Prologue

85 2 0
                                    

3 years ago buo kami walang nakakabuwag sa aming pinagsamahan na para na kaming magkakapatid, ngunit mahal ko sya at mahal nya yung isa anong dapat kong gawin?

3 years later may pumunta sa aking opisina. Ang babaeng sobrang minahal at patuloy na minamahal magmula pa noon.

"Pwede ka bang maging ama ng magiging anak ko?" mga katagang dumurog at nagpasaya sa puso ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko?

"Sinong ama?" Nagawa akong itanong sa gitna ng pagkagulat.

"Si Ross" wika niya sa gitna ng kanyang mga hikbi. Nagsimulang mag-init ang gilid ng mata ko sa mga alaalang nag-babalik nung mga panahong iyon.

"Nasaan siya? Bakit ako ang nilapitan mo at hindi siya?" Lalo siyang humagulgol sa sinabi ko, di ko maiwasang maluha sa kalagayan ng babaeng minamahal ko simula pa noon.

"Ewan. Hindi ko alam nawala s'ya simula nang malaman n'ya ito" Niyakap ko na lang s'ya at sinabi ang katagang kailangan kong panindigan simula ngayon.

"Akong bahala sa'yo at sa magiging anak mo. Kikilalanin s'ya ng mga tao bilang akin" Usal ko habang humihikbi siya sa dibdib ko na nagpadurog sa puso ko.

Tama. Ito ang tama mamahalin ko siya, sila ng magiging anak ko.

UntoldWhere stories live. Discover now