FP6

0 0 0
                                    

ABBY

SA KWARTO KO

      Habang nagsusulat ako, bigla kong naalala ang sulat sa likud ng litrato ko. Kinuha ko ang picture at tinitigan ko ng mabuti ang handwriting.

Parang magkapareho sila ng handwriting ni Vince.....

Pero impossible namang mangyari yun....

Tinitigan ko ulit.....

Pero parang magkapareho talaga eh....

"Ano ka ba Abby??!! Ba't naman susat si Vince sayo.?"     ---maloloka talaga ako nito...

Makapag-fb na nga lang...... Ang daming message sa GC ng mga jlovers!!. Ang dami rin mga bagong picturrs ng asawa ko hehehe.... Ang gwapo nya talaga di nakakasawang tingnan.haaay!!!kailan ka kaya magiging akin.

Tekaa!!!! Totoo ba 'to!!!! Ooh my Gosh!!!!

"Aaahh!!!"     ----napatili ako sa kilig, naku po!! Totoo ba talaga 'to?!! Nasa WANSAPANATYM si JOAQUIN MY LOVES...at... At....mamayang linhgu na yun.

Teka!! Anong araw naba ngayun? Tiningnan ko ang kalendaryo. Ani ba yan Lunes pa ngayun!! Kainip naman!

BAAAANNG!!!!

(may ganung impact talaga) biglang bumukas ang pinto.

"Ano nangyari dito?!!"   ---pag-aalalang tanong ni mama.

"Maaaa.... Nasa wansapanatym si JOAQUIN at mamayang Linggo na yun!!"   ---sabi ko habang kinikilig.

"Mama?ba't di mo na po dalhin sa mental hospital 'tong si ate? Masyado na po kasing lumalala ang problema nya. Nakakaawa at nakakatakot na."   ---singit ng epal kong kapatid.

"Chee!!wag ka ngang epal!!! Palibhasa di mo alam ang feeling."   --sabi ko habang niyayakap ang teadybear kong may suot na t-shirt na may mukha ni JOAQUIN (pina-printahan ko talaga kasi)

"Tumigil nga kayong dalawa dyan. Ikaw naman Abby wag ka ngang sumigaw papatayin mo pa ako sa nyerbus eh! Ang mabuti pa matulog kana ng maaga at may pasok pa bukas."   --paalala ni mama

"Opo ma!"  --nakangiti kong sabi. Di pa rin kasi ako maka- get over sa nalaman ko eh!

Umalis na sila ni mama pero, di pa rin ako makatulog. Ang saya-saya ko. Ngayon ko lang kasi ulit makikita si JOAQUIN  sa t.v pagkatapos kasi ng teleseryeng bagito( isang teleseryeng kinabibilangan ng gimme5). Kaya sobra kong saya. Nagpagulong-gulong ako sa kama,tumatalon talagang hindi ako mapalagay.

"I can't wait to tell Jaya about this!"

Matutulog na nga lang ako para magising ako ng maaga pero bago yun nag-pray muna ako

"LORD,thank you at pinagbigyan nyo po ang kahilingan ko da best KA talaga. Love u."😄

KINABUKASAN


"Aaah!!!! Oh my Gosh!! You wo't believe this bhest!!nasa wansapanatym talaga sya!!"   ---sabi ko habang tumitili at oo, nag-iingay ako ngayun sa room namin at pinagtitinginan na kami ng mga classmates namin at wala akong pakialam dun. WLANG MAKAKAPIGIL SAKIN (pabebe lang haha)

Kinaladkad ako ng bhest ko sa labas ng room para dun na lang mag-usap

" Ano kaba Abby?? Para kang bata!"   ---sabi nya habang nkataas ang isang kilay. "Kumalma ka nga!Inhale! Exhale!"

"Eeh!! Kasi naman bhest sobrang saya ko.."  ---ako

"Oo nga eh,di nga halata."  ---sya habang naka-cross arms.

"Pilosopo ka talaga! Nasa wansapanatym kasi si JOAQUIN at kahit medyu may pagka-kontrabida ang rule nya, OK lang sakin basta makita ko lang sya kahit sa t.v lang solve na 'ko."😊😍

"Hay naku!! Iwan ko sayo Abby."  --sya

Pero wala akong pakialam sa sinasabi nya kahit di sya intirisado basta ma i-share ko lang ang nararamdaman ko.

Ang tagal naman ng weekend. SObrang excited na ako.

"Syanga pala bhest, ano nga pala pinagusapan nya ni Vinve kahapon?"  --pagtatanong nya.

Bigla ko tuloy naalala ang pagyaya sakin ni Vince kahapon.

"Ahy!! Oo nga pala!nagyayaya kasi sya na manoud daw tayo nang game nya ngayun."   --paliwanag ko.

"Diba mamaya na yun? Ba't di na lang tayo dumiritso dun?!"   --sya

"Mamaya na lang,kumain na muna tayo! Gutom na 'ko!"    --sabi ko habang hinihimas ang tyan ko.

" Lage ka namang gutom eh!"  --sya.




SA GYM

Nandito na kami ngayun sa gym,humanap kami ng mauupuan.

Ayun! Sa itaas, umupo na kami at pansin kong kakaumpisa lang pala ng game.

15-28 ang score. Lamang na ang kalaban. Nakita ko si Vince  at parang, may hinahanp yata sya . Parang di sya mapakali. Tumingin sya sakin,Bigla nagbago ang emosyun ng mukha nya. Kumaway ako sa kanya at sumigaw ng "KAYA NYO YAN!!"    Para i-cheer sla .

"Hoy bhest!grave ka naman kung maka cheer.wagas!"   --sya sabay siko sakin.

Ngumiti na lang ako at nanuod.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fangirl Problems.Where stories live. Discover now