"I'm so sorry... I'm really sorry..." Paulit-ulit kong sambit nang magsimula akong maglakad sa kalsadang punong-puno ng bangkay. Sa simula ay nagagawa ko pang tumitig sa dinadaanan ko upang maghanap ng espasyong madadaanan nang sa gayon ay wala akong bangkay na maapakan pero habang tumatagal, lalong bumabaliktad ang sikmura ko dahil sa mga nakikita... Lahat ng mga bangkay, mapa bata man o matatanda ay halos hindi na mahitsura. Lahat sila wala nang mga mata at kulang-kulang na ang parte sa mga katawan, kung hindi butas sa dibdib ay tiyan naman ang nakawakwak.


Nang makita ko ang bangkay ng isang batang babaeng animo'y binalatan na ang mukha at may napakalaking butas sa tiyan, hindi ko na kinaya at napatingala na lamang ako sa kalangitan habang hinahayaan ang luha kong umagos. Nanginginig ang bawat hakbang ko at nahihirapan na ako sa paghinga, akala ko makakaya kong dumaan dito pero mukhang nagkamali ako.


Napatakip na lamang ako sa bibig ko't napaiyak lalo nang maramdaman kong may naapakan na akong bangkay, sobrang lapot nang naapakan ko sa puntong nahihirapan na akong iangat ang paa ko. Sa di malamang dahilan, napatingin agad ako sa sapatos ko pero nagulat ako sa nakita—Isang tiyang nakawakwak ang naapakan ko, naapakan ko ito kaya napasok ang paa ko sa butas.... Sa malaking butas sa tiyan ni Jury. Katabi ng bangkay niya ay ang dalawa niyang mga kapatid—mga natirang bahagi sa bangkay ng dalawa niyang kapatid.


And then it hit me... the reason why Dondy appeared at the hospital....


Dahil binago namin ang mga pangyayari, namatay ang mga bida sa kwento at nang namatay sila, kami na ulit ang naging sentro ng atensyon ni Dondy imbes na ang mga bida sa kwento niya.


Sa abot ng makakaya ko, pinilit kong magpakatatag. Sa kabila ng lahat, kailangan kong mabalikan sina Churchill at Axel, kailangan kong mahanap sina Shem at Raze, lalo na si Cielo.


Idinaan ko na lamang sa iyak ang labis na panlulumo sa tuwing may bangkay akong naapakan. Kahit alam kong mga tao lang sila sa mundo ni Dondy, hindi ko parin kayang pagmasdan ang mga bangkay kaya napapatingala na lamang ako ulit. Nagpatuloy ako nang nagpatuloy hanggang sa muli akong nakaramdam ng pagkahilo, sumisirko na naman at nanlalabo ang paningin ko, siguro dahil sa pagod, siguro dahil sa dami nang dugong nawala sakin.


Impit akong napasigaw nang bigla akong matisod, nawalan ako ng balanse sa sarili ko hanggang sa natagpuan ko ang sarili kong babagsak na sa mga bangkay kaya ipinikit ko na lamang ang mata ko at inihanda ang sarili ko.


Maliban sa masangsang na amoy, dumadagdag rin sa sama ng pakiramdam ko ang napakalapot na mga bangkay na binagsakan ko. Hindi ko alam kung dugo ba mula sa mga sugat nila 'tong dumadampi sa balat ko o ang mga balat at laman na nila itong naagnas na.


Idinilat ko ang mga mata ko, ewan ko ba pero parang mas lumiwanag ang paligid, mas nagiging malinaw ang kalunos-lunos na sitwasyon ng paligid. Hindi nalang poste ang mga umaandar, kahit pati mga karatula at neon sign ng mga establismento ay nagliliwanag narin na para bang bumalik na ang kuryente dito sa mundo ni Dondy. Is it because we killed Dondy? The power came back because we killed Dondy?


Gusto kong tumayo pero nahihirapan ako, hilong-hilo parin ako pero sa kabila nito ay pinilit ko nalang ang sarili kong magpatuloy kahit pa gumapang ako.

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now