"Huy! Tulala na naman?" Sabi pa ni chloe. "Ang sweet nila no?" Sabi ko pa habang nakatingin kila edward at mau. napatingin na rin si chloe. "Oo nga." Sabi pa niya. Kumain nalang ako kasi gutom na gutom na talaga ako.

~~~~

Ilang araw na mag mula ng maka kuha ako ng 100 score. Araw araw na rin ako nakakakuha nun kaso nung nkaraang araw ay nalimutan kong ligpitin kaya yun. Pinatawag lahat ng Studyante sa hall.

Kinakabahan ako. Ano kayang sasabihin? baka malaman nila na ako yun?

"Good afternoon everyone. Kaya ko kayo pinatawag ay may nasasagap akong 100 score sa battle arena. Gusto ko lang sana malaman kung sino sa inyong lahat ang pumapasok ng pasikreto at nag eensayo sa arenang iyon?" Tanong ni miss clark. Ang pinaka masungit na guro dito. Siya ang nangangalaga sa Arenang iyo. kaya hindi nakakapagtaka na malaman niyang may gumagamit dito ng pasekreto. Napansin ko rin na napapikit ang principal dahil alam niyang ako iyon.

"Wala bang aamin?" tanong pa ni miss clark. Napalunok naman ako. Nakita kong umiling ang principal habang nakatingin sa akin. Nakukuha ko ang ibig sabihin niya. "Bukas na bukas. Mag kakaroon tayo ng Omino battle. Upang malaman ko kung sino ba talaga sainyong lahat ang nakakakuha ng ganuong kataas na level" sabi sabay walk out. Buti nalang akala ko lagot na ako e.

Bumalik si miss. clark. "Sandali!" Bumalik lahat ng studyante.


"May isang tao ang nag liligtas sa ating paaralan. Hindi ko matukoy kung sino ang batang iyon. malakas siya at Sikretong tinutulungan ang Ating paaralan klaban sa mga ortolon. Ang aking hinuha ay ito ang taong sikretong nag eensayo sa battle arena. Isa siyang napakalas na tao. Hindi siya ordinaryo lamang..." Napa palo naman si sir principal sa ulo. kainis naman! Baka mabisto ako!

~~~

**Omino battle**

Lahat ng opisyal ay nandito sa pinaka malaking arena. Iniisa isa nila ang mga studyante para lang malaman ang nakakuha nito. Kinakabahan na ako. Ako kasi ang susunod. Magpapatalo nalang ako kaysa sa malaman nila ang totoong ako. masisira ang misyon ko. Hindi pwedeng mangyari yun. kailangan ko pa iligtas ang skyberry at heberry sa kamay ni Noira maganti...

Unang labas palang ng mga kung ano anong bagay ay nag kukunwari akong nalaban. Pero pinatalo ko din naman. baka may makahalata sakin e. Medyo madami ang natamo kong sugat. "Ayos ka lang?" nag aalalang taong ng principal pag labas ko ng arena. "Opo" maikli kong sabi. Napangiti naman ito. "Sa susunod mag iingat ka! Baka may makaalam ng mga nangyayari" sabi iya at umalis na din. baka mapag halataan kasi kami e.



Kinakabahan akong pumunta sa klasse namin. wala na naman akong nainindihan. Hindi ko na naman kailangan intindihin pa kasi alam ko na lahat ng iyong. Tulala ako at kasalukuyang iniisip kung paano ko ililigtas ang mga magulang ko..

"Ms. Scott!"

"Buhay na buwaya!" Sabi at sabay tao. Nag pipigil naman sa tawa ang mga kaklase ko at sila mau.

"bakit po Miss. Clark?" Tanong ko

"Sagutin mo to?" sabi niya sabay pakita ng isang tanong sa mga palad niya. Ang dali lang naman e. Nag bulungan naman ang mga kaklase ko. Hindi ko daw kaya yan. ahit sila hindi nila alam ang sagot. Hindo ko rin kayang basahin si miss kasi malakas ang kapangyarihan niya. At hindi ko pwedeng sumwayin iyon kasi mahahalata niya.

"Kapag po gumamit ka ng......*AchuChu Achuchu**...." Paliwanag ko. namangha naman silang lahat pati na si miss clark.

"Mysterious" sabi nito sabay baling sakin. "Sino ka ba talaga?" tanong niya napalunok naman ako. Sasabihin ko ba? Nope! hindi! "Ikaw ba ang--"

"Delia Clark!" Sigaw ng Principal. Buti nalang. hay. Salamat sa mga fairies at goddess. "mag usap tayo." sabi nito at lumabas. Tumingin sakin si miss Clark. "babalikan kita" sabi niya natakot namana ko at umupo na. napapalo ako sa ulo ko. Stupid!

"Paano mo nalaman yun?" tanong ni chloe. "Book!" sabi ko. Alam naman nilang masipag ako e. "pero wala sa libro yun?" Tanga ko talaga! Hindi nga pala sinusulat sa book yun. Kinwento lang yun ng Hari sa akin e. Pasang dila lang kasi yun. kaya alam ng mga guro. Tanga ko talaga!

maya maya ay dumating na si miss Clark. nakangiti na ito "Miss Summ- I mean. Ms. Scott. pasensya na sa nagawa ko" Anong nakain ne'to? Nag bulungan naman ang mga kaklase ko. "Okay lang po" sabi ko at nag turo na siya. Baka sinabi na ng principal kung sino talaga ako...

Siguraduhin lang ng teacher na to na isesekreto niya yun! Kundi lagot sakin to!

"Amber, napa misteryoso mo talaga. bakit nag sorry sayo si miss clark? Alam mo bang kahit kailan hindi namin narining mag sorry si Ms. Clark?" Manghangn manhang sabi ni chloe. "Oo nga." pag sang ayon naman ni Mau.

"ewan ko rin e" Mang maangan kong sabi. Nang maka uwi na akmi ay napagod ako. Lalo na sa kakaisip nung nangyari kanina...

The princess of the Skyberry (World full of Magic) Minor editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon