~
Malungkot na medyo masaya...
Malungkot kasi wala ka na...
Kasi hindi ko man lang naiparamdam sa'yo kung gaano kita kamahal
At kung gaano ko kagustong ipaglaban ka sa lahat ng masasamang nangyayari sa mundo.
Masaya kasi kahit papaano may konting pagasa.
Kasi hindi ka naman pang habang buhay na nasa malayong lugar, 'di ba?.
Kasi alam kong babalik ka.
Lindsey, utang na loob, bumalik ka.
Nakakapanghinayang na hindi.
Nakakapanghinayang kasi mas marami pa sana tayong mga ala-alang magkasama.
Kasi ang saya-saya natin noon na tipong tila wala nang makakapigil pa sa ating dalawa.
Hindi, kasi masyadong maraming bagay ang humahadlang sa atin noon
Maraming mga bagay na kailangan muna nating ayusin nang mag-isa.
Lindsey, naayos ko na. Nasaan ka na?
Nag-iisa na napapalibutan ng mga totoong tao.
Nag-iisa kasi wala ka.
Pero at least nakilala ko parin ang mga taong tunay na nandiyan para sa akin.
Para sa atin.
Para sa pagmamahal na natagpuan at bigla nalang naglaho.
Para sa pagmamahal na pilit kong ibinabalik.
Kahit na ayaw mo na.
Kahit na imposible na.
Kahit na hindi ko alam kung nasaan ka na.
Lindsey, mahal na mahal kita.
Ako ito...
Si Prince
BINABASA MO ANG
Isang Milyong Sulat 2: The End
Teen FictionDISCLAIMER: This book is published by VIVA PSICOM PUBLISING INC. Dear Kung Sino Ka Man, Sabi nila, sa panahon ngayon, wala nang magic, 21 nalang ang may forever, at sa sine mo nalang daw mae-experience ang true love. Naging mailap na raw ang mga sa...