"Oo naman. Para kay Chin."

"Make it sure okay?", sabi niya at tumayo, "I'm counting on you."

"Thanks.", sabi ko, "At salamat sa lahat ng ginawa mo para kay Chin."

"I'm cool, am I?"

"Whatever."

Ngumiti siya at umalis na din pagkatapos. Wala akong sinayang na oras at tinawagan ang numerong hawak ko.

......

Chin's Pov

"Here.", iniabot ni Reevz sakin ang isang bottled juice.

Looking at Polly on my side, wala akong nagawa kundi kunin yung juice mula kay Reevz. Kung wala lang kasi si Polly, di ko naman kasi yun tatanggapin.

"Thanks.", sabi ko.

Ngumiti lang siya at umalis na din.
Di ko alam trip ni Reevz ngayon pero kaninang umaga, pinagbuksan niya ko ng pintuan ng kotse at binigyan ng marshmallow which tinapon ko din naman kanina.

"Aww..ang thoughtful naman ng kapatid mo.", wika ni Polly, "Di tulad kay Joey! Inindyan ba naman ako last saturday. Bwesit lang."

"Eh bakit sweet kayo kanina?", tanong ko.

"Hehe. Bumawi naman siya kinabukasan eh so okay na.", ngisi niya.

Psh. Anong trip na naman kasi ni Reevz ngayon? Siguro lumaki ang ulo niya dahil sa mga nasabi ko sa kanya noong lasing ako.

Shemay naman kasi eh! Ang wild ko pala kapag lasing?

Tinapon ko yung juice ng di napapansin ni Polly.

Ayoko na kasing umasa di ba? Ginagawa lang siguro niya iyan dahil bored na naman siya. At malamang akala niya easy to get lang talaga ako dahil sa mga nasabi ko nung lasing ako.

Pero infairness din naman kasi...wala siyang ginawa ng mga panahong iyun kaya pasalamat din ako kahit papano.

"Polly! Chinserie!", tawag ng isang kaklase namin samin. Nakalimutan ko pangalan niya pero ang alam ko madaldal to sa klase eh.

"Nagbabagang balita mga mare! Si Bea nakakulong ngayon kasama ang isa sa mga studyante din dito."

"OH MY GOD! Bakit???", gulat na wika ni Polly.

Kahit ako ay gulat na gulat sa nalaman ko ngayon.

"May nagsumbong daw na nagdudrugs siya tapos yung drug dealer niya yung isa sa mga studyante dito.",

"What the f*ck!", malutong na mura ni Polly, "Si Bea? Seriously??? Baka nagkakamali lang sila!"

I was too shock to even say a word. My mind is a jumble of thoughts at naguguluhan pa ko. Kahit alam kong adik si Bea, never in my wildest thought na makukulang siya dahil dito. Sino ang nagsumbong?

Akbar.

Reevz.

They know. Pero posible din namang di lang sila ang nakakaalam di ba?

Wait...alam na ba to ni Reevz?

"Grabe...kahit ako di makapaniwala. Ang bait-bait kaya ni Bea.", sabi ng kaklase namin.

"Oh my gosh...alam na ba to ni Reevz?", baling sakin ni Polly.

"Di ko alam.", sagot ko.

"Siguradong malungkot ngayon ang kapatid mo Chinserie...kawawa naman siya...baka kasi may naiinggit lang sa kanilang dalawa kaya ginawa yun kay Bea di ba?", sabi pa ng kaklase ko.

i love my adopted sister (Completed)Where stories live. Discover now