Oh, she did? Is it true? Tiningnan ko sya ng matiim, "Kung totoo ang sinasabi mo at least tumingin ka man lang habang magkausap tayo."

      Wala akong nahimigan na nagsisinungaling sya sinabi kaya bakit hindi sya makatingin sa akin?

       She sighs then itinaas nya ang mukha, yes nakatingin sya sa akin pero bakit pakiramdam ko lagpas lagpasan sya kung tumingin.

      "How long are you going to stay here?" kaswal na tanong nya.

      Para naman akong sinasaksak ng paulit ulit sa dibdib. Ah, alam ko na kung bakit hindi nya ko magawang tingnan ng diretso sa mata... SHE JUST CAN'T!!!

      Pinatatawad nya ko pero hindi ang sarili nya sa nangyari. She's still blaming herself, thinking that it was all her fault... Na hindi sya nararapat na maging masaya. 

     Ito ang way nya para parusahan ang sarili.  The wounds in her heart were so deep that it penetrates right through her bones and broke her 'soul'.

     Nagbago ang kulay ng mukha ni Jade. Mayamaya lang ay nagtatakbo na sya papunta sa lababo. Sumusuka sya pero wala naman lumalabas mula sa kaniyang bibig. My brows knitted, nilapitan ko sya at hinawakan ang kaniyang buhok habang hinihimas ang likod.

     Naisip ko na ganito ba palagi ang sitwasyon nya kada araw? Ito ba ang dahilan kaya hindi nadaragdagan ang kaniyang timbang?

     Nang bumalik na ang kulay ng kaniyang mukha inabutan ko sya ng malinis na bimpo. Kumuha din ako ng yelo sa ref, dinurog ko iyon para maging Ice chips. I put it in the glass and gave it to her. "Nabasa ko na maganda ang Ice chips kapag nasusuka."

     Tumaas ang sulok ng kaniyang bibig para ngumiti... hindi dahil masaya sya or anything.

     That was a kind of smile na ngayon ko lang nakita sa  kaniya – a careless and sad smile.

      "Mmm, that's weird" Nagyuko sya ng ulo. "To think na sa panaginip ko lang dati nakikita ang mga ganitong klase ng eksena. Hindi ko tuloy alam kung paano mag-rereact" she said painfully.

     And it broke my heart...

**

     Jade is even paler than before na para bang hindi na sya nasisikatan ng araw o lumalabas ng unit. Isang bagay din ang napansin ko sa kanya. She's moving like a robot... cleaning, cooking, washing the dishes, putting her dirty clothes in the laundry etc. Etc.

     Na para bang nakaprogram na ang mga dapat nyang gawin sa araw araw.

      At kahit na anong pilit ko na ako na lang ang gagawa ng gawaing bahay at magpahinga na lang sya dahil sa maselan nyang pagbubuntis hindi sya nakikinig.

       One time na pagkagaling ko sa University naisip kong ibili ng ilang maternity dress si Jade dahil lumalaki na ang tiyan nya gusto ko sanang maging komportable sya dahil pulos malalaking shirt lang ang isinusuot nya.

     May nakita din akong mga damit pambata sa Baby Section ng Department Store. Ang daming makukulay at cute na style ng sapatos at damit na hindi ko tuloy malaman kung saan titingin.

     May lumapit sa akin na sales lady. "Good afternoon Sir ano pong hanap nila? Madami po kaming bagong labas na designs na tiyak kong magugustuhan nyo."

      "Uhh..."

       Saka ko lang napansin na karamihan ng namimili doon ay mga bagong mag asawa na sweet na sweet habang pumipili ng gamit para sa kanilang magiging baby. I looked pathetic while standing here.

Infatuation & ReflectionWhere stories live. Discover now