Ilang sandali pa ay takam na takam na isinubo ni Dondy ang mata ni Shem dahilan para tuluyang masuka si Dana sa gilid ng kama at paulit-ulit na tumangis at naghihiyaw.


Naririnig parin ni Dana ang palahaw ng hirap na hirap nang si Shem. Lalo pa siyang nasasaktan sa mga naririnig, pakiramdam niya'y durog na durog na ang puso niya at sa sobrang sakit ng nararamdaman, sumasabay na lamang siya sa pagsigaw kay Shem.


Mula sa gilid ng kanyang paningin, nakita ni Dana na muling lumapit si Dondy sa direksyon ni Shem na ngayo'y wala nang mga mata, hinang-hina at wala na sa sariling pag-iisip dahil sa labis na hirap at pagdurusa.


Hindi na kaya pa ni Dana na mapatingin sa direksyon ni Shem. Nanatili mang nakatitig sa kawalan, nakita parin ni Dana ang tuluyang pagdukot ni Dondy sa puso ni Shem gamit ang sariling mga kamay. Idinaan na lamang ni Dana ang lahat sa sigaw kasabay ng pagsinghap ni Shem sa huling pagkakataon.


Hindi na kaya pa ni Dana na makita ang kaibigang naghihirap at namamatay kaya ipinikit na lamang niyang muli ang mga mata at humagulgol nang humagulgol.



***



Mag-isang naiwan sa silid ang wala na sa sariling si Dana. Nakatitig lamang ito sa kawalan, duguan, sugatan, putlang-putla at walang kaemo-emosyon habang patuloy ang pag-agos ng luhang nahahaluan na ng dugo mula sa kanyang sugat. Hindi ito gumagalaw, ni hindi man lamang kumukurap.


Sa kanyang tabi ay ang bangkay ni Shem na ngayo'y wala nang mga mata at puso na iniwan lamang ni Dondy makalipas ang ilang sandali matapos itong mapakinabangan at malagutan ng hininga.


Napakaming alaalang naglalaro sa isipan ni Dana at ang lahat ng ito ay hindi masaya. Bumabalik sa isipan niya ang kamatayan ng mga kaibigan, ang mga masasakit at hindi kaaya-ayang nagawa at nasabi niya rito noong ang lahat ay normal pa, at ang maaaring nararamdamang pighati ng kanilang magulang dahil sa kanilang pagkawala.


"77—" Ni hindi na magawang matapos pa ni Dana na sambitin ang mga numerong isinapuso niya mula pagkabata dahil para sa kanya huli na ang lahat. Para sa kanya wala na siyang pag-asang mabubuhay pa, dahil kahit makaligtas man siya, huli na ang lahat. Para sa kanya wala na siyang ibang nararamdaman kundi napakatinding sakit at pagdadalamhati.


Nakarinig man siya ng mga kalabog, balewala ito sa kanya. Narinig man niya ang muling pagbukas ng pinto, nanatili parin siyang nakatitig sa kawalan at hindi gumagalaw lalo pa't alam niyang huli na ang lahat. Para sa kanya, wala nang saysay pa na lumaban siya at magpumiglas.


Bigla niyang naramdamang may lumapit sa kanya at humawak sa magkabila niyang pisngi pero nanatili parin siyang nakatingin sa kawalan habang lumuluha. Wala sa sariling pag-iisip at pakiramdam, nanatiling nakalupaypay si Dana t hindi gumagalaw.


"Dana, Dana tingnan mo ako..."


Tila ba rumehistro sa boses ni Dana ang isang pamilyar na boses kaya naman unti-unti siyang napatingin sa mukha ng taong nasa kanyang harapan at sa puntong iyon ay agad na umalingawngaw ang kanyang napakalakas na palahaw. Nakaawang ang bibig habang humahagulgol, gulong-gulo si Dana sa kanyang nakikita. Wala sa sariling umiling-iling si Dana na animo'y umiiwas sa kamay na nakahawak sa kanya, iyak lamang siya ng iyak at pilit na nagsasalita kahit pa wala siyang salitang ma-organisa sa kanyang isipan.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now