Kung sana ba hindi ko iniwan si Jade at nagkunwaring walang alam sa nangyari sa kanila ni Chad magiging ganoon din kaya kami ngayon?

       Masayang namimili ng gamit para sa magiging Baby namin?

      Pero kung i-totolerate ko naman ang nangyari at aarte na walang problema, OK ang lahat and put everything in the past. Ano naman ang mangyayari sa akin?

     Should I continue living as Chad's replacement? Makakaya ko ba iyon? Na ibang tao yung nakikita nya sa akin?

      I shake my head at pinalis ang mga agiw sa isipan.

      Gustuhin ko mang bumili hindi ko na ginawa dahil una hindi ko pa alam ang gender ng baby at isa pa ayokong pangunahan si Jade sa pagpili ng mga personal na gamit ng baby namin.

       Inatake nga lang ako ng hiya dahil para akong tanga na kanina pa ikot ng ikot sa Baby's Section kaya napabili ako ng anim na pirasong Baby Ducks na marunong kumanta. Yun nga lang sobrang nagulo ang buhok ko sa priced!

      For someone like me na sobrang kuripot at marunong uma-ppreciate ng pera, sobrang laki ng panghihinayang ko. Those ducks were so expensive that it cost me half of my monthly allowance!

      Who would think na mas triple pa ang halaga ng mga laruang ito keysa sa totoong buhay na itik??!!

**

    Binuksan ko ang pinto ng Condo at ipinatong ang mga pinamili sa ibabaw ng mesa. Kinuha ko na lang yung paper bag na pinaglalagyan ng mga Baby Ducks para sana ipang-surprise kay Jade.

     They were cute and adorable naman. Madami ngang natutuwa na mag asawa sa laruan na ito dahil kapag pinipisil ang mga Baby Ducks ang daming nakakaaliw na tunog ang lumalabas dito.

      Yun nga lang hindi ko napansin na kaya walang bumibili is because of the 'high-priced'. Hiling ko lang talaga mapagaan nito ang mood ni Jade dahil kung hindi tiyak na hihiwalay ang leeg nila mula sa katawan!

      Nakita ko si Jade na nakaupo sa sofa at hinihimas ang tiyan. Ibat ibang emosyon ang makikita sa mukha nya habang pinapanood ang video sa TV. Nagtaka ako kung ano ba ang pinapanood nya at sobrang affected sya.

      Nang tingnan ko kung ano iyon kasalaukuyang nagpe-play ang  mga 'video namin together' when we were happy and in love with each other.

    "Wakey, wakey..."

     "Ayoko pa."

     "Gising na po."

     "One more minute."

     "Ayaw mo ha!" Tawa ng tawa ang babae sa video habang kinikiliti at kinukulit ng lalaki.

     Parang may bumara sa aking lalamunan at awtomatikong pumait ang aking panlasa. Nararamdaman ko rin na umiinit at namamasa ang sulok ng aking mata. Na para bang may imaginary person na nakahawak sa aking leeg at unti unti akong sinasakal.

     How could I possibly forget those happy moments? What would I have to give for us to go back in that time? My life?... My future?

      HA! Ano ba ang kailangan kong ibigay para bumalik sa dati ang lahat?

     But the biggest question is: 'Do we  have the strength to go back?'

     Pinindot ni Jade ang off button ng TV. "How funny is that." I looked at her pero sa TV pa rin nakatutok ang kaniyang paningin. She's rubbing her tummy with her hands. "Alam mo ba na mas gusto ng Baby ko ang boses ng Daddy nya keysa sa akin?" then she lowered her head and look at her tummy. "Dahil natural na buo at mababa ang boses ng mga lalaki the baby sense the sounds more than a women's voice. And y'know what, every time that I played those videos at kapag naririnig nya ang boses mo saka lang sya gagalaw at maglilikot. He became excited when he hears your voice." She smiled faintly. "And that was so unfair!"

     "J-Jade..."

     "How unfair na nagpapanicked agad ako once na hindi ko sya maramdamang gumagalaw. How unfair dahil kailangan ko pang i-play ang mga video na iyan just to check kung OK lang sya. How unfair na araw araw kong kailangan panoorin ang mga video at balikan ang mga ala-ala." She looked at me with tears falling down from her white ashen face. "How cruel was that for me to remember those times?... And how cruel can you be na pati ang sarili kong baby sa sinapupunan, hindi pa man unti unti mo na syang inaagaw."

     She's biting her lower lip harshly na hindi na nya napapansin na nagdurugo na ang kaniyang pang ibabang labi.

     Lumuhod ako sa harapan at hinawakan ang kaniyang pisngi. "Jade, stop that! Stop punishing yourself please." My voice is trembling. Nahihirapan akong huminga dahil sa mga luhang pumapatak sa aking mata.

     Bakit hindi ko naisip na just me wanting to stay beside her was like stabbing her with a knife?

     "N-Naalala mo pa ba ang susunod na eksena sa video?" blangko ang kaniyang mga mata pero ayaw naman huminto sa pagpatak  ng kaniyang mga luha.

     "STOP! STOP REMEMBERING PLEASE!" Hinawakan ko sya sa kaniyang dalawang balikat at isinubsob ang mukha sa kaniyang dibdib. "Jade..."

     "You will hold me in your arms and give me my morning kisses." She looked up. "Then you'll tell me na habambuhay mong hahawakan ang kamay ko at hinding hindi bibitiwan. That you will always take my side no matter how wrong I was. At sabay tayong tatanda  at puputi ang buhok ng magkasama, na kahit anong mangyari we will still have each other."

     Humihigpit ang kamay ko na nakahawak sa kaniyang mga balikat.

      "But Ryan... I can't accompany and walk with you towards the future, so please, please forgive me this one last time...okay?"

***

A/N: HAVEY naman! ampf=( para naman gumaan ang mood nyo basahin nyo yung 'A Certain Couple' ko hehe (promote, promote)

Thank you so much for supporting and 'staying' with me guys!

Reflection is officially signing off...

*SMACK*
Aww Charot lang! wag mandahas okay? Haha 15 chapters ito + Epilogue

Infatuation & ReflectionWhere stories live. Discover now