THRP 7: News/Hates

Magsimula sa umpisa
                                    

Sabi ko na nga ba bading yan eh! Kaya naman pala ang init ng dugo nya sa aming mga babae!





"Well, I guess I'll just escort her to the Dean's office." Sinamaan ko lang siya ng tingin. Ano ba sa tingin nya ang ginagawa nya?





Tahimik lang ako the entire period kaya napagdesisyonan kong pumunta muna ng canteen. Napansin ko lang ha, ang tahimik ata ni Bianca ngayon?





"Bianx, okay ka lang? may sakit ka ba?" tanong ko sa kanya habang nginunguya ang pagkain ko.





"H-ha? O-oo naman ok lang ako! Ha-ha-ha." Tinaasan ko lang siya ng kilay.





"Hey, I'm you friend for like what? Since birth? Wag mo nga akong pinaglolo-loko Bes, c'mon, ano bang problema mo?" napabuntong hininga lamang siya at napailing. Oh well, one rule in our friendship is hindi kami dapat namimilit.





"Okay, basta andito lang ako." Tumango lang ito at pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.







Riiiiiiiiiiiiiiiiiing!

Unknown number calling..

Napatingin ako sa cellphone ko, sino naman 'to? Tumingin din si Bianca sa akin.





"Sagutin mo Bes, baka importante yan."

"Kung hindi nag-ring ang phone ko, hindi ka magsasalita." Inirapan lang nya ako. Napailing nalang ako sa behavior ng bestfriend ko.





Tiningnan ko saglit ang phone ko at sinagot iyon.





"Hello anak?"

"Ma?" gulat na sabi ko.

"Anak! Miss ka na namin!" napaiyak ako sa sinabi ni Mama. Ngayon lang kasi siya tumawag ulit. The last time she called was like 3 months ago?





"M-ma! B-bat ngayon ka lang napatawag?" pilit kong inayos ang pagsasalita ko. Ghad. For so many years halos wala akong kasama sa bahay. Pakiramdam ko nga ulila ako. Tinignan ko si Bianca at tumango lamang ito habang hinahagod ang likod ko.





"I'm very sorry anak.. sorry ha if wala parati si Mama." Umiiyak narin si Mama.





"Miss ko na po kayo Ma.."

"We miss you too anak, kaya nga napatawag kami dahil uuwi na kami dyan.." bigla akong nabuhayan ng loob dahil sa sinabi ni Mama.





"T-talaga Ma??!"

My Hopeless Romantic Playboy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon