"Da rap na!" Sigaw ng isang COCC
Meaning? Nandyan na sya.
Dalawang taon ko na pala syang gusto.
Di pa sya CAT officer nun.
Flag ceremony.
Di ko Alam kung bakit ang aga kong pumasok. Himala.
Agad akong pumila sa section namin. May mga lumapit na CAT officers at ang iba'y mga cadette.
"Kuya, magpagupit ka na ha?" Agad akong napalingon sa lalaking nagsalita.
Matangkad. Naka-brace. Maputi. Chinito. At ang pogi nya.
"Anong pangalan mo?" Tanong nya sa kaklase kong lalaki.
"Ryan Kudo po." Sagot ng KAKLASE KO
"Sigurado ka ha? Baka niloloko mo lang ako!" Biro nya. He chuckled.
And just like that, he stole my heart.
Inabangan ko talaga sya. Napangiti ako nang makita ko sya.
Buo na ang araw ko.
Napangiti ako sa isiping yun at pumasok na ako sa classroom namin.
Wala akong pag-asa sayo. Alam ko naman yun e. Ewan ko ba. Sa dami ng magugustuhan ko, ikaw pa na out of reach. Ikaw pa na halos lahat ng babae/bakla may gusto sayo. Yung tipong kada year at section, may representative na may gusto sayo. Ganun!
Akala ko sa wattpad lang 'to nangyayari. Di pala.
Naalala ko pa nung unang chinat kita. Tinanong kita tungkol sa CAT. Duh. As if namang di ko Alam yun.
"Bakit? Gusto mo bang mag CAT?" Yan yung tinanong mo sakin.
"Di ko pa po Alam eh."
"Hmmm. Ikaw bahala dyan." Tapos nag joke pa ako sayo nun. Sabi mo "Tulog na :p"
