1

5.7K 181 19
                                    

Lindsey

Siguro 50 percent ng mga part two ng libro o telenovela ay nagsisimula sa pagbabalik. O di kaya naman nagsisimula sa paghihiganti. O di kaya naman ay nagsisimula sa muling pagbangon. Dati-rati gustong-gusto kong nagbabasa ng mga stand alone novels. 'Yung mga tipong isa lang at hindi mo na kailangan pang maghintay ng isang taon para sa part two na susundan pa ng part three. Dati-rati trilogy lang, ngayon may mga series at chronicles na. Hindi ko lubos maisip noon kung ano ang rationaleat bakit kailangan pang hatiin ang mga istorya na kaya mo namang ibahagi sa mgaisang mambabasa sa iisang libro lang.


Sa tatlong taon na pagkawala ko, isa lang ang natutunan ko. Ang mga libro,pwedeng may part two at three—hanggang part one hundred—dahil mahirap pakawalan ang isang bagay. Mali ang sinasabi nila na nasa iisang libro lang ang buong buhay mo. Simpleng letter S nga lang siguro ng isang encyclopedia ay mahahati pa sa dalawa. Marami ka pang kailangang pagdaan, marami ka pang kailangang tanggapin, at kung akala mo matatapos ka lang sa isang libro, nagkakamali ka dahil marami pa ang mangyayari at malamang na makabuo ka ng isa pang akda. At isa pa. Tipong repeat until fade. Kaya may mga to be continued sa mga nobela, sine at teleserye, dahil kailangan pa nito ng pagkakataon para matapos ng maayos at maganda ang nasimulan nilang mga kwento. Para mabigyan ng hustisya ang isang napakagandang simula na bigla nalang iniwan sa climax.


Kaya ako bumalik. Para itama ang mga mali. Para bigyan ng solution ang conflict. Para tapusin kung ano man ang dapat tapusin sa kwento namin ni Prince. Ayun e, kung meron man.


"Lindsey!" kaway ni Mischa habang may hawak-hawak naman na "WELCOME BACK LINDSEY!" na banner ang Mama at ate ko. Para talaga akong nanggaling sa ibang bansa at hindi lamang bumaba sa bus station mula sa Baguio. Gusto kong isigaw na hindi ito airport pero wala na akong nagawa kung hindi ang yumuko at iparating sa mga tao na hindi ko po sila kilala.


"Lindsey! Chin up! Picture o!" napatingin ako sa sinabing iyon ni Mischa at sakto naman na pag-angat ko ng ulo, biglang nag-flash ang camera. Nakakahiya!


"Medyo OA kayo ha," sabi ko nang malapit na ako sa kanila at sila naman e abot hanggang tenga ang mga ngiti. Tatlong taon din kaya akong nawala. Tatlong taon. Bakit parang pakiramdam ko, tatlong araw lang 'yun?


Tatlong taon ako sa Baguio, pero sa pagkakaalam ni Prince ay nasa Canada ako. Ang galing ko 'no? Napakagaling kong sinungaling. Great pretender! Sa lahat ng mga sinungaling, ako na ang pinaka sa mga pinaka. Hindi ko rin alam kung bakit umabot sa ganito ang pagsisinungaling ko. Ang gusto ko lang naman kasi talaga e makalayo. Kaso kahit anong gawin ko, kahit na anong layo at iwas ang gawin ko kay Prince, lagi ko pa rin siyang naalala.


Halimbawa na lang kapag pumupunta ako sa palengke, naaalala ko ang pakikipagtawaran niya sa mga nagbebenta kasabay ng mga pacute moves niya. Pag pumupunta akong Jolibee, maaalala at oorderin ko unconsciously ang paborito niyang garlic pepper beef—beef pepper garlic, hindi ko alam, basta 'yun. Pag pumupunta akong simbahan para ipana langin na alisin na ni Lord si Prince sa buhay ko, biglang nagiging iba ang hiling ko oras na pumikit ako nagsimulang magdasal, "Lord please. Sige na po. Kung hindi niyo po ibibigay si Prince sa akin, ako na lang po ang ibigay niyo para sakanya."


Kaya naisipan kong lumayo. Bad move ang pagpunta ko sa Manila. Kasi doon nakatira si Prince noon. Kaya naman kahit saang sulok e nakikita ko parin siya. Nai-imagine ko na nasa tapat ko lang siya habang nagkasakay ako sa MRT. Nai-imagine kong hinahawakan niya ang kamay ko noong minsang nahuli akong nag-jaywalking sa may Edsa at nalaman kong hindi pala pwedeng tumawid dito kung saan-saan, 'di tulad sa probinsiya. Nai-imagine kong tinatawanan namin ang mga signs na, "Wag tumawid nakakamatay!"

Isang Milyong Sulat 2: The EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon