'Sweetheart,i have something to tell you...'

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nag-panic sa klase ng tono ng pananalita ni giant ngayon.

"Ano yun?"

'I'm leaving tonight...nagkaroon ng problema ang isang branch namin sa New York so I'm going to fix it as soon as possible..'

"What!?"

Napatayo ako mula sa upuan nang marinig ang paliwanag ni giant.

'Sweetheart,I'm sorry...hindi ko kaagad nasabi sa'yo,akala ko magawan ng paraan ng management doon pero hindi...kailangan nila ang presence ko dahil pag-aari ko yung branch..you can stay there at your house while I'm away...pero bago ako aalis ay kailangan muna kitang ipasundo ngayon...hindi matatahimik ang halimaw ko hanggat hindi kita maaangkin bago ako makaalis,so..prepare yourself now..baka parating na sila Carlo.'

Napa-facepalm ako nang wala sa oras kahit hindi ko naman gawain iyan.Ito kasi ang unang beses na magkalayo kami ni Klien simula nang nagsama kami sa iisang bubong.

"Hanggang kailan ang pananatili mo doon?"

'Two days lang sweetheart..at kung magawan ko ng paraan para maayos kaagad ang problema..kahit half day lang ay uuwi at uuwi ako kaagad..you know me,hindi ko kayang mapalayo sa'yo ng matagal!kung hindi kasi naging emergency itong pag-alis ko ay magawa ko pang maipaayos ang mga documents mo para mabitbit kita kahit saan man ako magpunta!but don't worry...tatawagan kita from time to time!'

Then we ended the call.Para makapag-ayos na rin ako at kailangan ko pang magpaalam kila Mom at Dad.

Oh god! Sa isiping ilang oras ko lang makasama si Klien..at maya-maya nalang ay lilipad na sya papuntang New York. Para akong mawawala sa sarili.

Haist!bakit ba napakalungkot isipin na mapalayo sya sa akin kahit dalawang araw lang?

Pakiramdam ko ay pasan ko ang buong mundo!

*

*

*

Today ang first day ni Klien sa New York.

Without giant by my side?daig ko pa ang halaman na isang linggong hindi nadiligan.

God!I'm so lonely!!

"Rein..may nagpa-deliver sa'yo nito.."

Nilingon ko si Mom na dala-dala ang isang bouquet of red roses.

"Wala namang pangalan ng sender,baka galing kay Klien?"

Napalunok ako habang inaabot mula kay Mom ang bouquet of red roses.

I doubt it kung si Klien ang nagpa-deliver nito dahil ever since ay hindi naman talaga nya gawain ito.

Iisang tao lamang ang biglang sumiksik sa aking utak sa mga sandaling iyon.

Si Gio.

Oo,dating gawain ito ni Gio noong sinusuyo pa nya ako at kahit na nagiging boyfriend ko na sya ay lagi parin nya akong binibigyan ng bulaklak.

Nahulog ako sa malalim na pag-iisip na kung bakit ginagawa ni Gio ang lahat ng ito.

Isang buwan na nya akong pinatahimik simula nang huling engkwentro namin sa Alfemo Of Company anniversary party noon.

Mabuti nalang at nagkataong wala si Klien..kasi kung hindi natatakot ako kapag malaman nya ang tungkol dito.

Baka kung ano pa ang magagawa nya kay Gio.

Nabitiwan ko ang mga bulaklak nang biglang tumunog ang aking phone at nakita kong pangalan ni Klien ang nasa screen.

Giant my love calling....

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nataranta kahit hindi ko naman sya kaharap ngayon.

Nagtataka tuloy si Mom at maagap naman nyang pinulot yung nalaglag na bulaklak.

"Hello giant?"

I compose myself na para bang wala akong kakaibang iniisip.

'I miss you and i love you sweetheart!'

Pakiramdam ko ay biglang umalsa ang aking puso nang marinig ko ang boses ni Klien.

Oh god!how i love this man!

"I miss you and i love you too,giant!kamusta naman ang unang araw mo dyan?" Masigla kong sabi.

Narinig ko ang malalim nyang pagbuntong-hininga.

'Thinking of you already...heto nga at nakatitig ako sa picture mo sweetheart!hindi ako magiging okay hanggat hindi kita nayayakap,nahahalikan at naaangkin!'

Kaagad akong napanguso sa kanyang tinuran. Kainis sya! Kung anu-ano sinasabi eh, ang layo-layo nya! Mas lalo  akong nasasabik sa kanya.


"Giant,ano ba!pumunta ka dyan para ayusin ang problema sa negosyo mo diba?kaya kahit dalawang araw lang ay i-focused mo naman yang utak mo sa problemang kinakaharap mo noh!"

Narinig ko ang paghagikhik nya ng mahina.

'I'll be back tomorrow!so,be prepared!matulog ka nalang ng matulog habang wala ako dahil sa pagbalik ko ay hindi talaga kita patutulugin...'

Bigla akong binalot ng matinding excitement buhat sa narinig.

Yes!pauwi na sya bukas...siguro naayos nya kaagad yung problema ng branch na sinasabi nya.

"Mom...ilagay nyo nalang po sa room nyo yung flowers kanina,hwag mong i-display sa sala.."

Baling ko kay Mom pagkatapos naming mag-usap ni Klien.

Ewan ko ba...mas gusto ko pa ngang ipatapon nalang eh,pero baka magtataka pa si Mom kapag ginawa ko yun.

"Hindi mo ba gusto?ang ganda kaya...naalala ko tuloy yung ex-boyfriend mo dati,mabait pa din kahit na wala na kayo...akala ko pa naman na sya na yung makakatuluyan mo."

Napalunok ako nang marinig ang lintanya ni Mom.

Yes,my family knows Gio very well..at gustong-gusto nila si Gio para sa akin noon.

Open nga din si Gio dito sa bahay eh!

Idol na idol sya ni Mom lalo na kapag gumigitara sya.

"Nagkakausap pa din ba kayo ni Gio,Mom?" Wala sa loob kong tanong.

"Oo naman...every year kaming nagkikita ni Gio at doon din mismo sa anniversary party ng Alfemo Of Company.Minsan nga naitatanong ka nya sa akin,pero ang sagot ko naman na araw-araw ka naming inaantay na umuwi sa bahay kaya lang mukhang nakalimot kana."

Naibaling ko sa ibang direksyon ang aking paningin.

"Gusto nyo ba si Klien,Mom?" Naitanong ko bigla.

"Nakikita ko kung gaano ka kamahal ni Klien anak...at napapansin ko din kung gaano ka kasaya sa piling nya,pero Rein...hanggang ganyan nalang ba kayo?hindi nyo na ba maisipang magpakasal?kahit gaano nyo pa kamahal ang isat-isa,iba pa din kung naikakasal na kayo.."

Napalunok ako pagkway napabuntong-hininga.

Mahigit isang buwan na kaming nagsasama ni Klien pero hindi parin nya nababanggit sa akin ang tungkol sa pagpapakasal.

'Marriage is not his thing,Heartily...'

Bigla kong naalala yung sinabi sa akin ni Gio.

Bakit giant?may malaking dahilan ba kung bakit iniiwasan mo ang salitang kasal?

Or,hindi pa ako sapat sa buhay mo kaya hindi mo nakikita sa akin ang pamilyang hinahanap mo balang-araw...

"Hindi pa naman siguro sya handang itali ang kanyang sarili Mom,alam mo naman na napaka-busy nyang tao..."

Hindi ko alam kung bakit nakakahanap ako ng irarason basta mapunta na kay Klien ang usapan.

Lagi ko syang pinagtatanggol...kahit na humihiyaw din naman ang kabilang utak ko na may point din si Mom doon sa kanyang sinabi.

Ayaw ba nya talaga ng kasal? Bakit? Dahil kapag napagod sya,o, nagsawa na...madali lang nya akong isasantabi?

☆☆☆

When The Coldhearted Beast Awaken Where stories live. Discover now