Chapter Eight - Come back...

Magsimula sa umpisa
                                    

Inis man ay hindi na niya pinansin ito. Alam niyang ‘di pa din ito titigil sa pang-aasar sa kaniya.

Biglang nag-ring ang kaniyang cellphone. Sinagot naman agad niya iyon ng malamang si Amy ang tumatawag.

“AD! Si Nero!”, hinihingal na sabi nito sa kabilang linya.

“Si Nero?” Tumingin sa kaniya sina Gab at Bath.

Agad na bumangot ang pag-aalala niya para sa lalaki. Nag-aalala? Siya?

“What?!”

Pagkarinig niya sa sinabi ni Amy, napatayo siya mula sa kaniyang kinauupuan. Walang lingong likod na lumabas siya ng bar na iyon para puntahan si Nero.

Nero…

Nero’s POV

Dahan dahan niyang binuksan ang kaniyang mga mata.

Nasaan siya?

Ang dilim.

Ano bang nangyari?

Tama. Si Amber!

Mabilis na tumulo ang luha mula sa kaniyang mga mata. Hindi maaari. Hindi iyon totoo. Ang nakita niyang duguang katawan ni Amber. Bakas sa mukha nito ang paghihirap.  Walang awa ang kung sino mang pumatay dito. Hindi niya makakalimutan ang itsura nito. May kung anong matulis na bagay ang nakatarak sa dibdib nito na tumagos hanggang dingding. Nakasabit ang walang buhay na katawan nito. Tumutulo ang dugo nito sa sahig.

Aaaahhhh!

Hindi! Hindi siya naniniwala. Hinding hindi siya iiwan ni Amber.

Pero siya na lang ang natitirang pamilya ko. Bakit siya pa? Bakit siya pa?!

Napupuno ng galit ang kaniyang puso para sa kung sino mang pumatay dito. Bakit kailangan nitong gawin iyon sa kaniyang ina? Ano bang ginawa nito para parusahan ng ganoon?

Mom…Please,Please don’t leave me. I need you. I love you…

AD’s POV

Ilang minuto lang nang makarating siya sa bahay nila Nero. Nandoon sina Amy at Azrael. Nakahanda ang mga ito para lumaban. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita.

Sa kaniyang harapan ay nakatayo si Nero. Ngunit ibang iba ang itsura nito sa natural na itsura nito. Meron itong matutulis na mga ngipin. Ang itim na mga mata nito at naging dilaw na parang sa isang nanlilisik na mga mata ng pusa. Humaba ang buhok nito at sa ulunan nito ay may dalawang matutulis na bagay. Kung hindi siya nagkakamali ay sungay ang mga iyon. Ngunit mas kakaiba ang mga iyon sa karaniwan. Maliit lamang ang sungay nito na may bahid ng dugo. Dahil marahil iyon sa pagtubo nito mula sa ulo nito. Matutulis din ang mga kuko nito na tila handng kumitil ng buhay ano mang oras. May itim na buntot ito. Which he think is cute. Teka, ano bang iniisip niya?

“First stage.” ,sabi ni Bath sa kaniyang tabi. Marahil ay sumunod ang mga ito sa kaniya.

Kung gayon, ito pala ang first stage na sinasabi ni Amy. Pero bakit naging biglaan? Napadako ang tingin niya sa nakabukas na pinto ng bahay ni Nero. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa nakita.

“Oh, No…” Mukhang napansin din iyon ni Gab.

Sinong gumawa niyon sa ina ni Nero? He suddenly felt a sharp pain on his chest.

“Nero…”,sambit niya sa pangalan nito. Hindi niya kailanman tinawag sa pangalan nito si Nero. But it felt so natural to say his name.

Amy was shoothing his arrow towards Nero while Azrael prevents him from moving using his scythe . Iyon marahil ang dahilan ng mga sugat ni Nero sa katawan nito. Tumama ang isang pana sa braso nito sa huling pag-atake ni Amy. He screams in pain. No. It’s not just a simple pain. He’s wounded deep inside. He could tell that he’s grieving. It was the reason why his chest hurts so much that he wants to take him in his arms and cry for him. But, he had to kill him.

My Demon Angel (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon