Jay's Life (Revised Edition)

891 10 0
                                    

Eto na naman, another boring day....

Pasok sa School... Mga classmates ko gala pa ng gala, ang gugulo...  Tanong ng assignment kung nakagawa ka na.  Ang famous word?  "Pakopya!"  Hahaha!

By the way I'm Jay..CRISANTA JUANITA C. DELA CRUZ.  Mukhang sinauna ang pangalan ko no?  Lola ko kasi nagbigay ng pangalan na yan.. Galing sa names nila ng lolo ko.

Anyway, 14 going on 15 ako.  Grade 8 sa isang private school dito sa Cavite.  3/4 akong Cavitena, tapos ang natitirang 1/4 ay Visayan blood  hahaha.  Sabi ng iba maganda daw ako, cute, maliit... Oh well, tama na sa introductions.

My story started when I entered high school.  Nuks! English yon hahaha!  Syempre last year yon.  Mejo kabado pa kasi magkakaroon na ng mga bagong classmates, excited na din to meet new friends at syempre new environment.

Matalino daw ako kaso mejo tamad mag-aral.  In fairness, nakakasagot naman pag exam na.  I'm a typical teenager.  Nakikijamming, nakikigroup study (kuno - habol lang ay libreng snacks) choss!

Eto na ang dilemma!  Habang recess namin yon sa canteen.  Nakita ko sya...oo sya.  Parang isang anghel papadaan sa harap ko... Napanganga ako bigla.  OMG!!!  Sino ito?  

There were butterflies in my tummy.  Ano ba yung nararamdaman ko?  Pinana ako ni kupido?  Meron ba nun?

Grade talaga, sino kaya yun?  Ano kaya name nya?  Ano kayang section?  Ano kayang year?  Ready for the hunt? Syempre ako pa?  Si Jay yata ito.  Here it goes...

Ka batch ko pala si Mr. Prince charming.  Bakit kamo prince charming ang tawag ko?  Ang boung pangalan nya ay Prince Gabriel Castro Delgado.  Taga dito din sya sa Cavite (bat di ko sya nakikita noon?)  Basketball player sya at ngayong Grade 8 kami, magta-try-out sya para sa Varsity ng school namin.  OMG! kilig much lalo ito.

Basta everyday for almost a year na nakikita ko sya, kinikiliti ang puso ko.  Di lang ako nagpapahalata (syempre dalagang Pilipina po ako noh)  Ewan ko ba?  Crush ba ito? Love?

Hay, eto habang waiting sa unang klase.  Nakatanaw ako sa labas ng bintana.  Hinihintay ko sya dumaan sa tapat ng room namin.  Deadma ko mga pagkegugulo kong mga classmates kasi anytime dadaan na yun eh.  Di ko makikita kung sakaling makikigulo ako sa kanila.

Teka, anong oras na ba?  Hala!  Malapit na mag time. (tick, tock, tick, tock...)  Asan na kaya sya? Oh my G!  Baka absent sya.  Aw men! Di mabubuo araw ko, tsk, tsk!

So ayun nga, di ko sya natanaw man lamang.  Syempre dapat magconcentrate sa lessons (weh di nga?).  Di talaga.  Ba naman eh di ko sya nasilayan man lang.  Kinda worried ang lola mo noh!

Ano kaya nangyari don?  Hoy Mr. Prince Charming!  Magpakita ka naman!

In short, dumaan ang maghapon na di kami nagkita (di nagkita? Bruha! Di ka naman nya kilala noh)  OO nga naman hahaha!  E di rephrase ko...dumaan ang maghapon na hindi ko sya nakita.  Nalungkot naman ang byuti ko.  Wala akong inspirasyon man lang.  Eto pa nakakainis...Tinawag ako ni teacher... Guess what? "Ms. Dela Cruz! Are you with us?!"  Wow naman, caught in the act na nagde-day dreaming ako.  Bad trip!

Oh life, nag-iisang nagpapasaya sa akin everyday di ko pa nakita. Huhuhu!!! kay lungkot naman.

"Rrrriiiiinnnnnggggg!!!"  Uwian na.  Wala na talagang pag-asa makita ko si Mr. Prince charming.  Naku baka may sakit na sya, o naaksidente, o nakidnap?! OMG!!! (oi chillax lang...wag magpanic)  Mr. Prince Charming andito lang ako handa kang alagaan, nuks!

And so, sa lungkot ko naglakad ako papauwi.  'Emo' mode ako.  Bakit? Wala lang, gusto ko lang.  

Nung malapit na ako sa plaza, may biglang tumama sa aking bola ng basketball (aray ko ha, masakettt!  At...eewww!  Kadiri ang putik naman ng bolang ito!).  Ayan nadumihan pa pati uniform ko.  How unlucky  naman ako ngayon.  Ready na ako sumugod at taray-tarayan ang may gawa nito.

Paglingon ko, OMG!!!  Isa ba itong himala ng langit?  I love you Lord, Thank you, thank you!!!  akalain mo, si Mr. Prince Charming pala yon?  Oh my G, Oh my G!  Nakita mo yon?  Ngumiti sya sa akin? (Parang McDo commercial lang)  

Hala!  Eto sya naglalakad papunta sa akin.  Yung galit ko biglang napalitan ng tuwa.  Grabe na ito mahihimatay yata ako.  Nakakatulala.  Di ko tuloy namalayan nasa harap ko na pala sya.  Yung as in face to face? (oi di yun yung kay Amy Perez na show ha).  

Ngumiti sya sa akin sabi nya, "Hi!  Sorry ha natamaan ka.  Nadumihan pa uniform mo tuloy.  Nasaktan ka ba?"  (OO noh!  Tamaan ka nga ng bola sa fez ng bonggang-bongga tingnan ko lang).  Pero di ko nasabi yon.  

Ang nasabi ko na lang.  "Hindi naman, ok lang yun.  Di mo naman sinasadya di ba? " (Sabay pa-cute syempre ang putikang lola mo hahaha).

 "Sorry talaga ha?"  ang sabi ng prince charming ko.  "Ge wala lang yon malapit na naman ako sa bahay namin."  ang sagot ko naman sa kanya.  Sabay talikod nya sa akin papunta na ulit sa basketball court.  Gusto ko pa naman syang tanungin kung bakit sya absent kanina sa school.

And so pumorma na ulit ako maglakad pauwi nang biglang may humawak sa balikat ko.  Kinabahan akong bigla! "Tsug, tsug, tsug!" (tibok ba ito?  Basta ). Pagtingin ko sya ulit! (In love na agad sya sa akin :) - in my dreams).

"Miss nalaglag yung panyo mo, eto o."  Grabe matutunaw ako talagang talaga na ito!  "Wait you look familiar.  Parang nakita na kita sa school.  Parang grade 8 ka din di ba?  Ako nga pala si Prince... Prince Gabriel Delgado.  Indigo ang section ko.  Ikaw?  anong section mo?"

"Ha?? ito na lang naisagot ko (anu ba yan nalito akong bigla... Easy lang Jay keri mo yan).  "Ah ako nga pala si Jay, Crisanta Juanita Dela Cruz (ung matagal nang may crush syo - syempre  di kasali ito hihihi).  ang section ko Lavander."  

"Talaga? Ilang rooms lang pala ang layo ng room nyo sa amin.  O sige ha ingat ka sa paglalakad Jay.  See you in school, puntahan kita minsan sa room nyo."

OMG!  Totoo ba ito?  I feel like I'm in cloud 9.  Di lang yata cloud 9, parang nasa outer space na ako.  floating sa kaligayahan.  Sa wakas kinausap ako ni Mr. Prince Charming. :D

At ito ang una naming encounter ng aking prinsipe.

Jay's Life Where stories live. Discover now