habang naglalakad kami
" ano ba yan hindi ko parin alam ang name mo ? hindi mo ba talaga sasabihin sakin?"
"ayy naku kuya wag na kasi no at kung gusto mo malaman gumawa ka ng paraan haha " ako yan seryoso ako nung sinabi ko yon dahil hindi ko talaga sasabihin haha ang bad ko ba? hindi naman
ang kulet niya kaya ayan bahala siyang mamroblema sa pinapagawa ko :))
at dahil nga sabi ko sa inyo malapit lang to sa school eh andito nakami gusto ni kuya i hatid pako kaya lang late na kami ng 1 minute kaya hindi na niya pinilit buti nalang :))
papunta nako sa room ng may humarang saking limang babae
" hoy ikaw ?!" tanong ni girl with the red lipstick
lumingon lingon muna ko tinitignan kung may tao sa likod ko pero wala naman kaya tinanong ko
" a..ako ba?!" sabay turo sa sarili
" ay hindi siya may tao kasi sa likod mo " sabi naman ni girl with the pink lipstick
" wala naman eh " sagot ko sorry shungak eh
" wala naman pala ibig sabihin ikaw , stupid " girl with te red lipstick , aba loko to stupid daw ako!
"bakit anong kailangan niyo?" mahinahong tanong ko kahit deep inside kung b*tch lang ako sinabunutan ko na siya kasi stupid daw ako.eh pero hindi dahil isa akong loser!
" ano mo ba si Papa Neil ha?!" tanong ulit niya, papa daw oh bakit anak kaba niya? eh mukha ka ngang lola niya hmp
" wala bakit?" sagot ko kasi wala naman talaga
" kung wala bakit lagi kaniyang kasama at bakit close kayo?!" naiiritang tanong niya
" ah kasi sabi niya magkaibigan na daw kami at ewan ko ba sa kanya lagi niya akong sinasamahan eh. "
sabi ko bakit honest lang naman ako ah?
"wow ewan mo sakanya at lagi kang sinasamahan girl naririnig moba ang sarili mo ? baka naman ginayuma or tinakot mo siya para sumama siya sayo? at bakit kami maniniwalang makikipagkaibigan siya sa isang loser na katulad mo?!" ayyy wow te ah ang sakit ng sinabi mo pero wala akong paki
inggit lang kayo!!!
" kung ayaw niyong maniwala ok lang hindi ko kayo pinipilit, now if you'll excuse me i'm late na kailangan ko ng umalis" sabi ko bakit sila lang ba marunong.mag english?!
" not so fast nerd , we want you to stay away from him hindi kayo bagay kaya wag kang manggarap , besides nakakasira ka sa image niya alam mo ba yon?! now if you don't want to live your life like hell you will stay away from him understand?!" si girl with redlipstick ulit hindi ko alam bat hindi ako sumagot naging bato lang ako don naiisip ko yung sinabi niya tama siya nakakasira ako sa image ni Kuya ang pogi niya tapos ako panget, yung sinabi niyang wag akong manggarap walang effect eh kasi hindi ko naman gusto si kuyang pogi yung sa library ang gusto ko .
umalis na sila binangga pa nga ako eh buti hindi ako tumumba ilang minutes pakong naka tayo don iniisip kung lalayuan ko nga ba si kuya o wag kasi baka nag jojoke lang yung mga yon
buti nalang at nalate din si Kyle kasi siya ang nagbalik sakin sa reality pagdating namin sa room nandon na ang prof pero hindi panaman siya nagdidiscuss umupo nako malapit kina Kc at Kyle buong period iniisip ko lang yung sinabi nung babae ako sa totoo lang ayoko ngayon lang ako nakakita ng katulad ni kuya eh pero naisip ko tama naman yung babae nakakaira ako sa image niya.
YOU ARE READING
Diary ng Panget
Teen Fictiondear diary yung feeling na college nako pero wala padin ako mga kaibigan ? Dahil itchura ko ?mukha kasi akong nerd eh T.T hellllllpppppppppppppppp...
Chapter 13
Start from the beginning
