Pinagmasdan ni Dana ang dalawang kamay na hindi na mahitsura dahil sa sugat at mga dugong dulot ng mga barbed wire na nakapulupot ng mahigpit sa kanyang mga kamay. Imbes na maiyak sa sobrang sakit, muling napasigaw si Dana at napatingala sa kisame sabay hugot ng kanyang mga kamay upang makawala mula sa mga barbed wire. Dahil sa ginawa, lalo lamang lumalim ang butas sa kanyang mga kamay at napunit ang balat nitong napakalayo na sa normal.


Biglang umalingawngaw ang napakalakas at garagal na sigaw ni Shem. Nang ibalik ni Dana ang tingin sa kaibigan ay lalo pa siyang nagwala lalo pa't kitang-kita na niya ang pagdukot ng hintuturo ni Dondy sa kaliwang mata ni Shem.


"Hindi!!! Shem!!!" Sa sobrang lakas ng pagtili ni Dana ay lalo pang bumakat ang ugat sa kanyang leeg at lalo pang bumuhos ang mga luha niya.


Kitang-kita niya mismo ang paglusot ng daliri ni Dondy sa gilid ng mata ni Shem at ang pag-alsa nito sa mismong mata ng binata kasama ang mamula-mulang maliliit na lamang nakalaylay sa ilalim nito.


"Papatayin kita! Papatayin kita!" Nagpumiglas si Dana nang nagpumiglas habang humahagulgol. Sa sobrang galit at sama ng loob namulikat na ang kanyang mga paa kakasipa at kakapumiglas. At sa sobrang pagpupumiglas, lumalabas na ang laman mula sa kanyang mga kamay at unti-unti nang humihiwalay ang balat mula rito.


Tila ba umaabot na sa sukdulan ang pagdurusa ni Dana lalo pa't kitang-kita niya ang pumapalahaw na si Shem. Nagwawala ito sa sobrang sakit kasabay ng pag-agos ng dugo mula sa dating kinaroroonan ng kanyang mata.


Humarap si Dondy sa direksyon ni Dana at sa kalagitnaan ng umaalingawngaw na mga iyakan at sigawan ng magkaibigan, isinubo mismo ni Dondy ang mata ni Shem gamit ang laslas na kinaroroonan ng sana'y bibig. Wala mang dila o mga ngipin, animo'y may sariling lakas ang laslas na pumunit at dumikdik ng laman. Lalo pang nagwala si Dana nang makita niya mismo ang pagpagka yupi ng mata ni Shem sa loob ng laslas hanggang sa tuluyan itong magmukhang natutunaw na piraso ng laman na may kasamang nana.


"Shem!" Sa sobrang pagwawala ni Dana, maliliit na piraso ng laman na lamang ang natitirang nagkakabit sa kanyang kamao at braso. Nagsisimulang yumugyog ang kama at patuloy na umaagos mula rito ang dugo't napupunit nang laman ni Dana hindi lang sa mga kamay ngunit pati narin sa mga paa.


Muling binalikan ni Dondy ang hinang-hina at tila ba wala na sa sariling si Shem. Gamit ang kabilang hintuturo, dinukot niya ang isa pang mata ni Shem kaya muling umalingawngaw ang makapanindig balahibong palahaw ng nangingisay nang binata.


Walang ibang ginawa si Dana kundi humagulgol. Animo'y tuluyan na siyang tinakasan ng katinuan dahil sa mga nasasaksihan. Muli, lumapit sa kanya si Dondy habang hawak ang mata ni Shem.


Mariing isinara ni Dana ang kanyang bibig at ipinagdikit ang mga labi. Dali-dali niyang hinilig ang ulo sa ibang direksyon nang inilapit ni Dondy ang mata ni Shem sa kanyang pisngi, palapit ng palapit at ano'y gusto nitong ipakain sa dalaga ang mata ng kaibigan.


Gustohin man ni Dana na tumili, hindi niya magawa kaya umiyak na lamang siya habang pilit na iniiwasan ang kamay ni Dondy na pilit pinapakain sa kanya ang mata. Lalo pang nagpumiglas si Dana nang maramdaman niya mismo ang mainit at binugang mata ni Shem na dumampi sa kanyang pisngi hanggang sa kanyang magkadikit na mga labi.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now