Kabanata 1

28.3K 496 10
                                    

Kabanata 1: The Rehearsal

[Anastasia POV]

"Kailangan mong mag ensayo, anak." Paliwanag ng aking ina. 

"Bakit po? Wala naman po akong ginagawang masama, mahal na reyna." pagmamakaawa ko. Hindi ko alam kung bakit ako mag e-ensayo. Ganun ba ang ginagawa ng mga prinsesa? kahit sa ibang palasyo? Basta ayoko! Nakatatamad iyon! 

"Anak, kailangan mo ito. Kailangan mong mapag handaan ang mga magaganap sa hinaharap. Anak, sundin mo nalamang kami ng hari. Ito ang makatutulong sa iyo at sa iyong mga kapatid." Paliwanag ng aking mahal na reyna. Wala naman akong magagawa sa kagustuhan nilang ito kaya susundin ko nalang. Alam ko namang para din sa aking ikabubuti ito.

"Mahal na prinsesa?" tawag sa akin ng aming tagapagsilbing si kuya Alejandro. Kuya na ang aking tinatawag sa kanya. Siya lang at ang kanyang anak na si Alexander ang pinag kakatiwalaan namin at nakakakita sa akin at ng aking mga kapatid. Sabi ng Hari't reyna ay para ito sa aming pag kaligtasan. Lalo akong naguguluhan sa bagay na 'yun.

"Pasok po." Sigaw ko. 

"Mahal na prinsesa. Magbihis na daw po kayo. mamayang 3 ng hapon mag sisimula ang inyong pag e-ensayo kasama ang iyong mga mumunting kapatid." saad niya. 2:30 na. Mukhang excited talaga ang aking mga kapatid ah! Hays. "Opo, papunta na ako." Ngiti ko. Mabait ako kahit na tagapag silbi namin ay nag O-opo ako bilang pag galang. Tuwang tuwa nga sa amin si Kuya Alejandro dahil sa aming kabaitan. 

Nagbihis ako ng pangkawal. Hindi maaring malaman ng mga ibang kawal na kami ang prinsesa at prinsipe. Mag papanggap lamang kaming Pamangkin ni Kuya alejandro upang walang mag duda sa amin. 

"Andito na si ate!" sigaw ng mga kapatid ko. Sabay yakap. Sila si Laurence Anderson Summerage at si Lauren Annalie. Diba? bongga! Kambal kasi sila e. Ang pangalan naman ng Hari ay Leandro Summerage. Ang mahal na reyna naman ay Amelia Summerage. Sinunod lamang ang aming mga pangalan sa kanila. 

"Pssh, wag kayong maingay baka may makahalata." Mahinang bulong sa akin ni Alexander. nag simula na agad kami sa 'The sanctuary Arena' Dito nag e-ensayo ang mga kawal ng aming kaharian. 

"Okay, tayo tayo nalang dito sa arenang to. Ipapaliwanag ko muna sa inyo kung ano ang inyong mga Abilities and skills." paliwanag ni kuya alejandro. Medyo matanda na siya pero malakas pa, siguro dahil na rin ito sa abilidad na merron siya. Napangiti naman ako kung ano ang aking Abilities. Wala nga kasi akong maalala. Buti pa ang aking kapatid alam na nila. 

"Ipapaliwanag ko muna sa inyo kung ano ano ang Abilities na meron ang kambal." Pssh, bat sila una! ako panganay diba! hays. 

" Dahil sa kambal kayo ay pareho lamang kayo ng inyong Abilities na mayroon. Meron kayong power of Telekinesis o Mind control. It's ability to move thing by your mind. Mind reader, kaya niyong Basahin ang iniisip ng tao. Meron din kayong  Superhuman. Ang mga Abilities na ito ay hindi pang karaniwang sa ibang wizard at magicians dahil sa kayo ang anak ng hari't reyna ay kayo ang nakakakuha ng ganitong kapangyarihan. Ito ay merong Durability. This Ability have a higher resistance to injury than normal Wizard. Speed, Ang ability na ito ay mas mabilis kayong kumilos kaysa sa mga normal na wizard. Strength, mas malakas kayo kaysa sa ibang wizard. Kakaiba ang lakas na mayroon kayo. Higit na mas marami ang inyong abilities kaysa sa ibang wizard na hanggang 5 lang ang pwedeng makuhang abilities. Especial kayong mag kakapatid. Lalo na itong si Anastasia." Sabay tingin sakin. Ako? special? really? 

"Sige na, Alexander. Turuan mo silang controlin ang kanilang ability. kakausapin ko lang itong si anastasia." tumungo lamang si alexander sa kanyang ama at agad na bumaling sa akin ang atensyon ni Kuya alejandro.

The princess of the Skyberry (World full of Magic) Minor editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon