Introduction

506 8 2
                                    

"Dan!!" sigaw ko sa.. Uhm.. hindi ko siya boyfriend.. Uhm ano ba ang itatawag ko sa kanya?? Basta MU kami.. No commitment kumbaga..

Wala naman kaming commitment kaya hinahayaan kong landiin siya ng kung sino sino.. MU lang naman kami.. Sweet sweet-an.. Landian..

Pero siya...... May dumikit lang sa aking guy.. Nagagalit na.. Kulang nalang eh bugbugin niya sa tingin yung guy.. Madalas ehh napapaaway siya ng dahil sa akin.. Minsan tinanong ko siya kung ano ba talaga ang meron sa amin.. Pero ang sagot niya...

"EWAN KO..." oh diba..

Si Dan nga pala.. Well completely opposite kami.. Hindi ko nga alam kung paano namin natatagalan ang isa't isa..

Si Dan kasi barumbado kumilos.. Ako with poise..

Si Dan ehh pala away.. Ako takot sa away..

Si Dan rockstar.. Ako taong library..

Si Dan tahimik kasama.. Ako madaldal.

Si Dan mahal ang sarili niya.. Ako mahal ko siya..

Oo MU kami.. MAGULONG USAPAN..

Mahal ko siya.. Hindi ko lang alam kung mahal niya ako..

Natatakot naman akong ipagtapat ang nararamdaman ko.. Baka kasi lumayo siya.. Baka isipin niya ehh gusto ko ng makipag-commit.. Ehh ayaw niya ng commitment ehh.. Marinig niya palang yang word na yan ehh kinikilabutan na siya..

---------

"Late ka.." nandito kami ngayon sa park..

Ako nga pala si Thea.. Maganda.. Daw? Matalino ata.. Pinipilahan ng boys.. Pero lahat ng lalake na nagtangkang manligaw sa akin eh nagkakaroon ng blackeye mula kay Dan.. Pero si Dan.. Josme ang daming babae.. Minsan nagseselos ako.. Pero ano naman tong selos ko? Hindi naman kami committed diba?

"Sorry naman.. Tara excited na ako manuod ng movie.." Manunuod kami ng Praybeyt Benjamin.. Malamang ang dami ko nanamang tawa nito.. Hinaras ko pa yang si Dan para pumayag manuod haha..

Naglalakad kami... Ang awkward lang.. Nagtatama kasi ang mga kamay namin tapos nagkakatinginan kami.. Hindi namin alam kung maghoholding hands kami o hindi..

Hanggang kailan kaya kami magiging ganito?

[End of intro]

********************************************

Naguluhan ba kayo kay Dan at Thea? Ako din naman hahahaha ^____^

Hello pa vote naman saka comment kayo.. Please.. Itutuloy ko ba to?

Mutual Understanding.. MAGULONG USAPAN!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon