XXVI : Fear came true

Magsimula sa umpisa
                                    


"Well I'm definitely not yours my dear." Aniya.


Parang muling nanghina ang mga paa ko hanggang sa tuluyan akong bumagsak ng paupo sa sahig. Hindi magkamayaw ang luha ko dahil sa napagtanto.


This girl standing right in front of me... This is one of the things that Cielo feared the most and the worst part, it happened, I made it happen. Cielo was scared that I would hate her for leaving and blame her for everything which I did—I blamed Cielo, said really hurtful words and actions that I could never take back.


"Cielo isn't worth it, she left us alone and didn't even bother to care for us! Itinapon niya ang lahat ng pinagsamahan natin! To her, we're just her childhood toys!" Giit niya.


"Y-you're just saying that because that's what you are, a manifestation of Cielo's fear! Yes we both had the same thoughts but I learned something! Real friendship isn't about connecting and talking all the time! It's about cherishing the memories and never forgetting despite of the distance fate brings! That's what happened to me and Cielo, despite of the distance we never forgot about each other! She still cared for me and despite of all the words I uttered, I never stopped thinking about her! You won't understand what I'm saying or why I'm saying this because you're not real! You're just—" Natigil ako sa pagsasalita nang bigla akong nakatanggap ng sipa sa sikmura mula sa kanya. Sa sobrang sakit ay napanganga na lamang ako't paulit-ulit na suminghap.


"I'm real Dana, I'm you." Aniya kaya nag-angat ako ng tingin at tinitigan siya sa mga mata. Namimilipit man dahil sa sakit, pinilit kong ngumisi.


"See, we're just the same flesh and blood. Ano na? Kakampihan mo ba talaga si Cielo gaya ni Shem? Lokong Shem yun eh, pinagtatanggol pa si Cielo. Kaya ikaw sabihin mo lang kung kay Cielo ka talaga kakampi para ikaw nalang ang uunahin ko." Aniya pa.


"I'm no longer just like you..." Pabulong kong sambit.


"Speak up, stupid." Giit niya sabay tapik ng pisngi ko.


"I said... Die!" Tili ko at agad siyang sinugod. Tumalon ako patungo sa kanya at agad siyang sinabunutan. Pinulupot ko ang dalawa kong mga paa sa kanya kaya naman nawalan siya ng balanse at kapwa kami bumagsak habang nakapatong parin ako sa kanya. Paulit-ulit ko siyang pinagsasampal sa abot ng makakaya ko. Gumaganti siya pero halatang hirap siyang gumalaw dahil sa sakit ng likod niya.


"You are the old me! I'm smarter and stronger now! I'm not as weak and stupid as you!" Tili ko at mas lalo pang nagpabigat habang paulit-ulit siyang sinusuntok sa dibdib at mukha. Habang tumatagal, lumalakas ang pagwasiwas ng kanyang kamay na tumatama na sakin at nagagawa na niyang mahampas ang ulo ko.


Sa isang iglap ay bigla niyang natamaan ang isa sa mga bubog na nakatusok parin sa braso ko. Sa sobrang sakit muli na naman akong napahiyaw, nakita ko ang pagkurba ng ngisi sa mukha niya. Parang umabot na sa sukdulan ang hinanakit ko nang makita ko siyang ngumisi, nakakapagod nang masaktan, nakakapagod nang mabugbog pero ang mas nakakainis ay yung sarili ko pa ang gumagawa nito.


"You like shards of glass huh?!" Napatili ako at sa sobrang galit ko ay ako na mismo ang humugot sa pinakamahabang bubog na natusok pa sa braso ko. Naramdaman ko ang pagbulwak ng dugo mula sa sugat ko pero wala na akong naramdamang sakit, para nang namanhid ang braso ko sa sobrang pamamaga. Naramdaman kong nahiwa na naman ang palad ko dahil rito pero imbes na bumitaw ay lalo ko lang itong hinawakan ng mahigpit.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon