Chapter 1

25 2 0
                                    

Sa isang sulok ng Jollibee, may isang nilalang na nagninilay nilay kung bakit hanggang ngayon ay single pa rin siya. Habang nginunguya niya ng 32 times ang bawat sinusubo nya, nadedepress siya. Kasi 32 years old na siya pero wala pa ring syota.

At sa bawat paglunok niya ng  kinakain niya lalo siyang nadedepress. 

 Bakit ba kasi dito ako nakain?! >.<

Nakakataba talaga ang mga pagkain sa Jollibee. Pero ano ang magagawa niya? Its cheap and delicious.

parang siya except dun sa delicious.

Alam niya yun kaya gigil na gigil niyang nginuya ng 32 times yung chicken tas sabay lunok.

 "@#$%^na mo! Etong sayo!!"

 Sabay subo ulit ng isa pang malaking tipak ng karne ng manok sa loob ng bunganga niya.

------------------- 

 

Bakit ba hirap na hirap ako makakuha ng syota? Anu ba problema ko? -______-

Tanong niya sa sarili niya habang inaalis niya ang balot sa pangatlong extra rice niya.

 Habang inaalis niya ang balot sa pangatlong extra rice niya napansin niya ang grupo ng apat na babae sa kabilang table na naghahagikhikan.

Naalarma siya.

 Sa kabilang table, may nakaupong apat na mga babae. Pormal na pormal ang mga suot nilang damit pang opisina. At presentableng presentable ang mga porma nila. Tahimik silang nakaupo na nakayuko na parang kinukumbulsyon dahil sa nagpipigil ng tawa.

 "Sy#t! Pinaguusapan nila ako!!!" @_@

 Napalunok siya kahit 7 times pa lang niyang nginunguya yung chicken niya. Dahilan para mabilaukan siya. Napaubo siya sabay inom ng sopdrinks sa extra large drink niya.

Sa sobrang panic, nabilaukan ulit siya sa sopdrinks habang nabibilaukan siya sa chicken dahilan upang umagos palabas yung iniinom niya.

Mula sa ilong.

Napatawa ng malakas yung isang babae habang yung iba naman ay nagt-twerk na yung buong katawan sa kakatawa ng pigil.

 "Sy#t! Ako nga pinaguusapan nila!!!" >.<

 Nakikita niya na ngayon na humahagalpak na yung isang babae sa kakatawa, sobrang wagas ang pagtawa niya, kita na yung pinakadulo ng bagang niya. Infact, sobrang galak nung girl sa kakatawa, ultimo yung semi durog nang rice at burger na may gravy ay kita na sa pinakadulo ng bagang niya!

Nakaramdam siya ng hiya dahil sa tinatawanan siya ng mga babae sa kabilang table.

Napayuko siya at tahimik na sumubo ulit ng isa pang malaking tipak ng chicken.

 

" Kaya wala akong lovelife. Madali kasi ako maintimidate sa mga babae"

 

 Pailalim siyang nagnakaw ng sulyap sa mga babae sa kabilang table. Nanlaki ang kanyang mga mata at ang kanyang hiya ay biglaang napalitan ng inis at galit.

 Nakataas na ang mga ulo ng mga office girls at nagtatawanan na ng malakas. Pinakamalakas tumawa yung babaeng may malaking bunganga at pumapalo palo pa sa lamesa sa sobrang galak.

 Nagagalit na siya ngayon.

Dahil yung apat na babae sa kabilang table na pinaguusapan siya at tinatawanan siya, na nakasuot ng mga pormal at presentableng mga damit pang opisina ay mukha naman palang mga kabayo!!!

 Sa mga sandaling iyon, anumang hiya ang naramdaman niya ay napalitan na ng inis at pagkapikon.

 Gigil na gigil niyang nginuya ng 32 times ang pagkain niya at buong tapang niyang nilunok habang determinadong nakatingin sa kanila.

 Napansin ng mga babae na nakatingin na sa kanila yung lalaki sa sulok kaya naman dadali silang nanahimik.

 "Yan! Ganyan nga! Mahiya naman kayo! Mga p@kyu kayo!"

 Tahimik na uli ang eksena.

 Nang mejo kumalma na ulit ang lahat, tsaka lang niya napansin yung isa pang babae na nakaupo magisa sa kabilang sulok naman ng jolibee.

Hindi niya napansin yung babae sa sulok na kanina pa nagmamatyag sa kanila. 

Nakaramdam siya na parang kanina pa nag oobserve si ate sa sulok dahil wala naman itong pagkain sa mesa which is weird.

And speaking of weird, nakacostume to na prang sci fi and hitsura na ewan. May mga feathers pa na something sa leeg at ang kanyang plug suit ay pula na may decals na  orange. Naka takip ang kanyang mukha ng cloak, mejo nakatungo lang siya at tahimik na nakaupo sa pwesto niya.

"Cosplayer?" tanong niya sa sarili.

napabaling muli ang atensyon niya sa grupo ng mga kabayong office girls dahil nagiingay na ang lider nila na may malaking bunganga.

"Hay nako! tara na nga, girls. di na maganda ang aura dito! pfft" 

Tumayo siya at tumayo na rin ang mga minions niyang kabayo. 

Naglakad na sila papunta sa exit ng Jollibee pero nakatingin sila ng masama sa kanya na parang napagusapan na nila ang bagay na to. 

"Chura--'" wika ng isa sa mga kabayong minion."

isa isa nila siyang tinitigan na para bang binabarena ang buong pagkatao niya sa kinauupuan niya.

"What a loser-- "sabi naman nung isa

nakahinga na siya ng maluwag the moment na lumampas na ang pinaka huli sa kanila.

"uwi nako pagkalabas na pagkalabas nila.." buntong hininga niya sa sarili habang inuubos na ang natitirang pagkain sa tray niya.

Akmang bubuksan na lang sana ni kabayo lider ang pinto palabas ng fastfood ng biglang may malaking mama na dali daling pumasok sa loob. 

Mabilis ang mga pangyayari, bigla siyang pumasok ng hindi napapansin ni kuya guard na abalang abala sa pagbabasa ng Tabloid. Naka suot siya ng motorcycle mask at gaya sa mga makesong Pinoy action movies,nagdeklara siya ng engrandeng "Holdap to!!!! Walang kikilos!!! Taas nyo mga kamay nyo at dumapa kayo!!!"

Chapter 1 End----

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Last NephilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon