Malayo

12 1 1
                                    

Malayo (One Shot)

Written by: Ate Ten

Note ni Ten: Sana magustuhan nyo. :D

Salamat sa magbabasa! :) mwaaa! Hihi :*
------------------------------------------------

"Minsan, ung mga bagay na gusto mong mangyari, hanggang imagine nalang"

Dapat kobang paniwalaan to?

Dati sobrang labo ko yang paniwalaan. Kasi lahat naman ng bagay na gusto natin kaya nating gawan ng paraan kahit na ano nga kaya nating gawin para dito pero ngayon napakalinaw na sa isipan ko na May mga bagay talaga na hanggang Imagine nalang.
********************************

Nung una kitang makita hindi ako na Love at First Sight kasi nung una kitang makita nainis ako sayo. Sobra. Kasi ba naman papogi ka lagi ka nalang parang yung look mo na pinapakita mo samin "Hello, ang pogi ko no? MA-INLOVE KAYO at Maglaway"  ganyan ung na feel ko sa tuwing papasok ka at tatayo sa harapan namin na feeling mo napaka gwapo mo. E mukang feeling mo lang yon.

Sa tuwing papasok ka nalang at tatayo sa harap namin lagi kang seryoso na kala mo kung sino kang matanda na hindi nakapag asawa at para karing nalugi sa palengke.

Natakot ako na lagi kang seryoso pag titingin ka sakin parang lalamunin mo ako para mawala na ang isang batang makulit sa paningin mo.

Natakot ako na kausapin ka at makipag kaibigan. Pero sinubukan ko.

Lumipas ang araw lumilipat ako sa unahan para makatabi ka lang. Para makipagusap, ang saya mo kasi kausap. Sa tuwing mag joke ka kahit na sa kanila hindi benta sakin bentang-benta pinakyaw mo pa. Habang nagke-kwentuhan tayo mapapatingin ako sayo kasi bigla ka nalang tatawa at tatakpan yang bibig mo. Gustong gusto kong nakikita kang tumawa. Nawawala na ung dati kong nakikita sayo na laging seryoso. Kasi nakikita na kitang natawa. Napaka Cute mo, sa tuwing may magj -joke pag tumawa ka parang ang saya mong panoodin nakakapag pagaan sa feeling pag naririnig ko ung tawa mo.

Lumipas ang araw lalo tayong naging close. Madalas nakong lumipat sa unahan. Nawawala narin ung una kong pagkakakilala sayo na "Feeling Pogi ka" kasi kahit ako mukang natamaan na katulad ng mga tigahanga mo. Kasi naman napaka bait mo.

May mga araw na kasama kita sa labas at kasabay kang kumain. Ang saya ko non kasi kasama ka. Napaka saya mong kasama. Andami mong kwento, andami mong baon na kahit hindi benta napapatawa ako.

*********

Hanggang isang araw nakita ko may kasama kang babae nagtatawanan kayo, nagpi-picture at nagkukulitan. Ang saya nyo tignan. Naisip ko non na sana ako nalang sya para makukulit rin kita ng ganon kaso hinding hindi ako magiging sya kasi iba ako at iba sya. Nagtampo ako sayo. Ewan ko ba kung bakit ako ganto. E alam ko namang hindi mo ako magugustuhan.

May mga araw rin na pag natingin ako sayo napapatingin ka at napapatawa. Muka ba akong clown? Nakakainis kana talaga! Pero okay lang atleast nakita kong ngumiti ang mga labi mo at kasabay non narinig ko rin ang mga tawa mo. Sana ako ung dahilan ng pagtawa at pag ngiti mo. Sana...

Lumipas ang araw lalo akong nagtampo sayo kasi may kausap ka nanamang ibang babae. Napaka chick boy mo naman! Nakakainis ka! Naguusap kayo tas narinig ko pang kinantahan mo sya. Bakit hindi nalang sakin? Kaya ko namang pakinggan yan kahit pagit boses mo.

Dahil don minsan nalang akong lumipat sa unahan sa tabi mo. Tutal naman masaya ka kahit wala ako. Nakakatawa ka parin. Nag joke ka pero walang tumawa gusto ko sanang lumipat sa unahan para tawanan ubg mga joke mong bentang benta sakin kaso naisip ko na wsg nalang para naman maisip mo ung halaga ko na sana mapansin mona wala ako.

Pero kahit anong pilit ko na hindi tumingin at makinig sayo hindi ko kaya e. Pag nag joke ka natatawa parin ako kahit sobrang waley. Pag titingin ka sakin napapangiti mo parin ako. Anlakas mong mang hatak pababa. Nagpahila ako kasi wala e ang saya lang sa feeling mo. Ang saya mo kasi kasama.

Na realize ko na lahat ng tingin ko sayo dati nawala napaltan lahat ng positive.

Na realize ko rin na kaya ako naiinis sa lahat ng babaeng kasama mo kasi nakakaramdam ako ng selos. Un pala yon.  Pero kahit na ayoko.  Ayokong mahulog sa napaka lalim na balon. Kasi alam ko na hindi mo ako sasaluhin...

"Kasi malabong maging gusto mo ako.. Kasi anlayo ko sayo.. Anlayo mo sa akin.. Hanggang imagine nalang ako.."

"Kasi may 11 years GAP tayo..."

------------------------------------------------

Note ni Ten: Lahat po ay katang isip lang. :) Sana po nagustuhan nyo! :)

Salamat sa pagbabasa. :D

Malayo (One Shot Story)Where stories live. Discover now