Dahil kung hindi nga sinasadya, baka... kasama ko sila ngayon.

Sabado. Wala si Pe. Wala si Ezekiel, isinama si Caius. Himalang sarado ang pinagtatrabahuhan ko at sinabihan akong huwag na munang pumasok. Ako lang ang nasa bahay, at sa kamalas-malasan pa, ang araw na sana'y akin lang ay hindi natuloy. Nagulo. Nagulo ng isang mensahe sa selepono.

Come over. May importante kang dapat asikasuhin.

Napabuntong-hininga ako at sinubukang huwag pansinin ang nasabing mensahe. Sabado, pagdadahilan ko. Sabado, wala dapat ako sa eskwelahan. Sabado, walang dahilan para magkita kami. Sabado, walang kahit ano mang maaaring ipagawa ang guro sa estudyante.

Sabado, ngunit sya pa rin ang mundo at ako pa rin ang buwan.

Ten minutes. You know where, Kat.

Napatigil ako sandali noong ginamit nya uli ang pangalang iyon. Natawa rin ako sa sarili ko noong maalala kong hindi naman sya nagpakilala, ngunit alam kong siya pa rin ang nagpadala. Parang dati. Gaya ng dati. Parang noon. Gaya noon. Paulit-ulit. Kasaysayan.

Naulit.

Dumating ako, tatlumpung minuto ang nakalipas. Nakakagulat na nandoon pa rin sya, nakaupo, suot ang isang asul na polo. Naupo ako sa harapan nya, dahil kahit pumayag ako sa pagkikitang ito, kailangan nyang malaman na hindi ako masaya. Na hindi ito dapat maulit.

Na dapat tumigil na.

Strawberry frappe and blueberry cheesecake. Pag-uulit nito sa mga pagkaing nasa harapan. Did I order it wrong?

Hindi ako sumagot. Hindi ko rin ginalaw ang pagkaing nasa harap kahit gustung-gusto ko. Pinilit kong gawing isang diretsong linya ang aking mga labi, tanda ng kawalang-interes sa magiging usapan, sa bawat salitang sasabihan nya, at sa kanya mismo.

Hinawakan nya ang kanan ko gamit ang kaliwa nyang kamay. Marahan nya iyong hinaplos na para bang hindi naging hadlang ang limang taon kong pagkawala at ang pagtalon ng eksplanasyon sa bangin kung bakit ay hindi nangyari; na para bang walang natira kundi ang pagmamahal na naudlot at ang pag-iibigang biglaang natuldukan.

Sumimangot ako. Nasaan na 'yung importanteng bagay na kailangan kong asikasuhin? Kinailangan kong ipahalata na naiinis ako. Na wala akong panahon para sa mga ganito. Na -

Ako.

Ako, hindi ba ako importante para sa 'yo? Hindi ba tayo importante para sa'yo para asikasuhin mo?

- na hindi ko sya kayang tingnan kapag ganito.

Kapag tinititigan nya ako gaya ng dati na para bang sukdulan ang pangangailangan ng mundo sa buwan at mauupos ang natitirang hininga kapag nawala.

Nag-iwas ako ng tingin at ibinalik ang nasabing kamay sa kandungan ko. Kabaligtaran ng kaalaman ng nakararami, walang akong naramdaman kuryente. Wala ring kakaiba. Basta... pamilyar.

Pamilyar lang.

Napakurap ako ng ilang beses. Sinubukan huwag maiyak, sinubukang maging matatag. Sinubukang huwag isipin ang nakaraan.

Importante. Sagot kong hindi tumitingin sa kanya. Pero akala ko kasi - 

Forget it. Putol nya. Mag-aaway lang tayo. Hindi ka naman sasagot kapag tinanong ka kung bakit. Iiwasan mo na naman ang sitwasyon. You'll always run, Mendoza.

Anong magagawa ko? Iyon lang ang kakayanan ko.

I won't ask why, but at least answer my questions.

Hindi ako umoo, pero parang ganoon din ang resulta. How are you?

Ayos naman.

Where are you staying right now?

The Devil Who Danced At MidnightWhere stories live. Discover now