XXIV : To love and protect

Start from the beginning
                                    


Natigil kami ni Church sa pagtakbo. Kapwa kami nanlumo nang makita ang isang flashlight sa sahig. Dali-dali kong pinulot ang flashlight at muli na lamang nagtatakbo.



***


Isa-isa naming pinagbubuksan ni Church ang bawat silid na madaanan namin. Habang tumatagal lalong tumitindi ang pag-alala namin, paulit-ulit naming sinisigaw ang pangalan ni Wena, paulit-ulit kaming nakikiramdam sa paligid ngunit wala kaming ibang naririnig kundi nakakabinging katahimikan.


Takbo kami ng takbo. Nasuyod na namin ang buong pasilyo kaya hinanap namin ang pintong patungo sa hagdan. Labis kaming nataranta ni Church, ni hindi na namin nagagawang magpalitan ng salita. Nang mahanap namin ang pinto ay dali-dali namin itong pinasok ngunit nang pababa na sana kami ay bigla na lamang kaming may nabangga, umalingawngaw ang sigawan namin lalo na nang malaglag kami sa hagdan.


May narinig akong kumalansing, para bang isang malaking bagay na gawa sa bakal ang tumama sa sahig.


Iilang baitang lang ang nalaglagan namin pero sapat ito para magkagulo kami, nabitawan namin ang mga flashlight at gumulong ito palayo kaya naman muli kaming binalot ng matinding kadiliman habang namimilipit sa labis na sakit.


"Please don't be Dondy! Please don't be Dondy!" Narinig kong paulit-ulit na bulalas ni Churchill, "Dana asan ka?!"


"Dana?! Churchill?!" Bigla kong narinig ang isang pamilyar na boses hindi kalayuan sa pinagbagsakan ko. Wala man akong makita dahil sa sobrang dilim, sumagi agad sa isipan ko si Axel.


"Axel?!" Bulalas ko sabay libot ng paningin ko. Naaninag ko ang liwanag ng mga flashlight sa hagdanan, pakiramdam ko ako ang pinakamalapit rito kaya naman kahit nangangapa sa dilim, pilit kong hinanap ang railings at ginamit ito bilang alalay sa pagbaba ng hagdanan.


"K-kayo lang ba?! Asan ang iba?! Nakita niyo ba ang kapatid ko o kahit sina Gino?" Dahil sa narinig ko mula kay Axel ay parang nanghina ang mga paa ko. Sa kabila nito ay pinilit ko nalang na kunin ang mga flashlight na nalaglag.


"K-kasama namin si Wena kani-kanina lang pero bigla siyang nawala." Si Churchill na mismo ang nagsabi kay Axel. Sa puntong 'yon ay nagawa ko nang makatayo at makita sina Axel at Churchill na nakatayo na sa hagdan. Axel had blood all over his clothes and his wounds are just as bad as ours but the pain and despair in his face as he learned he was so close to finding his sister, heartbreaking.


"W-we have to find her!" Aligagang bulalas ni Axel at dali-daling kinuha ang isa sa dalawang flashlight na hawak ko, "May takot ba kayo sa ospital?! Sino ang alam niyong may takot sa ospital?!" Natatarantang sambit ni Axel kaya agad kaming nagkatinginan ni Churchill.


"It's uncomfortable but I'm not afraid of it, sa pagkakaalam ko hindi naman rin takot sina Shem at Raze. I don't know about the others!" I felt so useless and it was downright disappointing.


"Hindi rin ako!" Bulalas ni Churchill, "T-teka si Cielo, diba napasok siya sa mental? Paano kung—"

Dispareo (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now