola at lolo ko ang original na may ari ng kumpanyang iyon at ipinamana sa kanilang mga anak nang mag retiro ang papa ko. Ako ang humalili sa kanya sa pamamahala doon. Pero nung maging magkaayos si Papa at ang dakilang kambal ko, iniwan ko ang kumpanya para mas lalo kong mabigyan ng panahon ang dalawang tao namahalaga sa akin.

“You promised na ikaw naman ngayon ang dadalaw sa kaharian namin. Pero since busy ka tulad ng sabi mo, let’s just move the celebration sa araw na free ka. Just give me a call kung nasa airport ka nadito sa amin.”At pinutol ko ang linya.

Hindi ko ugali ang maghabol sa mga babae. Siya ang hindi tumupad sa pangako niya kaya dapat siya ang maghabol sa akin. Kung hindi man niya ako habulin, problema na niya yon. Hindi na siya makakakita ng kasing gwapo at kasing galing ko sa kama.

I don’t believe that relationships last forever. Naniniwala ako na walang contentment ang isang tao. Hindi tayo ma satisfy sa isang bagay. Ang papa and kambal ko lang ang mga taong binibigyan ko ng halaga dahil sila lang ang alam kong tunay na nagmamahal sa akin. Ang iba, kung hindi dahil sa personal na interes ay trip lang nilang magpakita ng pagpapahalaga. Para sa akin dalawa lang ang uri ng tao; mapag-panggap at mapang-husga.

“Dave, dalhin mo to sa opisina ni Dorwin. Kailangan daw nya itong mga papeles ngayon.” Wika ni papa.

Tingnan mo nga naman, mas naging masayahin na ito ngayon kumpara noong una - na itinuring siya ng kambal ko bilang isang mortal na kaaway dahil sa pakikialam sa relasyon niya kay Niel. Masyado kasi kaming mahal ng papa namin at ayaw na ayaw nitong nasasaktan ang kambal ko. Ang mali lang nya noon ay ang hindi agad na pagsabi ng totoong dahilan niya sa ginawa dahil sa takot na masaktan ng husto si Dorwin.

ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon