Sabay naming ininom ang aming mga kape habang naglalakad sa gabi. Tanging ilaw lang sa mga poste ang nagsisilbing liwanag at may mga puno sa paligid.

Malapit na sa sakayan ng muli mag salita si Nate.

"Can I ask you something?" Basag niya sa katahimikan.

"Tungkol saan?" Tanong ko ng di siya nililingon.

"About what happened in parking, sinabi mong privileged fan ka lang."

Hindi pa siya natatapos ay napangiwi na ako.

"It's okay, I will not ask-"

"Okay lang, ituloy mo." Putol ko ng makitang natataranta siya sa pag ngiwi ko.

"The way Jacob look at you, I think you are more than that." Maingat niyang sabi na para akong bomba na iniingatan niyang sumabog.

Huminto kaming dalawa ng nasa waiting shed na kami ng sakayan. Hinarap ko siya at inilabas ko ang tagong kuwintas na may sing-sing sa loob ng t-shirt ko at ipinakita sa kanya.

Bumaba ang tingin niya doon at kita ko kung paano dahan dahang malaglag ang panga niya, saka mabilis na inangat ang mga mata sa akin ng gulat.

"Ako ang nagbigay ng kotrobersyal na sing-sing kay Jacob."

Hindi pa nakakabawi si Nate at gulat lang na tulala sa akin, hanggang dumating na ang hinihintay kong bus.

"Ayan na ang bus na sasakyan ko. Aalis na ako." Ngumiti ako sa kanya at nagpaalam na.

Dumating ang araw ng exclusive party na sinasabi ni Jane. Sabado at bukas pa sana ang off ko sa Chapters, mabuti at pumayag makipag palit ng off si Tam sa akin. Bukas sunday, ako ang naman ang duty.

"I will put light make up lang, kasi pink ang dress mo. Do you want me to do your hair or lugay lang?" Tanong ni Jane habang busy'ng binubuksan ang make-up kit.

"Lugay ko na lang, ako na ang mag-aayos." Sagot ko habang naka-upo sa maliit kong dresser na puti. Hindi ito katulad ng dresser ni Jane na engrande at may mga ilaw pa sa paligid ng salamin.

Tumango lang si Jane at sinimulan na ang pag pahid ng primer sa mukha ko. Sinimulan ko na rin ayusin ang buhok ko. Sabay kaming napatingin sa cellphone ko ng may mag text doon. Kinuha ko at tinignan kung kanino galing ang mensahe.

Jacob:

Are you still going to that party you're talking about?

Kumalabog ang puso ko, nag-angat ako ng tingin kay Jane, na walang pakialam kahit mahuli ko siyang binabasa iyon. Walang emosyon niyang nilipat ang tingin sa mukha ko at pinagpatuloy ang ginagawa.

Mapanuya ko siyang tinignan.

"What?" Painosente niyang tanong

Natatawa ko siyang inirapan at nagtipa na ng isasagot.

Ako:

Yes, nagaayos na ako.

Naalala ko na tinanong niya noon ang araw na ito kung may gagawin ako, ng sinabi kong aalis para sa party ay hindi na niya sinabi ang dahilan. Ngayon huling minuto ay sinisigurado niyang tuloy ako.

Mula ng nagpunta siya ng condo ay nadadalas na ang mga mensahe niya, minsan naguugulat parin ako kahit ganoon. Hindi parin malinaw kung ano ang mayron sa amin. Pero tulad ng sabi ko ay hindi na ako aasa ng higit pa sa kaibigan.

Ibinaba ko sa dresser ang phone ko at inayos ulit ang buhok.

"Are you guys still at it?" Taas kilay na tanong ni tanong Jane.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now