My Long Wait II.1

3.7K 42 18
                                    

Part 2. Chap. 1 : Lost Talks.

Naglalakad ako sa may hallway sa school. Malapit na yung finals namin kaya nanggaling muna ko sa library para mag-aral. Ang boring na ng buhay ko. >.< Hindi na din nagtetext si PJ. Si Kalye naman, busy. Busy sa hindi pagpansin sakin.. Ako. BUSY. Eh etong makakasalubong ko.

"Maaaaaaannnnnddddyyyyyy!!!!!!" ang matinis na boses ni PJ na naman yung narinig ko. Tsk..

"Dahan-dahan. Madapa ka nyan." tapos tinignan ko siya. Huminto din naman siya pagkatapos ko siyang samaan ngtingin. Aww. Ang bad ko. Highblood eh.

"May good news ako!!!" ang hyper pa din ng boses niya.

"Ano?" tapos tinuloy na namin yung paglalakad sa hallway, nakakahiyang magingay to. -__-

"Di ba malapit na yung sembreak?" huminto siya. "Di ba? Di ba?"

"Oo nga! " Ang tagal kasi, Hindi pa diretsuhin.

"Uuwi na ulit si tatay ngayong october!!!"

"Good news na ba yun?" akala ko naman kung ano.

"Oo! Kasi kasama niyang uuwi yung kaibigan ko~!!! Kyaaah! Nakakaexcite!!! Ipapakilala na ko ni tatay sa kaibigan ko~!!! Hindi ba masaya yon? Excited na ko. Mamaya na ding madaling araw sila uuwi eh!"

"Masaya yan. Good for you. Sige, Una na muna ako." medyo lumihis na ko ng daan, kasi ayoko na muna siyang makita. Hindi ko alam, medyo naiirita pa ko, Tapos nalaman ko pang mas close sila ni Kalye di ba? Edi sila na magaling kumanta. Sila na.

Kinahapunan. Wala man lang text. Anu ba naman yan. Last tawag niya pa nung nasa pilgrimage kami. Tapos, ANG IKLI pa. Di na ata siyang nakaalala. Pero,  nagtext din naman siyang medyo busy nga sila.

Ako naman, nasa may labas ng simbahan. Friday ngayon at nakita kong maraming tao sa labas. Hay.. May ikakasal naman daw kasi. Titignan ko lang naman kung sino yung choir eh. Kaya pumunta ko sa mat gilid ng simbahan.

Ang nakita ko namang kumakanta. Si Jean. At naggigitara naman si Kalye. Tskk. Hindi ko alam pero, nakakainis na makita ko silang masaya. Samantalang ako. Hindi man lang pinapansin ni Kalye. Siguro, sinumpa niya ng hindi niya na ko papansinin pagkatapos nung ginawa niya sa Adoration Chapel.

Pinapanuod ko lang sila habang kumakanta. Nakakainis! Dati ako yung nandun. Dati ako yung kumakanta. Dati okay kami. Dati... Dati... Dati...

Maya maya naramdaman  kong may tumapik sakin.

"Ay Father!" nagitla ako bigla. Akala ko kasi kung sino.

"Gusto mong kumanta  no?" sabi niya sakin.

"Hindi po. Nanunuod lang po ako. Wala po kasi akong ginagawa masyado sa bahay." palusot ko.

"Eh kung ganon. Bakit may feeling akong parang gusto mong kumanta."

"Hehehe. Wala po talaga."

Umalis na din si Father nun, pagkatapos. Tapos nakasi yung mass. Nung kumakanta sila Jean, pahabol na lang siguro yon. Picture taking part na din kasi.

Umalis na din ako. Nakakalungkot kasi. Mukhang malabo na ulit kaming magkaibigan ni Kalye. ;(

My Long Wait [Finished]Where stories live. Discover now