PS. I'm still not over you (One Shot)

5.2K 116 60
                                    

Bakit ang unfair ng buhay? Kung sino yung akala mong makakasama mo habang buhay, eh hindi naman pala siya. Bakit may mga taong dati sobrang saya pag magkasama pero ngayon parang may nakakahawang sakit kung iwasan? Bakit nasasaktan pag nakikita silang masaya sa iba? Bakit ba kasi kailangang pang maghiwalay eh.

Lagi na lang yan yung mga tanong ko tuwing nageemote ako, tuwing naalala ko yung ex ko. 2 years na ang nakakalipas pero hindi pa din ako nakakamove on, galit na galit na nga yung mga kaibigan ko dahil lagi na lang akong umiiyak tuwing may nagpapaalala sa kanya. Hindi ko alam kung normal pa ba tong nararamdaman ko. Yung iba kasing kilala ko months lang ang binibilang nakamove on na agad, pero bakit ako dalawang na taon na pero ito humahawak pa din sa nakaraan.

“Kung gugustuhin mong mag move on, napaka dali lang naman niyan eh. Kalimutan mo lahat! Alam mo ang problema sayo? Isang bagay lang ang makapagpaalala sayo sa bwiset mong ex eh nagugunaw na yung mundo mo.”

“Anong magagawa ko eh mahal ko pa nga”

“Hello eh ikaw nga hindi na niya mahal eh. Tingin mo kilala ka pa ba niya? Gosh Natasha 2 years na ang nakakalipas, Isang taon nga lang kayo eh. Diba nga nung nakipagbreak siya malinaw naman lahat? Gusto mo pa bang ipaalala ko sayo lahat? Tsaka malay mo may pamilya na yun?”

Flashback

 

“Nat, ayoko na hindi na ko masaya, hindi na kita mahal.”

 

“Ganun lang kadali yun? Hindi mo na ko mahal? Binigay ko naman lahat sayo ah? Pagtapos mo kong pagsawaan ganun na lang yun? Grabe ka naman.”

 

“Wala na kong magagawa, isumbat mo lahat ng gusto mo pero ayoko na talaga.”

 

End of flashback

Pano nga kung may pamilya na siya? Pano kung hindi na pala niya ko kilala? Gusto ko siyang makausap, gusto ko siyang makita, makasama kagaya ng dati.

“Umiiyak ka nanaman eh! Bat ka ba ganyan? Kalimutan mo na siya! Itapon mo lahat ng nakakapagpaalala sa kanya. Iblock mo siya sa facebook.”

“N-nung nakipagbreak siya binlock na niya ko sa facebook, gumawa ako ng ibang account pero hindi ko siya masearch.”

“See? Sign na yan tumigil ka na daw sa katangahan mo. Nat siya na mismo yung umiiwas sayo sana naman maging malinaw na sayo yun.”

“Whatevs”

-----

“Hoy hindi ka ba papasok?”

“Obvious ba? Tinatamad ako, dun na lang ako sa Station Café.”

Dito kami tumatambay pag tinatamad kaming pumasok sa klase, Station Café member kami ng computer shop na to dahil nga dito kami tambay ng mga kaibigan ko eh kilala na kami dito.

“Kuya Jo open hour ako ah?”

Facebook

PS. I'm still not over you (One Shot)Where stories live. Discover now