15: IYAK - TAWA MALALA

2.3K 31 9
                                    

M'M POV

Monday na naman. Papasok na ako - ay kami pala.

Pumunta muna ako ng comfort room para maligo, matapos ay sinuot ko na ang uniform namin at pagkatapos ay naghanda na ng makakain namin. Pakshet, para natuloy akong may mga anak na tapos pinapalaki silang dalawa ng mag-isa.

Pinuntahan ko si Ken sa kwarto niya. Kinatok ko ng malakas yung pinto para magising siya. Aba, anong oras na!

"KEN!

"ENGOT! GUMISING KA NA!"

Ang tanad talaga ng anak mayaman na 'to. Bakit kasi kailangan pa patirahin silang dalawa dito sa bahay ko.

(Para sa BTS, remember?)

Ay oo nga pala. Pero kahit na 'no! Dapat alam nila yung mga pambahay na gawain, hindi porket lalaki sila.

Hindi ko mabuksan yung pinto, pamiguradong nilock niya mula sa loob 'to. Wala akong choice kundi ang sinapian yung pinto at ng masipa ko na, nakita kong natutulog pa sa mantika si Engot.

"HOY!"

Pagkatapos kong sigawan siya ay kaagad siyang bumangon, napataas naman ang kilay ko habang nakahawak sa bewang.

"Ano na. Hindi ka ba babangon?"

"Ang ingay mo."

"Bumangon ka na kasi."

"Tss. Get out!"

"Aba. Sino ka para palisin ako?!"

"Ako ang may-ari nitong kwartong pinasok mo at nasa bahay kita..." sabi ni Engot habang naka pikit ang mga mata sabay bagsak ulit sa kama.

Pinuntahan ko si Ken sa kama at kinaltokan. "Aray!" reklamo niya matapos ko siyang kaltokan ng malutong.

"Gising ka na ba?"

"Nasan ako?"

"Nasa bahay ko."

"Anong nasa bahay mo ako. Ulol ka ba? Nasa bahay kaya kita-- Aray!"

Mukhang tulog pa ang diwa niya kaya kinaltokan ko siya ulit. Nanggigigil na ako ah.

"Sha!"

"Oh, baket?!"

"Wala daw pasok."

"Sino nagsabi?"

"Si Yuan. Nagpost siya sa group page ng section natin."

Kikiligin na sana ako kasi akala ko pumunta si Yuan dito sa bahay. Sayang. Pero okay lang.

At dahil wala kaming pasok. Napagdesisyonan ko na lang manuod sa telebisyon, wow, lalim.

Hapon na ngayon at ako ay kasalukuyang nanununod ng Fall Inlove With Me.

"Cedric Lu! Bakit ka nag- I Do? Pinapaiyak mo si Thea, mayghad. Why so tanga? Mga ugali talaga ng lalaki, pare-parehas."

Binato ko yung maliit na unan sa pinapanuod ko, naiinis ako kay Cedric Lu.

Sana mag-explain si Cedric Lu sa ginawa niya kay Thea. Paniguradong may rason kung bakit pinakasalan niya si Roxanne.

Nadadala ako sa emosyon ng istorya nilang dalawa. Naiiyak ako, char. Kung iisipin kasi, hindi sila pwede pero bagay sila. Pero nakakainis talaga mga lalaki eh. Hayst.

"Kainis talaga mga lalaki."

Matapos kong maluha ay sininghot ko ang sipon na tutulo sa ilong ko. Medyo kadiri, pero keri lang.

Mas mabuti pa na may pasok ngayon kaysa sa kung ano-ano ang pinapanuod ko dito. Sana nakita ko pa si Yuan diba.

-

KEN POV

Sino kaya yung kaaway ni Marsha sa sala, para naman timang na nagsisigaw.

"Oy, tol sino yung kasigawan ni Marsha?"

"Ewan."

Wow. Nice. Ang galing. Tropa ko ba 'to?

"Mga ugali talaga ng mga lalaki, pare-parehas."

Kaagad akong napatayo sa upuan sa kusina at pinuntahan si Marsha sa sala, syempre, sumilip muna ako.

Nakita ko na pinagbabato niya yung mga unan sa couch papunta sa TV. 

Ah, pala yung iniyakan niya. Napa-iling ang ulo ko. Mga babae talaga masyadong emosyonal. Para siyang si Ate pagnakanuod ng mga drama.

"Hoy!" tawag ko sa kanya kaagad naman syang napatingin sa akin na may tissue pang hawak.

"Bat ka nandito?"

"Ang lakas kasi ng sigaw mo."

"Anong pake mo?"

"May pake ako kasi naririndi kami sa boses mo."

Umupo ako sa tabi niya na ikinagulat niya.

"Oh, bakit ka umupo dyan?"

"Bakit masama?"

"Tuleg."

"Grabe ah. Ang dami mo nang nickname na tinatawag sakin."

Hindi niya ako pinansin kaya tinignan ko yung palabas sa TV. "My Love From The Star na!" sigaw nya kaya tinignan ko siya.

Nagulat ako sa itsura niya. Biglang naglight up yung itsura niya, di katulad kanina na parang sinakloban ng langit at lupa sa sobrang dilim.

"Ano ba yang pinapanuod mo?"

"Hindi ka ba marunong magbasa?"

"I mean what kind of teleserye is that?"

"Korean Novela."

"Pano mo naiintindihan?"

"Pakinggan mo nga kung anong lenggwahe nila. Sige, pakinggan mo."

So, bilang ako pinakinggan ko naman. Hindi naman ako tanga dahil alam kong nakadub lang pala sa tagalog yung korean nobela na pinapanuod niya.

"Matteo Do! Pag di mo sinagot ang tawag ko di kita titigilan!" sabi ng babaeng mukhang lasing na galing sa iyak na galing sa TV

"Oh, anong lengguwahe?"

"Hindi ako tanga, okay. Alam kong nakadub lang yan."

"Oh, alam mo pala eh."

Parang ewan talaga 'tong babaeng 'to. Kung titignan nyo kasi siya kanina galing siya sa pag-iyak tapos ngayon todo tawa naman, alien ba 'to?

Yung iyak at tawa niya napakalala. Baliw eh.

-

M'M POV

Napahinto ako sa pagtawa ng makitang umalis si Engot. Hindi kasi makarelate sa pinapanuod ko kaya umalis. Teka, anong oras na ba?

Lumingon ako sa wall clock dito sa bahay. 6:30 p.m na pala. Time ko na mag-saing at magluto. Nagugutom na yung mga bulate ko sa tyan dahil dun sa pinanuod ko.

Nang makarating ako sa kusina. Nakita ko yung dalawa na mukhang mga lantang gulay. Ah, mga gutom na din.

May nag light bulb sa aking ulo,char.
May naisip ako, hehe.

"Hoy, kayong dalawa, lumapit kayo dito." niyaya ko silang pumunta sa lamesa. Tuturuan ko silang dalawa ng leksyon.

•••••••••••••••••••

TFMTMPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon