My Long Wait 26

3.3K 51 13
                                    

Chapter 26: POWERS!

Nakakatawa kasi mukhang malakas ang convincing powers ni Kalye at napapayag ako. No choice. Nasa jeep na kami pareho at papaalis na din.

Hindi ko siya pinapansin kahit napilitan akong sumama. Nakatingin lang ako sa mga paa ko. In short, nakayuko. Na pakiramdamdam ko. Paa ko lang mga kasama ko..

Kanina pa siya nagpapapansin, pero ang sinasabi ko lang..

"Tumahimik ka na nga.. Di tayo bati."

Pagbaba namin, natawa na lang ako kasi sa isang nakakalokong lugar niya ko dinala.

"HOY! ANO TO? GRABE KA NAMAN! BATA PA KO! WAG DITO! WAG DITO! " so alam niyo na kung saan -__- Nawala ang pakikipagusap mood ko sa mga paa ko dahil sa building na kulay orange/red na nakita ko .

"Mandz, OA? Hindi yan. Ayun.. Ayun.." tapos pinihit niya yung ulo ko sa bandang left side na natignan ko. Hinwakan niya  pa tuloy yung ulo ko. Nagulo pati buhok, tss

"D-Dito? Anong alam mo dito? Grabe ka naman. Pangmayaman....'' *___*

"Sus. Meryenda lang Mandz." yan lang ang sinagot niya sa OA kong reaction.

Pumasok na kami sa loob ng isang hindi pamilyar na kainan.. Lahat ng mga waiter dun eh parang Anime yung suot? Nagulat na naman ako for the third time kasi....

"Anong alam mo sa ganito?" tanong ko sa kanya.

"Wala. Hehe. Nakita ko kasi yung promo nila sa labas..." then, nakita ko nga yung banner ng 50% discount rate nila.. yun nga lang....

"Kung matalo sa punong braso ang babaeng ito..." basa ko sa banner..

Nang tinignan ko yung babae... Aba.... Ang hinhin at ang ganda niya. SUBALIT. Wala pa atang nakakatalo sa kanya kahit ang payat payat niya na mukhang walang lakas? Ang putla pa nga eh.. Ang haba ng buhok niya with matching bangs at singkit na mata..

"Nakita mo yan Mandz?" referring to that girl... Sa ngayon. Naupo na kami sa table na pang dalawahan lang.

"Malamang. Anong balak mo?" 

"Baka... Balak mo... Ikaw na tumalo dun. Maton ka naman eh."

"Kotongan kaya kita! Baliw ka talaga"

"Psssshhh.." binara niya na naman ako.

"Wag kang masyadong maingay.. Tinitignan ka ng tao oh..

Yun ang bulong niya sakin, tapos, hinila niya na ko, papalapit sa babae. 

Bumili siya ng parang "pass" para magkaroon ako ng chance na maka-bunong braso (tama ba?) yung babae.

Umupo naman ako sa tapat ng girl. Sa isang bilog na wooden table kami nakapwesto. Harapan. Yung referee, nasa gilid namin. Waiter din, but I think, manager eh. Si kalye..

My Long Wait [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon