Sa Lalaking...

8 2 0
                                    

SA LALAKING…

“Babe mabuti naman at nagtext ka, Ite-text na sana kita naunahan mo lang ako!”

Bungad sa akin ni Mark. Nagtext kasi ako sa kanya para makipagkita.

 Inakbayan nya ako pero  tinanggal ko ang kamay nya.

“Don’t touch me..” mahinang sabi ko.

“What?! Ano nanamang problema mo?” inis na tanong nya.

Di ko mapigilang hindi mainis. Ako pa talaga ang tinatanong nya, e sya nga ‘tong may problema! Hmp

“Ako n gaba talaga ang may problema?”

Inis na tinignan nya ako.

“Pinagsasabi mo ba?”

“Tigilan na natin to Mark.. Nahihirapan na ako.. nasasaktan na ako..”

Tumulo nalang bigla ang luha ko. Shit taksil talaga! Nag practice pa naman ako na pigilan ang pag iyak pero ito ako ngayon, sa tapat ni Mark umiiyak.

“No! anong tigilan! Akala mo ba ikaw lang ang nasasaktan? Nasasaktan din ako Abby!”

Niyugyog nya ako pero lalo lang akong napaiyak. Taksil talaga ang luha. Pumapatak pag di ka handa.

“Ikaw nasasaktan? Ikaw na walang ibang ginawa kundi ang magpakasaya? Ikaw na nagagawang lokohin ako? Ikaw na higit na pinagkakatiwalaan ko pero nagagawang sirain ang tiwala ko ng paulit ulit ay nasasaktan? Pinapatawa mo ba ako?!” Inis na sigaw ko sa kanya. Mabuti nalang kokonti lang ang tao sa park na to. May ilang napapalingon pero nag iiwas din naman agad ng tingin.

“Magpakasaya? Hindi ako nagpapakasaya! May group study kami nila Liza at dumating sila Toby na may dalang alak kaya napa-inom kami! At hindi kita niloloko! Kung dahil to sa picture namin ni Liza na magkayakap dare lang yun! Narinig mo? Dare lang yun!” Pulang pula ang mukha nya. Galit sya. Galit ang nararamdaman nya hindi sya nalulungkot o nanghihinayang.

Akala nya ata mauuto nya pa ako, pwes mali sya. Hindi na ngayon.. hindi na.

Kung dati okay lang na lokohin at paglaruan nya ako, hindi na ngayon.

“Tama na Mark, kahit walang picture na magkayakap kayo ni Liza maghihiwalay talaga tayo!”

“kung hindi si Liza, sino ha? Si Jane?! Tang *na naman Abby ang tagal na nun!”

Si Jane? Yung babaeng nahuling kasama nyang lumabas ng hotel?

“Wag mo akong murahin Mark! Labas yang mga babae mo dito sa usapan!”

Naubusan ata ako ng luha, wala ng pumapatak.. wala na yung sakit, galit nalang. Galit sa taong kaharap kong hindi manlang ako irespeto.

Sa lalaking... (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon