SLY 59

2.8K 82 1
                                    

Devin pov...

........

"Doc2x...nandito na po tayo." Pilit parin niyang ginigising ang ang amo niya. Alam niyang napagod ito sa pag dadrive at nag volunter siyang mag change nang position para siya na mismo ang magpapatuloy nang pagda-drive sa pupuntahan nila. At ngayo nakarating ma sila sa direction na sinabi nito.

"Hmmm..." nagising nadin sa wakas. "Narito na ba tayo sa bahay nang pamangkin ko?"

"Opo doc."
Lumabas na silang dalawa sa kotche at nag-unat nang katawan dahil sa pagod.

"Tara pumasok na tayo."ang sabi nito sa kanya.  Sumonod din siya sa amo niya dalawa ang bag nito. Medyo may kabigatan kaya nauuna sa kanya ang doctor maglakad.

Makikita na may kalumaan ang desinyo nang bahay na pinuntahan nila. May maluwag na garden na pinalilibutan nang magagandang rosas sa dulo naman ay may swimming pool na hugis bilog. May naglilinis nito sa pool at may mga katulong din na nag lilinis nang bakuran.

Napahinto siya nang makita niya ang doctor na may kausap na matandang babae nakasuot ito nang kapareha nang mga katulong.

"Maligayang pagdating Sir. Babon, kamusta po ang biyahe ninyo mukhang malayo ang bineyahi ninyo tara po sa loob para makapag-pahinga kayo."tumango ang doctor at sumabay pumasok sa loob nang bahay.

Nang mapansin nang doctor na wala ang presinsya ni devin binalikan niya ito sa labas.

"Devin ano pa riyan ang ginagawa mo sa labas pumasok ka na dito."tawag nang doctor.

"Ah opo papasok na po."agad naman ako pumasok sa loob.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob nang makapasok ako. May mga antigong gamit at modernong kagamitan ang makikita sa loob nang bahay. Ka-ayaya tingnan nang ang kabuoan nang bahay kahit magkahalo ang mga kagamitan nang luma sa bago. May mga modern interior din naman ang nakalagay sa mga ibang sulok nang bahay. Ang nakakapag paganda mas lalo sa bahay ay mayroong fountain sa loob nito na may isang batang statue sa tuktok nito. Masasabi mong bahay nang presidente sa laki.

"Salamat at nakarating din kayo agad uncle."

Napalingon kame sa boses nang babae, nakasuot siya nang magandang damit na abot tuhod ang iksi nang palda kahit expose ang balikat hindi naman masyadong malaswa tingnan dahil nababagay lang ito sa kanya.

"You!" Ang tawag niya sa akin. Nakatayo lang ako likod ni doc.at napatingin lang sa babae.

"Hija, good to see you. How is your parents?" Kita ko na ngumiti ang babae kay doc nang sagutin niya ang tanong ni doc.

"Ikaw. Bakit ka nandito?" Ang tawag ulit sa akin nang babae. Gaya parin nang reaction ko hindi ko pinansin ang sinabi niya. Mukhang lalapit siya sa akin, kaya naman umiwas ako nang tingin.

"Hey' you don't  remember me, don't you?" Ang nagtataka niyang sabi sa akin. Nag cross arm pa siya sa akin.

"Excuse me?" Ang natanong ko sa kanya. Diniin kasi niya ang mukha niya sa akin. Nakakailang kaya napalayo ako sa kanya.

"Magkakilala kayo?" si doc na nagtataka din sa amin dalawa.

"Of course uncle, nagkakilala na kame."

"Huh?"

"Diba ikaw yung lalaki na ka dinner namin ni trevor?"

Ano....anong sabi niya. Trevor ba ang sabi niya? teka sandali..napatingin ako sa kanya nang husto. Tama naalala ko na siya yung babaeng naka dinner namin ni trevor.siya yung babae na pinakilala sa akin ni trevor. Siya si....

"Im Mia girlfriend ni trevor remember?"

Huh...yea right girlfriend tama siya nga ang babaeng iyon. Well i remember her. "Oo natatandaan na kita, ikaw yung girlfriend ni trevor ang kasabay namin kumain nang dinner. Pasensya ka na kung medyo natagalan kitang narecognise. Pasensya na." Nag nodd ako sa kanya bilang pag uumanhin.

"Naku wala yon ikaw naman. Ang importante nagkita ulit tayo. Paano ka pala napunta dito?"ang tanong niya sa akin.

"Assistant ko siya sa clinic ko Mia. At siya ang kasama ko sa medical mission." Ang sabi ni doc sa sagot ni Mia.

"Ah...nag tatrabaho ka pala kay uncle, maganda niyan." Ang masaya niyang sabi. "Tara na uncle, devin alam kong gutom layo sa biniyahe ninyo kaya naman nagpahanda ako nang pagkain para sa inyo."

Kasalukyan kaming kumakain ngayon, medyo nakapagtakaka nga lang, tatlonlang kame ang kakain pero bakit ang dami nang nakahandang pagkain sa mesa. May mga bisita kaya siyang inaasahan na darating bukod sa amin?

"Bakit naman ang dame nang pagkain yata ngayon Mia?"ang tanong ko sa kanya.

"Para sa inyo lahat iyan. Alam ko kasing darating si uncle sa malayong biyahe kaya naman nagpaluto ako mang marami. Sana magustuhan ninyo ang inihanda ko sa inyo?" Ang masaya niyang sabi sa amin.

"Naku naman Mia hindi mo na kailangang magluto nang marami. Hindi naman namin yan mauubos ni devin. Diba devin.?"

"Mmmm.." tumingin ako kay doc habang may sinubo akong pagkain sa bibig.

"Hahaha...tingnan mo uncle mukhang nasasarapan si devin sa pagkain niya. Sa tingin ko mauubos lahat yan." Nagtawanan nalang kameng tatlo.

........

"Nagustohan mo ba ang inihanda kong pagkain?"

"Subra."

"Talaga.!?"

Kasalukyan kameng naglilibot sa bakuran ni Mia. Niyaya niya kasi ako na tumingin-tingin sa paligid.

"Matagal na ba kayo magkakilala ni trevor?" Tumingin mona ako sa kanya. "Oo."ang sagot ko sa kanya.

"Halika may ipapakita ako sa'yo." Hinila niya ang kamay ko dahil may ipapakita daw siya sa akin. "Ang ganda diba?" Isang malawak na biranda na may nakalibot na sunflower sa gilid nito at may isang maliit na stage na pinalibotan nang nagnining-ningan christmas light. "Pag-dumating na ang time na mag papakasal kame ni trevor gusto ko dito kame ikakasal sa bahaging ito." Ang pagtutukoy niya sa ipinakita niyang bakuran.

"Ah ganun ba, ang maganda nga dito. Im sure magugustohan din dito ni trevor pag pinakasal na kayo."

Natutuwa ako kay Mia dahil sa napaka-bait niya. Sa sinabi niya nararamdaman ko ang tunay na pagmamahal niya kay trevor. Hindi ko man makita kay trevor kung ano ba talaga, mahal ba niya si Mia.

Kung totoo man na mahal niya si Mia sana alagaan niya ito at mahalin higit pa sa sarili niya. Deserve ni Mia ang maging masaya, deserve niya ang lalaking mamahalin siya nang lubos.

Wait? Bakit ko ba ito sinasabi, well ayuko naman umasa na may nararamdaman pa sa akin si trevor. Alam ko na sa simula palang hindi naman talaga kame para sa isa't-isa i mean pareho kaming lalaki ano ba ang makukuha namin, kung magsama kame magiging masaya ba kame. Magiging maayos ba ang pagsamama namin na walang problema na ini-intindi.

Ang kapalaran na lang ang mag dedesisyon sa amin kung ano ang nakatadhana sa amin.

............





Someone like You (Bxb) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon