Ibinato ni amber ang mga puno para maiwasan ang mga tinik na ibinato ni rose. Mind controller si Amber kaya kaya niyang kontrolin ang puno.

Pero pinalibutan naman ng ugat si amber at kasalukuyang nasanulo ito ni amber.

Sumisigaw sa sakit si amber. Hindi siya makalaban sa sobrang sakit. Marami na ang nag papanic para sa kanya.

Hays. Napaka ano talaga ng babaeng to. "Ahhhh!!!" Nag iilaw siya

Lumaban ka please...

Bigla nalamg siyang bumagsak at nawalan ng malay.

[Amber POV]

"Ahh! Ang sakit ng ulo ko!" Daing ko sa sobrang sakit.

"Bessy, buti gising kana?" Natutuwa nilang sabi. "Huh? S-sino kayo?" Tanong ko. Sino ba sila? Tinawag pa akong bessy?

"Bessy naman e! Walang ganyanan oh!" Sigaw nung isa pero bakas sa mata ang lungkot.

"H-hindi ko kayo k-kilala." Sabi ko. Ang sakit talaga ng ulo ko.

"Hays. Totoo nga yung sinabi ni luke" malungkot na sabi ng isa.

May narinig kaming ingay sa labas, nag sisigawan. Lumabas na din kami.

"What did you do to her!" Sigaw ng galit na galita na lalaki. "Bakit hindi na siya maka alala!" Sigaw pa nun.

"M-maaalala pa naman n-niya k-kayo hindi lang n-ngayon." Mangiyak ngiyak na sabi ng magandang babae.

"Tama na.." Awat sa lalaki ng mga kasama niya. Nang makita niya ako ay agad niya akong niyakap.

"Stupid girl. Bakit ba kasi hindi ka lumaban." marin niyang sabi habang naka yakap sakin.

"A-ah. E-eh sino ka??" Tanong ko
Hindi ko aiya maalala e.

"Huh? Ako? Ah! Wala!" Sabi niya sabay takbo. Anong nangyare dun? Yumakap tapos biglang aalis ng hindi nag papakilala?

Napansin ko na kanina pa madaming nakatingin samin. Yung iba ang sama ng tingn sakin. Sino ba kasi siya.

Pumunta na ako sa kwarto ko daw. Pinapatawag din daw ako nung principal. Pumunta muna ako sa principala office

"Come in." Hndi pa nga nakatok may nag salita na -_-

"B-bakit po??" Tanong na may nanginginig na boses.

"Alam kong wala kang maalala. Pero hindi dahil dyan ay hndi mo na maaLala ang misyon. Kailangan mong maalala yun para sa iyong mga magulang..." Hinawakan niya ang ulo ako may sinabing kung ano ano. Baliw na ba siya? Ilang saglit lang ay nahilo ako at natumba.

[Luke POV]

Hndi ko alam kng bakit alalang alala ako sa babaeng yun. Amazona siya at tanga tanga. Bakit ba kasi hindi siya lumaban nung panahong iyon.

Please lumaban ka....

Paulit ulit kng sabi sa sarili ko. Bakit hndi niya malabanan si rose. Napawala niya amg fire ball sa kamay ko means malakas siya. Matataas na level lang ang nakagagawa nang bagay na yun. Pero ngayon hinang hina siya.problema niya!?

Bigla nalang siyang natumba. Si rose maman hindi alam kung anong gagawin. Ng tummba siya tumakbo ako ng mabilis papasok sa battle field. Nasalo ko naman siya.

"Hold on. An- amber" ewan pero siya at siya parin  ang nasa iniisip ko.

Hind ko magawang magmahal ng iba dahil umaasa akong makikita ko uli siya...

Ng makapunta na kami sa clnic ay maraming nakatingin sakin at naka kunot amg mga mukha.

"Pagalingin niyo siya.. Please" pag mamakaawa ko sa mga healers- may kakayanan silang makapag pagaling ng mga wizard.

Hinawakan niya lang ito at nag hilom ang mga sugat ni amber. Pero hindi pa siya nagigising.

"Bakit himdi pa siya nagigising?" Tanong ko sa mga healers.

"May temporary amnesia siya. Base sa nakita ko... Dati pa siya amnesia. Dumagdag mga lang ngayon." Nagulat naman ako. Iibig sabihin nag ka amnesia na siya dati??

"Nagka amnesia siya dahil sa mga Ortolon... " lalo kong naikuyom ang mga palad ko. Namumuro na sakin ang mga yun!!

"Kapag po may pumnta ditong mga babae, 2 papasukin niyo po." Sabi at aalis na sana ako ng nakita kng hawakan ni ambwe yung kamay ko. Gising na ba siya?? Nope ang sarap pa ng tulog e. Makaalis na nga kailangan pa ako sa battle field e.

"Hoy! Tawag ka ni principal!" Sigaw ni aaron.

Lumipad nalang ako para mabilis. Nakita ko naman sa sahig si amber.

"Ibinalik ko ang ala ala niya. Ngunit hindi lahat. Ibinigay ko lang ang misyon na meron siya. Hindi na kaya ng aking abilidad na ipaalala sa kaniya lahat. Alagaan mo siya. Ipararating ko ito kay alejandro. Ipapa transfer ko ang anak niya para matulungan si amber" mahaba niyang sabi na napakunoy naman ako. Alexander? Alejandro? Sound familliar...

"Misyon? Anong misyon?" Pag uusisa ko. Medyo naguguluhan ako sa mga binanggit niya.

"Hindi siya basta basta'ng mag aaral, Luke." Hindi basta basta?

"Alam kong alam mo yung tungkol kay Noira at sa mga Ortolon. Anumamg araw ay maari silang manalakay sa paaralan- kung kaya ay kinakailangan nating mag handa. Kapanalig natin si Amber at kasama siya sa misyon."  Nanlaki naman ang mata ko. "Paano napasama ang isang baguhan sa misyon? Lubhang mapanganib ito para sa kaniya!" Pag po-protesta ko. Hindi kaya ni Amber ang lumaban.

"Magtiwala ka-"

"Magtiwala? Nope, hindi niya kakayanin yun. Ni hindi pa nga natin alam ang kaya niyang gawin. Natalo siya kanina at nawalan ng ala ala." Pag po-protesta ko. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ko. Ano bang pakialam ko sa babaemg yun? Pero alam kong may mali.


"Nawalan siya ng ala-ala isang taon na ang nakalipas.." Mahinang sambit ni Principa Aizahahr. Natikom naman ang aking bibig at inaantay ang pagsasalita niya.

"Marami siyang ala ala na nanatiling misteryoso para sa kaniya. Kakaunti lang ang nalalaman niya tungkol sa nangyari sa nakaraan at sa nangyayari sa kasalukuyan. Nangangapa siya sa dilim. Hindi sapat ang mga librong nababasa niya upang matapos ang lahat. At kanina... Ang kakaunting pag asa sa kaniya'y inalis. Ginawa ko ang lahat upang ibalik ngunit ang misyon lang ang kaya kong ibalik."

"Ngayon, sasama siya sa misyon sa ayaw mo o sa hindi dahil nakakonekta ang buhay niya sa atin!" Dagdag niya. Lahat ng kaniyang sinabi ay aking ipnagtataka. Kung gayo'n ay napakahalaga ng babaeng iyan. Sino siya? Sino ba talaga siya?


The princess of the Skyberry (World full of Magic) Minor editingUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum