Prologue

37.8K 412 3
                                    

Hindi lahat ng bagay ay minamadali.

Sa paggawa ng bahay, kailangan pulido para matibay at hindi madaling masisira kapag may bagyong dumating.

Sa exam, hindi kailangang madaliin. Lahat ng isasagot mo ay dapat tama para hindi ka bumagsak. Mag-review ka!

Sa pagpili ng kaibigan, hindi ka pwedeng humatak ng iba tapos sasabihan mo na magkaibigan na kayo. Paano kapag ang natapat sayo ay plastik?

Sa pag-ibig, hindi minamadali yan kusa kasing dumadating yan. Tulad nila Jesy at Jake, naging magboss na nauwi sa pagiging magka-ibigan. Akala nila na sa maikling panahon ay nakilala na nila ang isa't isa. Ngunit nung sinubukan sila ng tadhana, nasira agad ang kanilang pundasyon. Pareho silang nasaktan.

Pero sabi nga nila, kakambal ng pag-ibig ang sakit. Mapagbibigyan kaya sila ng second chance?




--------------------

Third Person's POV

"Paano na sila? Wala na bang pag-asa?" Tanong ni Peter Ross (Jake's Dad)

"Matagal na nating ipinagkasundo ang dalawa. Alam yan nila Daniel at Melissa (Jesy's Parents). Sabi ni Anna Ross (Jake's Mom)

Nagkaroon ng katahimikan sa pag-uusap nila. Hinihintay ng mag-asawa kung ano ang opinyon nya.

"Tama kayo.Hindi ko alam na ganito ang magiging resulta. Simple lang naman yung gusto natin...ang magkita sila at makilala ang isa't isa. Pero nasasaktan ang apo ko dahil sa anak niyo. Hindi ko alam kung bakit nagtanim siya ng galit sa anak niyo. Kung tutuusin ay hindi naman alam ni Jake ang nangyari. Pero ang alam ko din na sa anak niyo sasaya ang apo ko." Pahayag ni Lolo Anton.

"So, tuloy pa rin ang kasal?" --Peter Ross.

"I don't know. Tell to Jake the truth about this. I want to see if he really love my granddaughter. Patunayan niya muna ang kanyang sarili sa akin. Alam kong hindi matutuwa ang apo ko kapag nakita niya ang anak niyo. Ginagawa ko 'to kasi tumatanda na ako. Kapag pumasa siya, magiging kampante na ako kapag nawala na ako." --Lolo Anton



---

Sorry if my typos.

Follow.Vote

3/3/16

He's The BossWhere stories live. Discover now