Tayo

13 0 0
                                        

Nangungulila ako.
Nangungulila ako dahil wala ka sa aking tabi.
Kahit nga siguro nasa tabi kita
Wala parin itong silbi
Dahil lalo akong mangungulila.
Lalo akong mangungulila kasi kahit makatabi kita mistulang estranghero ka na lamang at dahil sa kaisipang yon ay lalo akong masasaktan.
Dahan dahang dinudurog ng pinong pino ang puso ko sa tuwing naalala ko ang nangyari sa atin.
Hindi ko inakalang darating yung araw na masasaktan ako ng sobra at yun ay yung iwan mo ko bigla.
Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa isang tulad ko na bigla nalang maglaho ang lahat ng pinangarap kasama ka.
Na mananatili na lamang itong isang pangarap na imposible ng matupad kasi bumitaw ka na.
Sana tinurukan manlang ako ng anesthesia bago mo man sabihin na wala na tayo.
Na wala ng TAYO!
Ikaw at Ako ay imposible ng magsama at maging TAYO!
Ung magsasama hanggang sa pagtanda ay maaring mangyari pero hindi TAYO.
Hindi Ikaw at Ako kung di Siya at Ikaw at Ako at Siya.
Dahil ang panghabang buhay sana ay tinapos mo na.
Ilang beses ko bang kailangang lumuha dahil sayo?
Ilang beses ba kong hindi kakain?
Ilang beses akong tatanggi na ngumiti o tumawa dahil sa kadahilanang wala na tayo?
Umiyak man ako buong magdamag
Di man ako kumain ng isang linggo
Hindi parin lilisan ang sakit na tumagos sa puso ko.
Mahirap tanggapin lalo na pag hindi inasahan.
Masakit pagdaanan lalo na't hindi pinaghandaan.
Nakakaiyak isipin lalo na't hindi nanaisin.
Nakakatakot kalimutan dahil hindi mo namang ginustong malimutan.
At yun ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay iniisip kita.
Kahit nasasaktan na iniisip parin kita.
Yung masasayang alaala nagiging malungkot na.
Yung mga ngiti ngayon ay pinalitan na ng luha.
Yung matamis na pagsasama naging mapait na.
Humantong na sa kinakatakutan at hindi ko kailanman inasahan.
Bumisita na ang bangungot ng ating pag-ibig.
At ang mga katagang "Ayoko na tapusin na natin to.Wala na tayo"
Ay narinig ko na mula sayo.
Kaya h'eto ako ngayon sinasanay ang sariling mamuhay na wala na sa piling mo.
Sinisikap maging masaya kahit wala ka na sa tabi ko.
Pilit ngumingiti na dati ay ikaw ang rason.
"Wala na tayo"
Makakalimutan ko rin to sa tamang panahon.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Read & Enjoy ;)

TAYOWhere stories live. Discover now